xx. OneInfinithryDays 96

Start from the beginning
                                    

Sir Decimus intently looked at him. "Heto. Basahin mo." Binigay niya ang isang booklet na naglalaman ng restrictions para sa isang anghel na nais na bumalik sa mundo ng mga buhay. "Nang malaman mo kung ano ang kinakatakot kong mangyari sayo dahil sa kagustuhan mo."

Binasa ni Kyros ang booklet at napatingin na lamang kay Sir Decimus.

-

"Ano? Aalis ka? Kailan? Saan?" Sabi ni Chim. Nasa Yellow Cab ang dalawa at hinihintay ang inorder nila.

"Next week." Sabi ni Alexa. "Sa lugar kung saan ilang metro ang layo mula sayo."

Tinaasan siya ng kilay ng binata. "Alexa naman! Susuko ka nalang bigla? When life throws you lemons, make lemonade!" Sabi ni Chim. "Harapin mo! 'Di yung tinatakasan mo!"

Harapin? Paano niya haharapin kung hindi siya makapagisip ng maayos? Kung alam lang ni Chim ang lahat at kung siya lang ang nasa katayuan ng dalaga, siguro haharapin nga niya. Pero iba si Alexa. Hindi niya kaya.

"Tangina mo. 'Di ba pwedeng magbakasyon sa kasagsagan ng stress?" Pagdadahilan ng dalaga.

"Hinde lalo na't alam ko na gusto mo lang takbuhan yang problema mo." Sabi ni Chim. He knew better. He was in her position before. Alam niya kung paano takbuhan ang problema kaysa harapin ito. At isa lang ang natutunan niya, takbuhan o iwasan man niya ang problema, hahabulin pa rin siya nito. Hindi ito titigil. Magiging anino mo ito. "Sabi ko naman kasi sayo eh, ako nalang. Ako nalang ulit." He said that to lighten up the mood. Ayaw na niyang dumagdag pa sa pasanin ni Alexa. Pero kailangan niya pa rin gumawa ng paraan.

"Pwet mo." Sabi ni Alexa. "Kasalanan mo naman eh. Kung 'di ka sana umalis.."

Kunot noo siyang tinignan ni Chim. "Abah hoy! Career muna bago love noh! Tsaka kung 'di ako umalis, kakasuhan ako ng agency! Kontrata ang pinirmahan ko noh at 'di basta basta papel lang." Sabi ni Chim. Alam naman niya eh. Kung 'di siya umalis, siguro sila na ni Alexa. Siguro mas magaan ang nararamdaman ng dalaga. Siguro walang ganito. "Tsaka wag ako ang sisihin mo. Sisihin mo yang puso mong marupok! Nilandi ka lang, bumigay ka agad. 'Di mo manlang ako hinintay. Tss."

Alexa rolled her eyes. Alam naman niya na may halong biro ang tono ng binata. Pero napaisip siya. Kung naghintay siya, kung wala siyang naging komunikasyon kay Pierce. Kung 'di napalapit sakanya si Pierce.. Sila kaya ni Chim?

She doubt it.

"Kung hinintay kita eh 'di sayang ang halos pitong buwan! Ano yun? Hihintayin kita hanggang sa dumating ka? Hanggang sa marealize mo na kaya mo pa pala akong mahalin? Abah! 'Di ka kawalan! May papalit at papalit sayo! Akala mo iiyak ako? Asa ka pa! ASA KA PA!"

Chim sighed at kinuha ang panyo niya upang punasan ang luha ni Alexa. "Ang OA mo. Si Chim ako. Hindi si Pierce." Sabi nito. "Ito yung sinasabi ko eh. Wag kang aalis dahil lang sa nahihirapan ka harapin ang isang mabigat na situasyon. Kahit saang lupalop ka pa naroon, hindi ka matatahimik. Hahabulin ka lang ng problema mo kaya kung ako sayo? Kausapin mo na si Pierce."

"I already did. Ayaw na niya. May magagawa pa ba ako dun? Eh ayaw na niya. Wala akong karapatan na magreklamo dahil ako ang nangiwan. Dahil sinaktan ko siya. 'Di naman ako yung nagmahal ng sobra pagkatapos ay sinaktan nalang bigla eh." Sabi ni Alexa. "Lalake siya at naiintindihan ko siya. Sana lang, alam niya ang dahilan kung ba't ko yun nagawa."

"Ano nga bang dahilan mo, ha, Alexa?"

Ngumiti ng tipid ang dalaga. "Lahat ng break-ups, nangyayari di dahil sa gusto lang ng taong nakikipagbreak. Minsan, may mabigat na dahilan na hindi maiintindihan ng maiiwan. Madalas naman, marerealize nalang nung taong nakipagbreak na mali siya tapos kapag nakipagbalikan siya, wala na pala siyang babalikan." Sabi ni Alexa. "Hindi kasi porket binalikan mo, may babalikan ka pa. Iniwan mo na. Normal na mag-move on siya at ayawan ka."

"May it be a mistake or own choice mong makipagbreak o mangiwan, it cannot be undone by simply saying that you regret every act you did and every word you said. Na 'di mo sinasadya, na naguluhan ka lang. Na wala ka nang choice. Siguro nangyari yung mistake na yun dahil paraan yun ng tadhana na iparating sayo na baka hindi talaga kayo para sa isa't isa." Sabi ni Alexa. "Simple as that."

Seryosong nakatingin si Chim sakanya. "Ouch. Ang sakit palang mabasted noh? Aray talaga, Alexa. ARAY." Tumawa ng tipid ang dalaga.

Hindi alam ni Alexa kung saan niya nahugot yun pero siguro naman may sense siya.

Tsaka..

Siguro nga, hindi talaga sila para sa isa't isa.

-

Habang naglalakad sa may kanto pauwi ay napansin ni Alexa na may nakatayo't nakasandal sa lamp post na nasa tabi lang ng gate ng bahay niya.

"Sino naman yun?" (Alexa)


Dahan dahan siyang naglakad hanggang sa sinilip niya kung sino ang lalakeng yun. Hinanda niya ang sarili niya dahil baka masamang tao ang lalake. Mahirap na.

"Ah—Ano po ang kailangan nila?" Sabi ni Alexa sa lalake. Nakapamulsa itong lumapit sakanya at..

"Namiss kita. Sobrang namiss kita." Hinigit ng lalake si Alexa pagkatapos ay niyakap ito.

He doesn't sound like Kyros. He doesn't sound like Louden neither.

"S-Sino ka? Teka—'Di kita kilala." Nagpupumilit si Alexa na makawala sa pagkakayakap ng binata pero binaon nito ang mukha niya sa leeg ng dalaga.

Habang nagyayakapan ay 'di namalayan ni Alexa na nakapark ang sasakyan ni Pierce sa 'di kalayuan. Nakasandal ito sa kotse niya habang pinagmamasdan ang dalawa na magkayakap.

A tear fell from his face as he remembered what happened 3 hours ago.

Kung akala ni Alexa na nasa hiram na fairytale siya, na siya lang? Nagkakamali siya dahil yun rin ang nararamdaman ni Pierce ngayon.

Pakiramdam niya na 'di lang sa epal sa fairytale ng dalawang magkayakap. Kundi isa siyang malaking hadlang.

In the first place, 'di naman talaga siya yung sobrang minahal ni Alexa eh. Siya lang yung minahal dahil nawala yung sobrang mahal.

Isa lang siyang option kapag nawala ang taong irreplaceable sa buhay ng mahal niya.

He then went inside his car at nagdrive.

Nilampasan ni Pierce ang dalawa na magkayakap pa rin.

Slow mo para sakanya ang moment na dumaan ang kotse niya sa harap ni Alexa at ng binata dahil kasabay nun ang pansamantala niyang pagbitaw sa babaeng mahal na mahal niya.

-

"Bitawan mo 'ko kundi sisigaw ako!" Sabi ni Alexa.

Binitawan ng binata si Alexa at umiling habang natatawa. "Ang OA mo pa rin. Namiss talaga kita."

"Sino ka ba? Seryoso. 'Di kita kilala. Never pa kitang nakita. Tsaka—" 'di maitatanggi ni Alexa na gwapo ang lalakeng nasa harap niya. Pero kailangan niya munang ayusin ang sariling pag-iisip. Hello? Stranger pa rin 'tong yumakap sakanya. "Lasing ka ba? Sorry, Sir. Pero 'di ako yung girlfriend mo. Malabong mamiss mo 'ko dahil 'di pa tayo magkakilala."

"Ganun ba?" Natawa ang binata. Naalala niya ang unang pagkikita nila ni Alexa. Ang unang beses na tinanong sakanya nito kung sino siya.

"Ako si Kyros. Bae Kyros Larkin. Schoolmate at boyfriend mo noon. Nagbabalik para protektahan ka. Sumanib sa katawan ng isang mortal para tapusin ang kaisa-isang mission na 'di niya kailanman ginustong gawin." Ngumiti si Kyros ng malapad, masaya dahil sa wakas, nakabalik na siya.

Pero si Alexa? Hindi makapagsalita at hindi makapaniwala. Nananaginip ba siya? Kalokohan ba 'to? Nasa just for laughs ba siya? Tangna ha. Hindi nakakatuwa.

"Ano na, 'di mo ba ako namiss?" Sabi ni Kyros sabay yakap muli sa dalaga. "Kasi ako, sobrang miss na miss na miss kita."

One Infinithry Days [BOOK 1 & 2 / EXO x BTS]Where stories live. Discover now