23- Reasons

37.9K 978 46
                                    

Deze afbeelding leeft onze inhoudsrichtlijnen niet na. Verwijder de afbeelding of upload een andere om verder te gaan met publiceren.


INIS na hinampas niya ang braso ni Howard ng hindi ito tumigil sa pagtawa habang siya naman ay panay ang pahid ng luha sa mga mata niya. Naluluha siya dahil sa takot, paano ba naman kasi ang pinanood nilang movie ay isang horror movie sino ba ang hindi matatakot. Mahina ang puso niya sa mga ganoong palabas at rarely lang talaga siyang nanonood ng ganoon. Kapag nanonood siya dapat marami siyang kasama at may nakapasak na headphone sa kanyang teynga upang hindi niya marinig ang nakakatakot na tunog ng mga letseng palabas na iyon.

"Tahan na, hindi naman iyon nakakatakot."

Sinamaan lang niya ito ng tingin. "ANong hindi? Anong hindi nakakatakot doon?" tumigil na siya sa pag-iyak sa takot. Tumawa lang ito na para bang satisfied na satisfied sa napanood nito sa sinehan. Kulang na nga lang ay pumasok siya sa katawan nito sa takot. Iyong mga paa niya ay nasa ibabaw na ng kanyang inuupuan, mabuti nalang at nagmagandang loob itong yakapin siya or shall we say niyakap niya kapag may scary scenes.

"We can watch another movie if you want."

"Huwag na baka horror na naman iyan."

"It's your choice now." Ang gaan-gaan ng feeling ng lalaking ito ngayon. Magkahawak pa sila ng kamay habang naglalakad sa mall at kung saan sila pupunta ay hindi niya alam mas feel niyang maglakad-lakad lang sila ng ganoon. "Ayaw mo?"

"Ayoko na." kinabig naman siya nito, napilitan siyang iyakap ang braso niya sa beywang nito upang mas mapalapit pa ito sa kanya. Ganoon din naman ang ginawa ng binata, magkahawak sila sa beywang ng bawat isa. "Nauuhaw ako gusto ko ng fruit tea." May nadaanan silang stall ng mga refreshments. Bumitiw siya sa hawak niya dito at saka lumapit sa stall. "Hi, gusto ko ng green apple fruit tea." Bumaling siya kay Howard na mabilis din na nakalapit sa kanya at bumalik sa beywang niya ang braso nito. "ANong gusto mo?"

"Lychee."

"You heard the boss, isang lychee fruit tea din sa kanya." Dumukot siya ng pera sa kanyang mailman bag pero naunahan na siya ni Howard na magbayad. "Hala, ikaw na naman ang nagbayad Howard. Nilibre mo na nga ako ng movie tapos sa drinks pa, dapat ako ang nagbabayad." Sinulyapan lang siya nito.

"You don't have to."

"AKo kaya ang nanliligaw dito kaya dapat ako ang taya." Mabilis na tinakpan nito ang bibig niya dahil sa malakas ang kanyang boses.

"Ssshh." He signed. Pagkatapos nilang makuha ang orders nila ay naglakad-lakad lang uli sila hanggang sa pumasok sila sa department store. "Gusto mong mamili ng damit at sapatos?" tumaas ang kilay niya sa sinabi nito.

"Huwag na baka mabagot ka pa matagal akong mamili eh." Totoo naman iyon, sobrang tagal niyang mamili ng damit gusto kasi niya the best sa amount na ilalabas niya. Gusto niya ng maganda at matibay.

Black Magic: Sweet (COMPLETED)Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu