CHAPTER 19-MY PERFECT WIFE (book 2) *SLAM BOOK.* part 1

13.2K 181 60
                                    

           CHAPTER 19-MY PERFECT WIFE (book 2) *SLAM BOOK.* part 1

                            >>>flashback<<<

Just say yes Annie....



tik tok..

tik tok...

tik tok...





Marry me...





Dahil sa sunod na sinabi niya ay dahan dahan akong napaangat ng tingin  patungo sa kanya at agad kong nasalamin sa ang kasiguraduhan at kagustuhan sa kanyang mga mata.



Kaming dalawa? Eh si Seph? Paano na siya?



Hanggang ngayon iniisip ko pa rin talaga siya. Ang mararamdaman niya? Masasaktan kaya siya?

Kaya ko na ba siyang iwan?



Pero parang mas tama atang itanong kung



Ngayon ko na ba siya dapat bitawan? Ngayon na nga ba?



Ang tao kasing nasa tabi ko kailanman hindi ako iniwan.

No no no, you don't have to answer this right away Annie- Akmang sasagot na sana ako nang pinigil niya ang dapat ko sanang sasabihin na may kasamang pag pisil sa isa kong palad, kahit may sagot na ako doon ay tila tama naman tama ang sunod niyang sinabi.

I know dapat mo pa siyang makita para makapag desisyon ka ng kung ano mang dapat, naniniwalanaman ako na kapag nakita mo siya, dun ka lang makakapag desisyon ng tama.Don't think na pinpressure kita but always remember that I will never leave you, unless you say so- saka niya hinawa ang buhok ko atsaka ko nakita na gaya ko ay ngumiti rin siya.

Bilang pag tatapos ng usapan naming iyon ay umiling ako.



Jacko wag... wag mo sana akong iwan......

maniwala ka sana, gusto kong nasa tabi lang kita....

 

        >>>> End of flashback<<<<<



    Matapos kong maalala ang pag uusap namin ni Jacko ay napapikit ulit ako ng marahas, tila kidlat kasing pumasok ang isang ala-alang iyon, walang paalam parang ginulat na lamang ako ng masamamg pangyayaring iyon. Kasabay nito ay agad akong napakuyom palad sa bed sheet ng kama na kung saan ako nakaupo ngayon, hindi dahil sa pisikal na sakit na nararamdaman ko, kundi sakit na nararamdaman ko sa kaloob-looban, yung tipong kahit saang parte ng mundo ako pumunta walang kayang gumamot sa sakit na iyon at higit sa lahat kahit saang bahagi ng mundo man ako tumungo ay kailanman hindi ko matatakasan ang sakit na nararamdaman ko ngayon.

MY CHILDISH WIFE(book 1&2)-finished-Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon