"Wow, chico, salamat ha...."

" Kate " alam kong hindi niya ako matandaan and it kills me.

"Kate. Beautiful name. Bagay na bagay sa iyo." Hindi ko man nakikita ang mukha ko pero alam kong namula ako sa sinabi niyang iyon.

" Salamat.Kamusta ka na?"

"Okay naman na ako. Maayos naman na ang katawan ko, maliban lang sa mga tinahing sugat ko. Ang sabi daw nila, baka daw mayroon akong amnesia, so sorry kung hindi kita maalala ha?"

Naluluha na ako sa mga sinasabi niya. Bakit ba hindi niya ako naalala. Bakit kailangang ganito kasakit ang maramdaman ko. Ganito din ba siya noon nang ako ang hindi nakaalala sa kanya. The pain became unbearable. Sumisikip ang dibdib ko.

" okay lang.... okay lang sa akin iyon." Hindi ko na din maintindihan ang mga sinasabi ko.

" Talaga?"

Tumango na lang ako. Hindi ko na ata kayang magsalita sa harap niya.

" Ahm... sandali lang Je ha, gagamit lang ako ng banyo." Tumayo na ako at naglakad ng bigla siyang magsalita.

" Ok lang sa iyong hindi kita maalala kahit alam mo kung gaano ka kaimportante sa akin? They say you are my girlfriend.?"

Hinarap ko siya. Na shock ako sa mga sinabi niya

" totoo ba iyon? Ikaw ang girlfriend ko?"

Hindi ko na alam ang nararamdaman ko. Kanina, halos patayin ako ng lungkot at sakit, ngayon parang nagtatalon naman ang puso ko sa tuwa dahil may nagsabi nun sa kanya.

" come here" utos niya sa akin. Naiiyak na ako sa nangyayari.

Lumapit ako sa kanya, at agad niyang hinawakan ang kamay ko. Matagal niyang hinawakan iyon. I miss him doing that. Ginagawa niya parati iyon kahit pa noong mga bata pa kami.

" You  know what I felt noong nakagisingan kitang niyayakap mo ako?" Tanong niya sa akin

" Ano?"

" bumibilis ang tibok ng puso ko. Hindi ko alam kung bakit mabilis ang tibok nito hanggang sa may nagsabi na lang sa akin na mahal daw kita. Na ikaw ang girlfriend ko." Naguunahan na sa pag agos ang mga luha ko. Pakiramdam ko. Nabunutan ako ng tinik. Bumibilis daw ang tibok ng puso niya sa akin. Ibig sabihin ba nun ay mahal niya pa rin ako, kahit wala na siyang maalala?

He held my hand even tighter.

" I wanna feel that what they say is true. Gusto kong maramdaman iyon, Kate. " tuluyan na akong napahagulhol sa sinabi niya. He want to try kahit na wala siyang maalala.

" Kiss me " kahit medyo nabigla man ako sa sinabi niya ay hindi na ako nag isip pa nang matagal. I wanna do it all along. I cupped his face and reached for his sweet lips. Yes, we kissed. Ngayon ko lang ulit nalasahan ang matamis niyang mga halik. I was like a drug that made me reach the sky above. His kiss was heaven. Ayaw ko nang pakawalan iyon. He was responding and now he was in control. Pero sandali lang iyon natigil lang iyon nang siya na mismo ang kumawala.

" there, you kissed me to make me feel if I still have that feelings for you."

Tumango ako para ipabatid sa kanya na tama ang mga sinabi niya.

" Jerome, mahal kita. Mahal kita kahit wala ka nang maalala. Gagawin ko ang lahat para maalala mo na ako ang girlfriend mo. Girlfriend mo na mahal na mahal ka." Akmang yayakapin ko na sana siya nang senyasan niya ako na huwag daw lalapit sa kanya.

" Bakit?"nagtatakang tanong ko sa kanya.

"You were my girlfriend, right?" Tumango muli ako.

" You were. But then you managed to cheat on me?"

Anong sinasabi niya? Hindi ko maintindihan.

" Anong sinasabi mo?"

"Please lumayo ka sa akin. Hindi ko kailangan ng babaeng mas makati pa sa higad. Hindi kita mapapatawad Kate. Makaalala man ako o hindi. Hindi kita mapapatawad. Goodbye."

This time tumulo na naman ang mga luha ko. Hindi ko alam ang mga sinasabi niya. Wala akong ka ide-idea sa mga sinabi ni Jerome sa akin. 

"Get out! Hindi ko kailangan ang mga katulad mo!" Sigaw pa niya sa akin.

Kahit na labag man sa kalooban ko, ginawa ko ang gusto niya. Lumabas ako ng kwarto niya at doon ko nadatnan ang mama niya. Pinahid ko ang mga luha ko dahil baka kung ano ang isipin niya.

" You don't deserve my son. Kahit na mahal niyo pa ang isa't-isa. Hindi ikaw ang para sa anak ko. She deserve someone else. Yung taong mamahalin siya ng buong buo. Yung ipaglalaban siya. Iyong kayang isukli ang pagmamahal na ibinibigay niya."

"Nandoon na nga ho ako para sana ipaglaban na siya at ang pagmamahal ko sa kanya. But he just kissed me and told me that I am a cheater. Huwag niyo ho sanang ilagay sa mga kamay ninyo ang kapalaran ng anak niyo. Huwag ho sana kayong maging madamot." Akmang aalis na ako nang magsalita pa siya ulit.

" Whatever happens, alam kong ako ang pipiliin niya kaysa sa iyo hija. I am confident of that."

" Salamat po. Salamat po sa pagkakataong mahalin ko po ang anak ninyo. Asahan niyo din po na kahit anuman ang mangyari, si Jerome lang po ang laman nitong puso ko at wala na pong iba. Handa po akong maghintay hanggang sa bumalik ang alaala niya at malaman na niya ang totoo." Umalis akong kahit papaano'y nasabi ko sa isang tao ang mga nasa damdamin ko, dahil kung hindi, hindi ko na alam ang gagawin ko.


MY GIRLS 1 (PHOTOGRAPH)Where stories live. Discover now