13- Date me

39.1K 1.1K 30
                                    

Oups ! Cette image n'est pas conforme à nos directives de contenu. Afin de continuer la publication, veuillez la retirer ou télécharger une autre image.

        

               "YUMI." Natigil siya sa paglalagay ng mga cookies sa basket ng bigla siyang tawagin ng nanay niya. Seryoso ang mukha nito na para bang may nagawa siyang masama at makasalanan.

"Yes po nanay?"

"Anong ginawa mo kay Howard?" tumaas ang kilay niya sa tanong nito.

"Ano ang gagawin ko sa customer niyo?" inis na tanong niya, naalala niya tuloy ang pagsusungit nito sa kanya noong nakaraang punta nito sa bakeshop nila. "Dapat ako nga po ang tanungin niyo dahil ang lalaking iyon walang ginawa kundi awayin ako."

"Natural lang iyon hindi mo pinapansin eh."

"Bakit ko naman siya papansinin?" takang tanong niya. "Ayaw kaya niyang magpapansin at saka busy siya at busy din ako. Magulo ang buhay ko ngayon dahil kina Nico at Earl."

"Pinapagod mo lang ang dalawang iyon samantalang wala ka naman talagang sasagutin sa kanila." Komento nito.

"Grabe si nanay oh, paano niyo naman nasabi iyan?" hindi ito nakatingin sa kanya dahil abala ito sa paglalagay ng kung anong cookies at pastries sa isang special box.

"Nanay ako eh mas alam ko ang mga bagay-bagay keysa sa iyo." Magulo din itong kausap bahala na nga ito. "Uutusan kitang ideliver ito sa nag-order nito."

"Bakit ako si Makisig nalang."

"Busy ang kapatid mo dalian mo na diyan at ayusin mo iyang mukha mo baka matakot ang pagdedeliveran mo niyan."

"Overs ka na talaga nanay." Pero sinunod naman niya ang gusto nito baka nga kasi matakot ang customer nila. "Bayad na po ba ito?"

"Hindi pa singilin mo siya."

"Anong pangalan ng customer?"

"Pangalan ba kamo? Nakalimutan ko ang pangalan basta nandiyan iyong address." Tinanggal niya ang suot na apron at saka kinuha ang box na may lamang pastries. Tiningnan niya ang address na nakalagay sa papel, pamilyar sa kanya ang lugar na iyon.

"Aalis na po ako Nay."

"Enjoy!" napailing nalang siya sa sagot ng nanay niya.

Dala ang kanyang e-bike ay tinunton niya ang lugar na iyon, nasa harap na siya ngayon ng isang malaking bahay. Ang phases kasi ng village nila ay naaayon sa laki ng bahay, katulad nito nasa rich phase ang bahay na iyon. Mayaman nga wala namang gate dala na rin siguro ng sobrang higpit ng security ng kanilang lugar, thank to her dear friend na dating nasa military at ngayon ay isa ng homeowners president na si Candice.

Kumatok siya na para lang tanga dahil sa laki ng bahay impossibleng marinig ng nasa kabilang dako ang kanyang katok. She pressed the doorbell and minutes later ay may narinig na siyang yapak at bumukas ang pintuan. Tiningnan muna niya ang kanyang hitsura dahil baka mayaman talaga ang nakatira sa bahay na iyon.

Black Magic: Sweet (COMPLETED)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant