11- Yuhan

39.8K 1.1K 40
                                    

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

IBINABA niya ang tasa ng tsaa sa mesa habang tinitingnan ang magandang pet shop ng kaibigan niyang si Vanessa. Nagpaalam siya sa kanyang mga magulang na magtake muna ng day off mula sa kanyang trabaho, hindi muna siya nag-aaccept ng mga orders dahil wala siya sa mood kaya heto masaya siyang binibisita isa-isa ang kanyang mga kaibigan. At si Vanessa nga ang kanyang stop over ngayon.

"At base sa nalaman ko heartbroken ka ngayon kaya ka nagkaroon ng time para sa amin." Komento ni Van hindi na siya nagreact sa sinabi nito guilty din kasi naman siya sa sinabi nito. "Mukha ngang hindi maganda ang lagay ng puso mo."

"I am okay." she smiled at Vanessa. "Nandito lang ako dahil gusto kong maghanap ng pet." Pagdadahilan niya dito, mukhang hindi pa nasabi ni Pamela ang tungkol sa kahihiyan na nangyari sa kanya kahapon sa flower garden. Atleast dito safe pa siya.

"Wala na akong turtles."

"Ayoko na ng pagong nilalayasan lang ako eh." Pilit niyang pinasigla ang boses niya pero ang totoo niyan ay gusto lang niyang maiyak. Saka na kapag mag-isa nalang siya, sobra na ang iyak niya kay Pamela kahapon okay na iyon.

"Hindi mo kasi binabantayang mabuti, ilang pet na ba ang nawala mo. Pagong, hamster, rabbit, lovebirds, baka naman gusto mo ng reptiles ulit ngayon. Wala pa akong crocodile bawal iyong ibenta pero may mairerecommend ako."

"Ano?"

"Fish, gold fish. Nakakawala ng alalahanin ang mga isda and sure akong hindi ka mahihirapang alagaan sila at pwede pang ipangdisplay sa bakeshop niyo pampaswerte."

"Titingin lang muna ako saka na ako magdedecide kung ano ang aalagaan ko ngayon." Tumayo na siya upang iwasan ang mga mata ni Vanessa, she is trying to read her thoughts. Papunta na sana siya sa estante ng mga isda ng may maliit na bagay na humarang sa daraanan niya muntik na siyang mapamura at ng tingnan niya iyon ay isang cute na cute na tuta ang nandoon... isang teacup maltese, puting-puti pa ang kulay.

"Ang cute mo naman." She gently pick up the canine and stare at its big black and round eyes. "Van, may owner na ba ito?" tukoy niya sa aso.

"Wala pa pero hindi pa siya for sale, kailangan pa siyang ilactate ng nanay niya at kailangang lumaki-laki muna siya bago ang lahat."

"I love it, I already love this little beast." Kahit papaano ay nakaramdam siya ng saya habang tinititigan ang tuta. "Magkano ito?"

"Para sa iyo dahil friend kita bibigyan kita ng discount, eight thousand nalang."

"Ang mahal naman akin nalang ito for free."

Lumabi lang si Pamela. "Business is business."

"Ang dugas mo talaga hindi ba pwedeng five hundred pesos?"

Black Magic: Sweet (COMPLETED)Where stories live. Discover now