CHAPTER 16-MY PERFECT WIFE (book 2) *ANGER* part 1

12.6K 158 55
                                    

Merberry's note- short update kasi gumagapang na ako sa kama, sana maintindihan niyo, salamat po, love you all.

CHAPTER 16-MY PERFECT WIFE (book 2) *ANGER* part 1

ANENG'S POV

The subscriber cannot be reached please try again later.

Ang hirap pala nito, pakiramdam ko mahuhulog na ako sa bangin, pero ang taong gusto kong humatak sa akin pataas ay wala sa tabi ko, ang taong gusto kong karamay sa problema ko ay hindi ko mahagilap, tanging mga salita na lamang ni Jacko ang pinaghuhugutan ko sa ngayon, na sabi niya magiging okey din daw ako. Sana.. sana..

Nasaan naba kasi siya? Wala ng iba pang makakapag pagaan ng nararamdaman ko ngayon, kundi siya, ang asawa ko. Gustong gusto ko na siyang makita, kailangan ko na siyang makita. Siguro kahit nasa tabi ko lang siya magiging okey na agad ako.

The subscriber cannot be reached please try again later.

Napatulala akong nakaupo sa huling baitang ng hagdan habang hawak hawak pa rin ang cellphone ko. Ilang oras naba akong nakaupo rito? Hindi ko na maalala. Napa buntong hininga na lamang ako habang hinahayaang magre-dial mag isa ang cellphone ko na naka loudspeak.

The subscriber cannot be reached please try again later.



Habang nakatitig ako sa kawalan ay biglang pumasok nanaman sa isip ko ang huling usapan namin ni Jacko. . .

Kung ayaw mong sabihin sa kanya, sumama ka na lang sa akin, alam mo namang maalagaan kita, hindi kita iiwan gaya ng lagi kong sinasabi sayo. Mas maalagaan kita, Annie believe me.

 Ano? Annie? Sumagot ka, Kung nahihirapan kang sagutin ako.


Kiss me, I will take that as a Yes.



Oo, hinalikan ko nga siya.



Wag mo sanang masamain ang halik na yan, dahil sa totoo lang Jacko isa ka sa mga taong lubos kong pinag kakatiwalaan ngayon, sana rin maniwala ka na isa ka sa taong nakaka alam ng sitwasyon ko, kaya sana Jacko wag mo akong iwan kahit na aaminin ko sayong mananatili ako sa asawa ko at at hindi ko siya iiwan. Yan ang dahilan kaya hinalikan kita sa noo....nangangahulugan lang niyan na kahit humindi ako. . .

MY CHILDISH WIFE(book 1&2)-finished-Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon