pero biglang may humawak sa paa ko at napadilat ako
"waaaah!!!!" outch!! >.< hinila nya ang paa ko pababa! ayun! salpak ako sa damuhan
"araaaay!!!" mangiyak ngiyak kong hinihimas yung paa ko >.< namali ako ng bagsak TT___TT
"anong nangyare?! bakit?!" naupo sya para lumevel sakin tas hinawakan yung paa ko
"g*go ka kase! hilahin daw ba ko?! pahamak ka talaga!" sigaw ko sa kanya.. nangingiyak tuloy ako TT___TT pero pinipigilan ko! masakit talaga e!
napalingon sya sa left side kaya pati ako.. hala! yung guard sinusundan kami
nagulat nalang ako ng bigla nya kong hinawakan sa braso at biglang pinasan sa likod nya at sabay tayo! walang bwelo bwelo biglang takbo! O___O
napatunganga lang ako sa ginawa nya.. natahimik lang ako sa likuran nya habang hinahabol kami ng guard.. may lahing kabayo ata to e kase natakasan na namin yung guard..xD
sa isang open field tuloy kami napunta -___- di kalayuan sa school >.< sementado naman ang daan pero magkabila nito ay bukid
ibinaba na nya ko nung alam na nyang wala na yung humahabol namin >.< napaalalay tuloy ako sa paa ko pero sya biglang salampak sa sahig..xD tinukod nya ang dalawa nyang siko sa tuhod nya at yumuko na hingal na hingal
"woaah! ang bilis mo ah?!" sita ko sa kanya na mejo hiningal din habang nakahawak sa paa ko.. naupo na rin ako kahit na nasa gilid kami ng daan..xD hindi naman mainit e, walang araw at malamig dahil sa open field nga
"tuwa ka naman dahil nabuhat ka.. suntukin pa kita e" hingal nyang sagot.. natawa tuloy ako..xD
"ang lakas mo ah.. ang daming nagrereklamo sa bigat ko pero ikaw nakatakbo ka pa" sagot ko sa kanya habang nakatingin lang sa bukid... naalala ko si Harold....
"eh mabigat ka naman talaga ah?! tingin mo ba magaan ka na dahil sa nakaya kita? malakas lang ako" mayabang nyang sagot >.<
"ikaw ang gugulpihin ko jan e!" masama ang tingin ko sa kanya tas natanaw ko din sa gilid, mejo malayo samin, dulo ng bukid na to na may isang maliit na tindaan
"tara bumili muna tayo ng softdrinks" aya ko sa kanya tapos kinapa ko ang bulsa ko at
O__O
"wala nga pala akong gamit na dala" O___O
napatingin sya sakin tas tinignan yung kamay kong nasa bulsa
"wala ka talaga e.. noob lintek.. tara sige. mangutang ka muna sakin" sagot nya tas tumayo sya at pagkatayo nya nag unat sya..xD saka tumingin sakin at nilahad ulit ang kamay nya
O__O naalala ko tuloy si Romeo.. para syang isang prinsipe na humarap sakin na hinahangin pa ang buhok at naglahad ng kamay...
ako naman si prinsesa.. iaabot ang kamay.xD bwahahaha!!
HOY LYDIA!! ANONG PINAG IIISIP MO JAN GAGA!!! SI HAROLD ANG PRINSIPE MO!!!! >.<
hindi ko inabot ang kamay ko! >.< tumayo nalang ako sa sarili ko tas nilagay nalang nya sa bulsa nya yung kamay nya
napatingin sya sa paa ko habang naglalakad kami.. iika ika kase ako..xD
"masakit ba talaga?" tanong nya sakin.. napatingin ako sa kanya
"sakto lang.. naipitan lang to" sagot ko sa kanya.. nanahimik lang sya tas maya maya pa
"sorry"
napatingin talaga ako sa kanya... di ko akalaing magsosorry ang taong to...
"o-Ok lang no" palusot kong tanong dahil mejo nakaramdam ako ng pagkahiya? xD
Chapter 16:
Beginne am Anfang
