19- Boy bestfriend

36.4K 1K 19
                                    

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


HINDI niya maintindihan kung bakit bigla nalang itong hinimatay kahit wala pa naman siyang ginagawa. Ganoon ba talaga kasagwa ang hitsura niya pero sa tingin naman niya ay maganda siya, baka iba sa paningin nito. Parang gusto tuloy niyang mainis na ng tuluyan kay Howard kung hindi lang talaga niya ito mahal nungkang lalapitan at aalagaan pa niya ito. IYong kapitbahay naman nilang doktor na tumingin dito ay pagkatapos madala si Howard sa bahay ay tinawanan lang siya nito na para bang may nakakatuwang nangyari pati na rin iyong mga kalaro nitong kapitbahay nila ay pinagtawanan lang ang pobreng binata. Wala tuloy siyang ibang choice kundi ang alagaan ito.

Tinitigan niya ito habang nakahiga ito sa sofa nito, dahan-dahan itong kumilos tanda na malait na itong magising.

"Howard." Agad itong nagmulat ng mata na tila ba nagulat ng marinig ang boses niya. "Okay ka lang ba may masakit ba—err—may masakit ba sa iyo?" nag-aalalang tanong niya dito at inalalayan itong umupo ng maayos. Tahimik na nakatitig lang ito sa kanya making her feel so awkward all of a sudden. She just bit her lips when she heard him groaned and close his eyes again. Mukhang hindi pa maganda ang lagay ng kaluluwa nito.

"I am okay umalis ka na Yumi bakit ka ba nandito?"

"Hindi ako aalis dito hangga't hindi ko nakikitang okay na ang lagay mo." Insist niya, he didn't opened his eyes.

"Just- go, not now Yumi saka mo na ako kulitin." Taboy nito sa kanya nakaramdam siya ng inis sa ginawa nito pero hindi siya susuko wala siyang pakialam kung ipagtatabuyan man siya nito basta hindi siya aalis bahala na ito sa buhay nito baka kasi kapag iniwan niya ito ay magnonosebleed lang ulit ito at maubusan ng dugo sa katawan, hindi pwede pakakasalan pa niya ito.

"Hindi kita pwedeng iwanan dito baka mas lalong lumala ang lagay mo hindi ka pa magaling."

He look at her, if only looks can kill she will be dead by now. "I don't need you here Yumi just go." His tone is different talagang hindi ito nagbibiro sa pagpapaalis sa kanya at mukhang anumang oras ay baka kaladkarin na siya nito palabas ng bahay nito. She needs to retreat for now ayaw muna niyang galitin ito dahil baka hindi na niya ito malapitan. Bumuntong-hininga nalang siya at dahan-dahan na tumayo para umalis, retreat muna.

"M-magpahinga ka." Hindi na ito sumagot kaya napilitan na rin siyang umalis sa bahay nito, kinapa niya ang dibdib niya nasasaktan siya sa pagtataboy nito sa kanya. All she wants is to take care of him pero kung ayaw nito hindi na muna niya ito pipilitin. Natatawang naglakad siya palayo sa bahay nito pero iyong tawa niya walang kalaman-laman dahil alam niya sa sarili niya na hindi siya masaya.

"Mayumi!"

"Ay, bulaga." Bulalas niya ng marinig ang boses ni Earl, bumaba ito sa kotse nito at may bitbit na basket na puno ng bulaklak mukhang galing ito kay Pamela. "Earl, anong ginagawa mo dito?"

Black Magic: Sweet (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon