"I have three sisters at nasanay na ako sa kanila." He assured.

"Ay, ayoko pa rin mamasyal nalang tayo."

"Bakit ayaw mo?" lumabi siya dito. "Mahirap na mukhang galante ka pa naman baka mamaya niyang maunahan mo na naman ako sa pagbabayad. Hindi pwede iyon."

"Why not?" takang tanong nito.

She sigh. "Hay naku Howard. Alam mo masarap iyong nililibre ka pero ayokong umabuso."

He chuckled. "I don't mind at all."

"No way, kaya ako may trabaho para magkaroon ako ng sarili kong pera. Itong kinikita ko para sa akin talaga ito, I earned it. At kung may bibilhin man ako dapat galing sa sariling pera koi yon. Alam mo bang insult sa tulad namin na nagtatrabaho ng marangal na bilhan ng lalaki ng mga damit o kung ano pa man. Pakiramdam kasi namin binibili nila kami kaya huwag ganoon, okay lang sa foods and sa movies." Paliwanag niya dito.

Ngumiti lang ito sa kanya pero hindi nagsalita. "At iyang pera mo huwag mong masyadong gastusin iyan dahil marami ding gastos ang mga lalaki." Nag-isip siya saglit. "Kapag niyaya mo na akong pakasal bibili ka pa ng engagement ring—ay hindi na pala dahil ako ang nanliligaw kaya dapat ako din ang magpopropose." Hinawakan niya ang mga daliri nito at sinipat iyong mabuti. "Mukhang mahal dapat ang engagement ring na bibilhin ko para magkasya sa daliri mo. Isali ko na rin ang wedding rings natin para isang bilihan nalang. Kailangan ko na palang mag-ipon para sa wedding gown at entourage, pati na rin sa church, sa flowers, sa reception, sa foods." Bigla siyang namutla sa naisip niya.

"Kaya naman pala ayaw ng maraming lalaki sa kasal, goodness! Malaki pala ang gastos ng kasal." May ipon na ba siya? Baka engagement ring palang ay mamulubi na siya. "Pero okay lang paghahandaan ko ang future natin." Tumango-tango siya.

Tumawa uli ito. "Hindi pa nga kita sinasagot kasal na agad?" biro nito.

"But of course, kailan ko pa iisipin iyan kapag huli na ang lahat. Hindi na ako mag-iipon para sa honeymoon pwede namang sa bahay gawin iyan at saka iyong mga gifts na matatanggap natin ibebenta ko ang iba sa olx para magkapera naman uli ako. Para iyon sa panganganak ko sa panganay natin, naku, kailangan kong mag-ipon sa ceasarian dahil ayokong mahirapan sa panganganak. May gatas pa, diapers, pedia-." Ginulo niya ang sariling buhok at saka sinipat ang binata, amuse na amuse itong nakatingin sa kabaliwan niya. "Parang gusto ko ng i-atras ang panliligaw sa iyo, mahal pala."

Tinanggal nito ang mga daliring nagkabuhol sa kanyang buhok. "Baliw ka talaga kahit kailan Yumi." He clasped their hands and lace their fingers together. Oh well, sinabi ba niyang i-aatras niya ang panliligaw niya dito? Mali iyon, erase na iyon, hindi niya iyon itutuloy. Kahit na bumaba ang matris niya sa kakatrabaho okay lang basta makaipon siya sa future nilang dalawa.

"Saan ka pupunta?" takang tanong nito ng bumitaw uli siya at pumasok siya sa isang bookstore.

"May bibilhin lang ako."

Kung iyong iba ay sa mga novels ang unang hantungan siya ay sa mga recipe books, agad niyang pinulot ang isang pastry book at tiningnan ang laman. Namangha siya ng makita na ang daming mga cakes and baked-desserts na nandoon. May internet naman at pwede siyang magsearch ng mga recipes doon pero iba pa rin iyong may sarili kang recipe book. Iyon ang collection niya.

"That again?" ngumiti lang siya kay Howard, nakakunot ang noo nito ng makita ang hawak niya. "You don't need that Yumi."

"Of course I do need this one, pandagdag sa collection ko." Kahit na ayaw nito sa mga pastries niya ay hindi na niya ito pinipilit na kumain pa ng kahit na anong gawa niya. "Don't worry hindi na kita patitikimin ng mga bake goodies ko para hindi naman mabawasan ang ganda points ko sa iyo." She even winked at him at nagmamadaling pumunta sa counter. Literal na tumakbo siya sa cashier upang bayaran iyon. Nabalot na iyon ng cashier ng makalapit uli ito sa kanya. "Let's go?"

Tumango lang ito at tahimik na hinawakang muli ang palad niya. Tahimik lang silang naglalakad ng bigla itong nagsalita.

"You really love baking." It was more on a statement than a question.

"Ah, Oo. Sa pagbebake ko kasi nadidivert ang mga problema and frustrations ko sa buhay. Noong iniwan ako ni Nico grabe ang lungkot ko noon kaya natuto akong magbake para makalimutan iyong pain. Tapos noong hiwalayan at maglahong parang bula si Earl sa pagbebake din ako nahulog hanggang sa tuluyan ko na silang makalimutan. Alam mo iyong pakiramdam na iniwan ka ng lahat pero iyong pagbebake hindi ka iiwan niyan. Namalayan ko nalang na mas mahal ko na ang pagawa ng mga cakes and pastries keysa sa tao." Paliwanag niya.

And again there is an awkward silence between them. "Howard, pwedeng magtanong?"

"Hmn? Sure."

"Why hate me?"

Nagulat siya sa tanong niya hindi niya alam kung iyon ba ang tamang salita na dapat ginamit niya sa pagtatanong dito.

"I mean, bakit ayaw mo sa mga gawa ko? I am pretty sure, hindi man sila kasing sarap ng gawa ng nanay pero sigurado akong masarap din naman sila. Bakit parang diring-diri ka kapag kinakain mo ang mga gawa ko?" she tried smiling at him, not giving him pressure to answer. "Okay lang na hindi mo sagutin, sorry naitanong ko lang naman."

At hindi nga ito nagsalita o nagbigay ng komento, pero pakiramdam niya ay biglang lumayo ang distansya sa pagitan nilang dalawa. Para bang kahit na gaano ito kalapit sa kanya ay ang layo nito.

"I have my reasons." She heard him.

"What reasons?"

"Hindi ko pwedeng sabihin, just don't bake and let me eat your cakes and your pastries, Yumi. I don't like it."

She said its okay, sa loob niya sinabi niyang tatanggapin niya ang anumang sasabihin nito pero... masakit pala.



TBC

PS: PHOTO CTTO

Black Magic: Sweet (COMPLETED)जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें