4- Dare

46.4K 1.1K 28
                                    

Hoppsan! Denna bild följer inte våra riktliner för innehåll. Försök att ta bort den eller ladda upp en annan bild för att fortsätta.


TININGNAN niya ang sarili sa salamin upang alamin kung maayos pa ba ang hitsura niya, wala naman siyang problema sa mga suot na damit niya. Hindi naman kasi siya katulad ng iba na halos wala ng itakip sa katawan dahil sa sobrang iksi ng damit. Hindi din siya papasok sa kumbento sa sobrang haba ng palda. Sakto lang, siya iyong typical na girly type. She loves wearing dresses, skirts and shoes na pastel colors. Babaeng-babae siya dahil pinalaki nga siya ng nanay niya na panindigan ang kanyang pangalan na MAYUMI. Dapat mayumi ang kanyang kilos hanggang sa nakasanayan na rin niya.

"Anak saan ka pupunta?" takang tanong ng tatay niya ng makasalubong niya ito palabas ng bakeshop nila. May dala siyang paperbag na may lamang bagong gawang tart. Iyon ang una niyang ginawa pagkagising niya, dahan-dahan na rin siyang bumabalik sa pagbebake dahil sa dami ng orders nila. Pag-open niya sa kanyang online store ay nagulat na lamang siya sa sobrang daming orders na natanggap niya. IYong iba kailangan niyang idecline pero iyong iba tinanggap nalang din niya. Pagkatapos niyang ipakain kay Howard ang tart niya ay pupunta siya sa grocery dahil kailangan niyang bumili ng mga cream cheese para sa mga pastries na gagawin niya.

"Sa grocery lang po tatay." Ani niya.

"Bakit ang ganda-ganda mo?"

"Maganda naman po talaga ako tatay ah." Depensa niya sa kanyang sarili.

"Oo nga pala nagulat lang ako, sige manligaw ka muna anak."

Kumunot ang noo niya, "Hindi ako manliligaw tay ano ka ba?"

"Para ka kasing manliligaw sa lagay na iyan." Turo nito sa suot niya.

And again she defended herself. "Hiindi ako manliligaw 'tay."

"Okay."

"Tatay naman eh," tinapik lang siya nito sa balikat bago pumasok.

"Celis dalaga na talaga ang anak mo maghanda ka ng magkaapo!" sigaw ng tatay niya, napasimangot nalang siya at biglang nacurious sa kanyang hitsura. Ganoon ba talaga ang hitsura niya ngayon parang manliligaw samantalang pupuntahan lang naman niya ang lalaking iyon para ipakain dito ang tart niya. At saka sa sobrang busy ng schedule niya baka last time na niya itong ipakain ang mga pastries niya mahihirapan itong makasingit sa schedule niya. Ang hirap kasi talagang maging maganda nagiging busy, isa na siyang babaeng makasalanan.

Naglakad siya palayo sa shop nila at hinanap ang basketball court kung saan ito naglalaro, madalas itong naglalaro kapag ganoong oras kasama ang mga kaibigan nitong kapitbahay din nila. Dahil nacurious siya dito kaya inalam niya ang tungkol sa lalaki.

He is Howard Enriquez, twenty nine years old, isang professor sa isang malaking university. Matalino at may kaya sa buhay, marami na rin itong naging girlfriends—hindi siya interesado sa personal na buhay nito napasama lang noong nag-iimbestiga siya. At hindi nga siya pwedeng magkamali dahil agad niyang nakita ang binata na nasa loob ng court. Kung pagkain lang siguro ito sigurado siyang pinaglalawayan na ito ng mga langaw, Nakahubad ang pang-itaas nito habang umiinom ng tubig, may dumadaloy pa ng pawis sa hubad na pang-itaas nito.

"Shucks, nakakadiri ka Yumi. Huwag ganyan the last time you assumed naligo ka sa kape ngayon behave ka na." utos niya sa kanyang sarili. Pumasok siya sa court at agad na napansin siya ng mga ito. IYong iba nakatanga lang habang iyong isa binato ng bola si Howard kaya nasamid ito sa iniinom nitong tubig.

"Ano ba iyon?" asar na hinimas nito ang nasaktang likod at saka napatingin sa kanya. Kumunot lang ang noo nito. "Ano na naman ang gusto mo Yumi?"

Itinaas niya ang bag na bitbit niya. "Hindi pa rin ako susuko." Determinadong ani niya. Nagkibit-balikat lang at napabuntong-hininga ang lalaki sabay iling. "Hangga't hindi mo sinasabi na masarap ang mga pastries ko."

"Uy, Yumi masarap talaga ang mga pastries mo. Kaya nga nainlove ako sa girlfriend ko dahil pinakain niya ako ng pastries mo." Bumaling siya kay James at nginitian ito.

"Thanks James you are so sweet." Nawala ang ngiti niya ng bumaling siya kay Howard. "Tikman mo na."

"Nagsasayang ka lang ng oras hindi pa rin magbabago ang sinasabi ko it still sucks."

"Kainin mo kasi muna." Kinuha niya ang laman ng paperbag. "These are fruit tarts." Hindi gumagawa ang nanay niya ng ganoon kaya original niyang recipe iyon.

"Mukhang masarap Yumi kaya lang kapag hindi ang babe ko ang nagbigay hindi ko kakainin iyan delikado, baka mainlove ako sa iyo." Biro ni Nike sa kanya pero hindi niya ito pinansin.

"Tikman mo na."

"Ayoko baka may gayuma iyan." Nagtaas lang ang dalawang kilay niya, mabuti sana kung nakaupo ito at pwede niyang isubo ang tart pero nakatayo ito mahirap itong abutin. "Sabagay kahit anong gayuma ang ilagay mo hindi epektibo." She pressed her lips so tight or else kakagatin na niya ang lalaking ito.

"Puwes I dare you Howard."

"Dare?"

"Kainin mo ang tart na gawa ko tingnan natin kung tatalab ba ang gayuma ko." Tumaas lang ang gilid ng labi nito sabay iling sa kanya. Kinuha nito ang tart at shoot sa bibig nito, hinintay niyang may sabihin ito pero parang nagslow motion lang ang lahat pagkatapos ay kinuha lang nito ang bottled water at saka inubos ang laman ng bote na para bang diring-diri sa kinain nito.

She heard him sigh and shake his head. "Still the same it sucks Yumi."

"I shall return." Narinig niya ang tawanan ng mga kalaro nito, napahiya na naman siya pero susuko ba siya? No way! Pride na niya ang nakasalalay sa pagtanggi nito ng masarap na pastries niya. Huminto siya sa labas ng court at saka kumuha ng isang tart, sinubo niya iyon at masarap naman. Bakit sa panlasa nito hindi pa rin masarap? Siguro hindi lang ito ang trip nitong pastry, marami pa siyang nakatago sa kanyang baul kaya kapag may oras na siya ay ipagbebake uli niya ito.

Dahil wala naman siyang mapagbigyan ng tart kaya itinapon nalang niya ang paperbag sa basurahan at saka umalis na ng tuluyan sa court. Until next time ang peg niya


TBC

Black Magic: Sweet (COMPLETED)Där berättelser lever. Upptäck nu