Chapter 27: Her Companion

Magsimula sa umpisa
                                    


Agad namang lumapit sa amin ang babae na mukhang sa kasalukuyan ay kakaunti pa lamang ang mga namimili. "May mga shirts kami and shorts. Mukhang dayo kayo sa Eremitia. Halos lahat po ng boutique dito ay mga summer clothings po ang naka-display. Sa likod kasi ng mga panuluyan na mga iyan ay mga beach," Nakangiti niyang sagot saamin.


Atubiling tumangu-tango si Summer at sinabing, "Oh, okay. Ipapaalam na lang namin saiyo kapag nakapili na kami," aniya.


Nagkibit-balikat siya nang makaalis na ang babae at sinabing, "Well, I guess that leaves us no choice but to flaunt our summer bodies." Halata ang sarkasmo sa kanyang ekspresyon.


Nagsimula kaming mamili ng ilang pares ng mga damit. Minabuti namin na pumili ng mga simple summer dresses para sa aming dalawa. Kumuha na rin ako ng tatlong tote bag upang paglagyan ng sari-sarili naming gamit. Pinanood ko sya habang sinisipat ang isang kulay asul na summer dress.


"Aren't you going to pick something?" Tanong niya.


"I usually have my clothes ready in my room. It was either requested from a shop or provided by my mother. So maybe you can help me with this," wika ko. With school and reaper stuff, I didn't have much time to go shopping or visit a salon to do womanly things. If there was a certain occasion in our family, my mom usually summons some designer or artist for us. That was just how it goes in our family. That was why I was trying to watch Summer while shopping so I can just learn from it and do the same.


"Oh! I am willing to serve you, Princess of Arturia. But my inability to perform girly things made me a bad choice for fashion, styling and shopping. But we'll do our best, your highness," she said grinning. Inilapit niya sa kanyang katawan ang kulay asul na summer dress at saka siya tuluyang napangiti. I had to admit that it looked good on her. Blue complimented her skin color. Kumuha siya ng isang strapped yellow dress at itinapat sa katawan ko.


"Uh, your highness, how can the world be so unfair? You definitely look like a beach hottie in this one," wika niya.


"Kailangan ko lang ng simple at kumportableng kasuotan." Sagot ko.


Umikot siya nang nakalahad ang dalawang kamay at sinabing, "These are all summer dresses at ang isang ito ay kabilang sa mga simpleng damit na naririto." At saka niya inilagay sa isa sa mga hawak kong tote bag ang dalawang dress. Pareho kaming pumili ng mga disensyo ng puting mga t-shirts at kumuha ng dalawa. So far, we got six shorts and shirts and three summer dresses. Kumuha na rin kami ng mga underwears. Thank God, this boutique was selling underwears. Nang matapos kami sa mga kasuotan na kailangan namin ay lumipat kami sa men's section. Kumuha ako ng isang khaki shorts at isang t-shirt.


"Wow! I'm wondering how you got his size." Summer smirked at my direction.


"I bought him clothes before and he didn't complain so I guess I got the right size," paliwanang ko. Napailing ako dahil tila kailangan ko pang ipaliwanag sa kanya ang bagay na ito. Pareho kaming pumili ng disenyo ng t-shirt at shorts na gagamitin ni Ethan. Nang magawi kami sa men's underwear ay sabay kaming nagkatinginan.


"Well, I'll leave the size on you," She said teasingly. Kumuha ako ng ilang boxers at mabilis na nilagay sa tote bag. Lumingon ako sa paligid at saka muling nagtama ang aming paningin. Nanatili kaming nakatingin sa isa't isa nang ilang segundo hanggang sa pareho naming hindi na napigilan ang mga gumuhit na ngiti sa aming mga labi.


"Giovanni will kill you if he sees you buying underwear for another man," pabiro kong sabi. I didn't know I could be carefree and comfortable having this girl around.


"Hey! Don't tell him. And I'm not the one buying them. It's you. You even knew the size!" She said laughing. Nang muli kaming mapadaan sa women's section upang magbayad sa cashier ay nadaanan namin ang ilang pares ng swim wears. Summer and I both stopped and looked at each other. Tumingin siya sa akin na tila ba hinihingi ang permiso at opinion ko gamit ang kanyang mga mata.


"Well, swimming is not bad," wika ko at saka hinayaan siyang pumili ng swimwear. She got pairs of blue and black bikinis and tops.


"The black is yours," aniya. Sasabihin ko sana na hindi ko nais na maligo sa dagat subalit mabilis na niya iyong nailagay sa tote bag. Kukunin niya sana ang isang pares ng maroon swim suit nang may sumagi sa kanya at kinuha iyon. Agad ko siyang naalalayan upang hindi tuluyang matumba. Nang maayos na siyang nakatayo ay lumingon siya sa taong sumagi sa kanya. It was a tall girl with a mid-length black hair and big black eyes. She had natural tanned skin and wearing red bikini top and short shorts.


"Oops. Sorry. I just love red," wika nito na halatang hindi sinsero ang paghingi ng tawad.


Humalukipkip naman si Summer at saka siya tinitigan. "Yeah. Swimming is not bad since we are surrounded by beaches," malakas na sabi ni Summer na may diin sa salitang 'beaches'. She's probably talking with me but maybe, not dahil galit na hinarap siya ng babaeng sumagi sa kanya.


"What are you trying to say?" Mataray na tanong nito.


Summer gave out her annoying smirk and said, "Are you talking to me?"


"Yes. Because you just called me 'bitch'. You don't go around Eremitia and call people bitch." Halata ang inis sa boses ng babae.


Mukha namang hindi naaapektuhan si Summer ng napipintong pagtatalo nila dahil mas lumawak pa ang kanyang ngisi. "I said, beach. Why did you turn your head like I just called your name?" Tanong ni Summer na halos ikapula ng mukha ng babae dahil sa pinipigilang galit.


Maaaring sa sunod na pagsasalita ni Summer ay saktan na siya ng babae kung kaya naman hinila ko na siya palayo upang magbayad sa cashier. Ramdam ko pa rin ang masamang tingin ni ipinupukol sa amin ng babae nang matapos kami sa pagbabayad at papalabas na ng pintuan. Subalit bago pa man kami tuluyang makalabas ay muling nagsalita ng malakas si Summer, "And it's Maroon, Beach. It's not just red," aniya bago ko pa sya nahila at tuluyang magsara ang pintuan ng boutique. She bursted out laughing on our way back to the Vinea. I guess there would never be peaceful days with her.

Snow White is a Gangster (Published under Cloak Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon