She averted her gaze but the creased on her forehead remained. She shook her head and sighed.

I was watching her with a frown on my face. Feels like something's bothering her. I noticed that she's sighing a lot.

"May problema ba?" hindi ko na natiis na itanong.

Tumingin siya sakin saglit at binalik ang tingin sa harap niya ng kunot na kunot ang noo. Hindi siya sumagot hanggang sa tawagin na kami ng classmate namin at sabihing malelate na kami sa susunod na klase.

*

"Sa tingin mo anong problema?" tanong ko kay Lea nang maiwan na kami ni Mikki dito sa tapat ng bahay nila.

"Parang wala naman. Baka iniisip lang si Kerr, nag-aalala lang yun" sagot ni Lea.

Tumingin ako sa bintana ng kwarto ni Mikki saka nagbuntong hininga "I wish i can read minds. Tss" i sighed again.

"I have an idea" sabi niya bigla kaya napatingin ako sa kanya. "Wala ka naman gagawin bukas no?"

Nagtataka akong tumango sa kanya.

"Let's throw a party! Wala ang parents ko bukas, kaya dito na lang samin"

*

"Dude, sino bang nakaimbento ng paguulit ng mga pangalan sa Pilipinas?" tanong ni Hans kay Greg.

"Malay ko. Ang laki ng problema mo." naiiling na sagot nito habang nag-iihaw.

"Nagtataka kasi ako, bakit kailangan pang ulitin kung nickname naman? Di ba pag nickname dapat maiksi lang? Yung anak ni Manang Nunay, Joy ang pangalan tapos narinig ko Joy-joy tinatawag niya, edi lalong humaba?" sabi nito.

Natawa na lang ako habang nakikinig. Naisip ko na din kasi yun.

"Tapos ayan!" tinuro ni Hans ang ihawan. "Imbis na ihaw lang, ginawang ihaw-ihaw. Tapos ayun!" tinuro naman nito ang niluluto nila Nathan. "Imbis na turo lang, ginawang turo-turo. Bakit nga ba naging turo? Hindi naman yun tagalog ng street foods, dapat kanto-kanto" naiiling na sabi nito.

Our laughter bursted out. Naniniwala na talaga akong malaki ang problema ni Hans. Tsk tsk tsk.

"Dude. Ganyan ba nagagawa ng broken hearted?" tinapik ni Greg ang balikat ni Hans. "Move on na!" natatawang dagdag nito.

"Gago!"

Mas tinawanan pa siya ni Greg.

Naglalagay ako ng isaw sa stick nang tumabi sakin si Hans at tumulong. "Dude, anong tawag dito?" tanong ko sa kanya.

"Isaw-isaw" sagot niya ng nakakunot ang noo.

Natawa na lang ako. Malala na to. Haha.

Naging laughing trip tuloy si Hans hanggang sa dumating na si Mikki at kunot ang noong nakatingin sa ginagawa namin.

"Welcome to ihaw-ihaw and turo-turo party Miks!" sigaw ni Lea na nakapagpatawa ng malakas samin.

Meron palang ganun? O kami ang magpapauso? Napangiti na lang ako.

Umiling si Mikki pero nawala naman ang kunot ng noo niya. Lumapit siya samin ni Hans at tinignan ang ginagawa namin.

"Hi, Miks!" bati ni Hans na todo ngiti. "Nakain ka ba ng isaw-isaw?"tanong nito.

Tinignan ko ang reaksyon ni Mikki, kumunot ulit ang noo nito habang nagtatakang nakatingin kay Hans.

"Isaw-isaw?" ulit ni Mikki.

I stifled my laughter through biting my lips.

"Yeah. This is what you called isaw, sa tagalog isaw-isaw, tapos ayun hotdog.. teka, ano bang tagalog sa hotdog na inihaw?" tumingin sakin si Hans.

MISS NOT PERFECTWhere stories live. Discover now