CHAPTER 9-MY PERFECT WIFE (book 2) part 3- Our castle;)

15.2K 152 8
                                    

W/N-Hi this is dedic sayo, gumawa kpa ng watty account para asarin lang ako hehehe pro natutuwa ako kasi nrramdaman kong isa k sa tunay na buhay n sumusuporta sa akin, diba balak mong gumawa ng MY CHILD-LESS WIFE? hehehe salamuch Jason love you love you, alam kong d mo ito mbabasa bleh!  pahug ulit ha.

CHAPTER 9-MY PERFECT WIFE (book 2) part 3- Our castle;)

ANENG'S POV

            Isang umaga nagising ako ng wala siya sa tabi ko na bihirang mangyari. Kung alam niya kasing antok pa ako ay hindi nga niya ako ginigising pero bago siya umalis ay tinitiyak niyang alam ko at nagpapahatid pa nga siya sa may garahe, pero ngayong umaga ay umalis na lamang siya ng walang paalam, nalungkot tuloy ako saglit, mga 7.5 seconds lang naman hindi naman kasi nag tagal iyon dahil may nahagip ang aking mata na isang note na nasa drawer sa may bedside. Agad ko itong binasa syempre alangan namang kanin ko diba? Di pa naman ako gutom.

Happy Birthday Doraneng

Ilang taon kana ? 36? 48?

Gurang na ang Nengneng kong panget! hahaha

Oh paano ba yan? Kitakits mamaya.

Uwi akong maaga.

PS. don't worry, kiniss kita bago ako umalis.

Oo pala birthday ko na yehey!!! kumakanta ako ngayon sa harap ng salamin gamit ang hair brush as mic.

Appeee birthday to me-(clap clap clap)

Appeee birthday to me-(clap clap clap)

Appeee birthday appeee birthday, appee birthday toooo meeeee.

If you're happy and you know it clap your
hands.(CLAP,CLAP)
If you're happy and you know it clap your
hands.(CLAP,CLAP)
If you're happy and you know it and you really want to
show it,
If you're happy and you know it clap your
hands.(CLAP,CLAP)

Ang saya ko talaga ngayon habang hinihintay ang hushbeee ko, excited na talaga ako^__^

May gift kaya ako sa kanya? Sana Dollhouse yung complete set.

Tingin niyo? Meron kaya? Hindi na ako makapag hintay^__^ Sana may birthday party din ako tapos fairy ang theme gagayahin ko ang costume ni Tambolina, teka fairy ba siya?hindi ata si Tingkerbel pala yung fairy. Tama! Tango tango.

Habang hinihintay ko siya ay nag Toy Story movie marathon muna ako habang nakahiga na yakap si Doraemon sa may salas kaya hindi ko namalayan ang oras at gumagabi na pala. Teka ito ba ang sinasabi niyang maagang uuwi? Sa kabilang banda medyo kinakabahan din ako kung naalala niyo kasi yung nangyari dati iling iling ako man din ayaw kong isipin pang mangyayari ulit yon eh.

MY CHILDISH WIFE(book 1&2)-finished-Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon