22- Date

38.2K 948 20
                                    

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


      "Bakit parang baliw ka diyan kanina ka pa nakangiti?" nag-aalalang tanong sa kanya ni Vanessa ng madatnan siya nito sa bakeshop. Kumakanta-kanta pa siya habang nagdidisplay ng mga bagong bake niyang cookies, inspired siya. Sino ba ang hindi maiinspired kung iyong palaging pumapasok sa utak niya ay ang ginawang paghalik sa kanya ni Howard kahapon. Para siyang nahipan ng polluted air at bigla-bigla ay gusto niya ng world peace.

"Wala naman masama bang maging masaya?"

"Ang weird mo kasi pabili na nga lang ng tatlong cookies, magkano isa?"

"Sampung piso ang isa."

"What the bread! ANg mahal naman I demand a fifty percent discount dahil kaibigan mo ako."

"Okay," napatanga ito sa kanyang sinabi, "Bibigyan kita ng lima kasi mabait ako ngayon." Ibinigay niya dito ang paperbag na may lamang cookies niya. Masama ba kung magiging masaya siya? Walang pagsidhan ang kaligayahan na naramdaman niya dahil sa halik na iyon, kung pwede lang sanang maulit uli ang nangyari. Para siyang nagkaroon ng isang puntos kay Howard, ika nga may isang ganda point na siya kaunti nalang at makukuha na rin niya sa wakas ang sobrang tamis na oo nito.

Narinig niyang bumukas ang pintuan ng bakeshop at automatic na sumilay ang matamis na ngiti sa kanyang mga labi. "Good morning." Bati niya sa bagong customer nila na naging dahilan kung bakit nakompleto na ang araw niya.

He is wearing a gray sweater and beneath it is a white polo and a pair of sexy jeans and formal shoes. He really looks so dashing and so handsome in whatever he wears. Sinuklian din siya nito ng mas matamis na ngiti kaya ayon tuloy para silang baliw na nginingitian ang isa't isa.

"Good morning too."

"May gusto ka?" kinikilig na tanong niya hindi na niya pinansin ang kaibigan na abala sa paglilipat-lipat ng tingin sa kanilang dalawa.

"Yes, you." Tinaasan niya ito ng kilay and his smiles gave her the meaning behind his answer.

"Ako?" Pero siyempre hindi mag-aassume.

"May gagawin ka ngayon?"

"Wala naman bakit balak mo ba akong i-date, naks, pandagdag ganda points ko na naman sa iyo kapag pumayag kang idate ako." Biro niya gusto lang niyang pagaanin ang kung anuman ang nararamdaman niyang kakaiba ng mga oras na iyon, para na kasi siyang mababaliw sa sobrang kilig na nararamdaman niya. Normal pa ba ito?

"Let's go I want to accept your offer."

Narinig niyang tila nabilaukan si Vanessa sa narinig nito mula kay Howard, alam niyang nagulat din sa mga naririnig nito. IYong pagiging mabait ni Howard sa kanya whatever his intentions are she doesn't really care, mas care niya ang ginagawa nito ngayon sa kanya.

"Sure? Pero hindi ako prepared, hindi ko pa napiprepare ang best date ever." Aniyang biglang nataranta, hindi naman kasi niya alam na papatulan pala nito ang kanyang joke.

Mabilis itong lumapit sa kanya at saka hinubad ang suot niyang apron at isinabit sa kung saan bago inayos ang bara-barang pagkakaipit ng buhok niya.

"You are already beautiful you don't need to dress up and put any make-up, let's have our first date."

Pwede na bang tumili? Kung panaginip lang ito sana wala ng gumising sa kanya dahil ayaw na talaga niyang magising, only God knows what is stored inside her heart at the moment. Hindi niya maintindihan ang kaba, ang kilig at kung totohanan na ba talaga ito, sana ay papuntang doon na kasi kung araw-araw na ganito ang mangyayari sa kanya sigurado siyang at the end of the year kapag sinagot na siya nito ay hihingin na niya ang mga kamay nito, intact or not.

"Ate, magdedate kayo ni Kuya Howard?" gulat na tanong ni Makisig na sa kasamaang palad ay iniwan niya sa university, napagalitan nga siya kahapon ng nanay at tatay niya. "Lumelevel up ka na talaga keep up the good work."

Gusto niyang yakapin ang kapatid niya at pugpugin ng halik--- halik--- damn it!! Bakit ba kapag naririnig niya ang pobreng salitang iyon ay naalala niya ang ginawang paghalik ni howard sa kanya?

"You are blushing again, you look prettier."

"Bolero, mainit lang." dahilan nalang niya.

Linapitan nito si Makisig na para bang may hinihingi, tumalilis ang kapatid niya at pagbalik nito ay may dala na itong puting sombrero na ibinigay nito kay Howard. Howard come closer and place the cap on her head, inayos pa nito ang buhok niya. "Hindi ka na maiinitan diyan and we can have our date under the heat of the sun."

Hinila siya nito at habang papalabas sila ng bakery ay tiningnan lang niya ang mga nakatangang kaibigan at kapatid sa loob, she grin, iyong joker style na kaaway ni batman. Paanong hindi aabot hanggang teynga ang ngisi niya kung heto siya ay hinihila ng lalaking liniligawan niya? 



TBC

PS: Photo CTTO

Black Magic: Sweet (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon