CHAPTER 32 The Everything

Comenzar desde el principio
                                    

“Sky!” bati ko naman dito nang maabutan niya kami. “Tamang-tama, balak naming tumambay ni best sa rooftop para magpahangin!” bulalas ko dito. Nang makalapit ito napalingon naman ako sa katabi ko at laking gulat ko na wala na sa tabi ko si Josette!!!!

“Best?!!!!” tawag ko dito pero ni-isang anino niya wala na kaming nakita. May lahi bang ninja iyon? Nawawala na lang bigla. Napansin ko naman ang biglang pagbago nang expression ni Sky, naging seryoso ito.

Ganoon din ang mga sumunod na araw, sa hindi ko malamang dahilan, tuwing lalapit sa amin ni best si Sky ay umaalis o kaya naman ay nagtatago si best. Bakit kaya? May hindi ba ako alam sa dalawang ito? 

Sky’s POV

Ito na yata ang pinakamahirap na pagdadaanan ko ngayon. Iniiwasan ako nang taong gusto ko, na mahal ko na yata, at nagpapabilis nang puso ko.

Dub.dub.dub.dub. Napakabilis nang tibok nang puso ko ngayon. Dahil ba nasa tabi ko lang siya? Dahil ba naaamoy ko ang pabango niya? O dahil lang ba sa presensiya niya?

Tumahimik siya kaya naman napatingin ako sa kanya nang diretso, seryoso. Kinakabahan akong hinawakan ang kanyang kamay.

“Jo-Josette, kinakabahan ako…”  kinakabahan ako habang katabi kita. Dub.dub.dub.dub.

“Ngayon ka pa kakabahan eh magrereport lang naman tayo…” react niya habang pilit niyang tinatanggal ang hawak kong kamay niya. Gusto kong ilapit sa aking pisngi ang palad nito, napakalambot nang kamay niya at pakiramdam ko ay sa kanyang kamay ako magiging panatag.

“Huwag, huwag mong tanggalin…” mahina kong sabi pero nagmamatigas ito kaya naman lumaban din ako sa pagmamatigas niya. Iba na talaga ang tama mo Sky?!!!! Gusto ko nang angkinin ang kanyang kamay.

Tiningnan lang niya ako na tila nagtataka sa aking kakaibang inaasal.

“Baliw ka na ba, Sky?” tanong ni Josette sa akin pero nakalock ang mga tingin ko sa kanyang mga mata.

“Oo, Josette, mukhang nababaliw na yata ako sa iyo…” dub.dub.dub.dub.

Waaaaaah, naalala ko na naman ang weird na banat na iyon! Ako nga ba talaga iyon? Ang cheeeeeeesssssy!!!! Pero, pero, napaka-assuming ko ba para isiping tatanggapin ako ni Josette? Alam ko namang hindi easy-to-get ang babaeng iyon at halata namang wala pa siyang experience pagdating sa mga relationships *nagsalita ang mayroon na*.

Nakita ko siya kanina habang naglalakad sa corridor, tinawag ko siya pero mabilis naman agad itong umalis. Hinabol ko siya pero mukhang nagtago na ito. Noong lunch break nakita ko sila ni Ash na naglalakad, tatambay ata sa rooftop pero nang makalapit naman ako, nawala na lamang siyang parang bula.

Wala na ba siyang nararamdaman para sa akin? Huli na ba ang lahat para sa aming dalawa? Huli na ba ako? May iba na ba siyang gusto?

Parang mababaliw na yata ako nang tuluyan sa mga lumilipas na araw. Ganoon parin ang nangyayari, iniiwasan niya na talaga ako pero hindi ko parin talaga maintindihan kung bakit?!!!!

~

Ash’s POV

I’m so bothered by the way Josette and Sky is going through. Nag-away ba sila? Hindi tuloy kami magkasama-samang tatlo. Kapag kasama ko si Sky, wala si Josette, kapag si Josette naman ang kasama ko wala naman si Sky. Hindi man dapat ako nanghihimasok sa mala-LQ nilang sitwasyon eh nag-aalala naman ako sa kanilang dalawa. Mas masaya parin iyong nag-aasaran lang sila at nagtatawanan hindi iyong nagkakasakitan na.

Kaya naman, ngayong weekend, niyaya ko silang magmovie marathon without telling them na kaming tatlo ang magkakasama ngayon dito sa bahay. Yayayain ko rin sana si Grey pero mukhang mas gugulo ang sitwasyon kapag nadamay pa siya hahaha.

The Martyr GirlfriendDonde viven las historias. Descúbrelo ahora