CHAPTER 13-MY PERFECT WIFE (book 2) part 1 *Result*

14.4K 173 38
                                    

Merberry's note-sorry sa pag hihintay^^ Salamat pala sa silent readers na napapacomment sa mga chapters naappreciate ko ang pag labas niyo.

Para ito sayo gurl, thanks sa pag babasa ha at syempre para sa inyong lahat...

-----------------------------------------------------

                         CHAPTER 13-MY PERFECT WIFE (book 2) part 1 *Result*

HUSHBEEEEEEEEEEEEE!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!

Biglang bumukas ang pintuan saka iniluwa siya nito, kasabay din nito ang biglang pag baba at pag taas ng dibdib ko bunga ng sobrang kaba sa magiging resulta, eto na.

Hushbee may linya oh-Iniabot niya sa akin ang nasabing kit saka tiningnan ko ito ng mabuti, matapos ko iyong tingnan ng masinsinan ay biglang nag salubong ata ang kilay ko sabay kumunot ang noo ko.

Isang linya.

Iyon na lang ang nasabi ko. Matapos iyon ay ibinalik ko ulit ang tingin sa kanya.

Hindi ko namalayan na kung gaano ko katagal tinititigan ang PT ay ganun na din katagal niyang akong pinag mamasdan na parang pinag aaralan ang sunod na magiging reaksyon ko , parang hinihintay nya na rin ngayon ang ano mang sasabihin ko

.

Huminga ako ng malalim bago muling nagsalita.

Neng it's negative.

Ha? Sabi mo pag may linya diba? Anong negative bang sinasabi mo? Niloloko mo lang ba ako?- Halos mabasag na ang boses niya sa labis na emosyon.

It should be two lines, Sorry I missed to say that.

Pero hindi eh! teka uulitin ko.

Mariin akong napapikit sa sunod niyang ginawa, pumasok ulit siya sa banyo at ginawa muli ang test pero matapos ang ilang minuto ay lumabas ulit siya na may malungkot na aura.

Hushbee Itatry ko ulit itong isa.

MY CHILDISH WIFE(book 1&2)-finished-Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon