CHAPTER 1-MY PERFECT WIFE-(book 2) tragedy

21.8K 220 31
                                    

A/N-Dedicated to you salamat sa pag appreciate sa kwento ko ha^^

MY PERFECT WIFE   (book 2)

 

CHAPTER  1 Tragedy

ANENG’S Point of view

RINGGG.....

 RINGG........

Matapos ang ilang saglit nag ring muli ang telepono, itinabi ko muna ang walis dahil kasalukuyan kong winawalis ang nabasag  at nagkalat na glass frame sa sahig.

Hello?-Excited kong sabi, baka kasi si hushbee na ang kausap ko at sasabihing malelate siya ng uwi.

Aneng si mommy ito, Aneng wag kang mabibigla sa sasabihin ko anak-sabi ng kabilang linya

Po?-biglang kumunot ang noo ko at automatikong napahawak ang dalawa kong kamay ng mahigpit sa telepono.

.

.

.

.

.

.

Ang sunod niyang mga sinabi ay halos ikagimbal ng mundo ko, hindi ko na alam basta pagkatapos non ay nabitawan ko ang telepono at bigla akong napaupo sa sahig, biglang bumigay lahat ng lakas ko.

Gusto kong sumigaw....

 Gusto kong umiyak...

Pero lahat ng iyan ay hindi ko magawa.

Walang luhang lumalabas , hindi ko rin alam bakit hindi ko magawang sumigaw parang umuurong ang boses ko.

Hindi ko alam paano ako nakalabas ng bahay, basta ang tanging naalala ko ay kahit umuulan ng malakas ay pinapara ko lahat ng dumadaang Taxi.

 

Mama para po please pasakayin nyo po ako-pag mamakaawa ko sa driver, habang kinakatok ang window ng taxi neto, baka kasi hindi ako pasakayin dahil nga medyo basa na rin ako, hindi na ako nakapag isip ng matino kaya hindi ko nadala ang payong.

Pagkarating ko sa Ospital ay agad kong tinakbo ang reception area upang  tanungin ang room na kinalalagyan ng asawa ko, wala na akong paki alam sa sasabihin ng mga nakakita sa akin  basta ang alam ko sa ngayon wala akong ibang gustong mangyari  kundi makasama at makita na ang asawa ko.

Lumakad ako sa kaliwang bahagi ng ospital gaya ng sabi ng nurse , sabi niya ay sa may dulong bahagi raw ito, pero habang naglalakad ako patungo dito ay pakonti ng pakonti ang tao, bakit ganun? Bakit ang layo? Bakit nasa dulong bahagi talaga?

Lumingon lingon ako, wala ng halos tao dito, dahan dahan akong nag lakad dahil nakita ko na ang panghuling kwarto, nag lakad ako sa gilid ng hallway habang isinandal ko ang isa kong kamay sa wall, dahil pakiramdam ko ay matutumba ako, kasi heto nanaman parang unti unti nanamang nawawala ang lakas ko pero dahan dahan akong lumakad patungo dito.

MY CHILDISH WIFE(book 1&2)-finished-Where stories live. Discover now