"Hi. Ito lang po ba?" Nginitian ko ang babae na nakatulalang nakatingin kay Onyx. Parang wala sa isip itong tumango kaya pinunch ko na ang mga items niya. "I better get going. See you on monday." Nginisihan ko siya at inaasar sa mga babaeng nakatigin sa kanya. Iling-iling na lumapit ito sa akin at hinalikan ako sa noo. Narinig ko pa ang ilang singhapan sa paligid. Uhh?

"Take care, little." Tumango ako at hinila ang buhok niya. Tumalikod na ako sa pwesto niya at tinapos ang pag pu-punch.

Ngumisi ako ng makita kong walang emosyon na naglalakad ito sa gitna ng mga babaeng mukha na siyang kakainin. Pambihira kamahalan.

"Ate boyfriend mo si kuya pogi?"

"Boyfriend?"

"Duh ateng! Boyfriend! Shota, jowa, lover, partner." Natawa ako sa kanya at umiling. "Kaibigan ko yuung prinsipeng iyon."

"Prinsipe?" Umiling lang ako. "70 po."

Inabutan niya ako ng pera at nagsalita. "Bagay kayo." Tumango lang ako at nginitian siya. Geez!

Mag a-alas dyes na ng gabi ng makalabas ako sa convenient store. Dumating na kasi ung papalit sa shift ko at sa walas ay makakapag pahinga na ako.

Halos kalahating oras din ang inabot ko sa daan hanggang sa makarating ako sa bahay. Agad akong nag shower dahil ramdam ko ang init ng paligid.

Kinuha ko ang wig ko at tiningnan ang puting buhok ko na unti-unting bumabagsak. Ngumiti ako sa salamin at hinaplos ang buhok ko. "I miss you.."

Tumalikod ako at pumunta na sa kama. Kailangan ko nang magpahinga dahil madami pa akong gagawing homework bukas na kailangan ipasa sa lunes.

-

"Onyx, walang aagaw sa lunch box mo. Akin na." Naiinis na wika ko habang inaayos ang bag na paglalagyan ng lunch box naming apat. Ako. Onyx. Amy at Iyäh. Hindi mo nga alam eh pero huli na napagtanto ko na pang-apat ka tao na ang pagkaing niluluto ko para sa lunch namin.

Sumimangot ito bago ibinaba ang tupperware. "Large portion for Onyx please." Pumikit ako baka hindi ko makayanan at mapipingot ko ang lalaking ito sa inis.

Mukhang bata, eh dinamihan ko nga ng luto dahil sa kanya. Sabi niya kasi favorite niya. Eh halos araw-araw na kaming kumakain niya. Kulang nalang maumay na ako. "Alam mo, kumain ka nalang po. Male-late na tayo."

Matapos ang ilang pag pre-prepare at lumakad na kami papuntang school hindi ako pumayag na magpahatid sa sasakyan nila dahil ayoko. Walking distance lang diba?

"Tor!" Nakangiting wika ni Amy habang nasa tabi nito Iyäh. Kumaway ako at tumakbo sa pwesto nila. "Hi! Nagdala ako ng lunch natin."

Nagsimula ng matiwasay ang klase namin. Maraming lesson na ang tina-tackle dahil papalapit na ang midterm exam. Another pressure na naman ito sa amin.

Napag desisyunan namin na sa cafeteria muna kami kakain dahil hihiram kami ng plate, spoon and fork.

"Pati ba naman ang De Blois ay nilalapitan nila?"

"Social climber na gold digger."

"Right, ganyan talaga pag galing probinsiya."

Victoria's SecretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon