"Good morning---." Nabitin sa ere aang ngiti niya ng makilala ang bumukas ng pintuan ng bahay, humahangos ito at kung anuman ang ginagawa nito sa itaas ay halatang mahirap dahil pinagpapawisan pa ang taong iyon. Biglag nanayo ang balahibo niya sa katawan ng pagtingin niya sa pawisang dibdib nito pababa ay saka lang niyang napagtanto na boxers lang ang suot nito, hinagod niya ng tingin ang kaharap mula down there na bakat na bakat, and up to his sexy torso and his handsome face. Napatili siya at nabitiwan ang hawak niya kasabay ng pagtakip niya sa kanyang mukha.

It's not her first time to see that kind of scenario, si Makisig kasi madalas nakaganoon lang pero bakit sa lalaking ito... at bakit nandito ito sa bahay na iyon?

"Ma-may ipinadeliver si nanay," nakapikit pa rin siya pero tempted talaga siyang sulyapan ito kaya ganoon nga ang ginawa niya pasimple ang ginawa niyang pagsulyap dito iyong hindi nito halata, pero siya halatang-halata ang ganda ng abs nito pati na rin ang mga hita nito at iyong.... At iyong nasa may gitna... ang kanyang hello kitty na boxer shorts.

Her mind suddenly freezes when she realized what kind of cartoon character it is... seriously a hello kitty boxer shorts? Tumawa siya ng malakas kahit na nasa harap niya ito nawala din ang hiya at inis na naramdaman niya dahil sa kanyang nakita.

"Hindi ko alam mahilig ka pala sa hello kitty Howard." Kunot-noong napatingin ito sa suot nito akala niya ay mahihiya ito pero nameywang lang ito sa kanya.

"What's wrong with hello kitty boxers?"

"Wala naman," kinuha niya ang paperbag na nabitiwan niya. "At sa pink pa, hindi kaya bakla ka?"

"Gusto mong halikan kita uli?"

"You dare I'll kick your eyes with my fingers." Banta niya dito but she wouldn't mind really, pakipot lang muna siya. It feels so good talking to him like this. "Here, kay nanay iyan hindi ko alam na sa iyo pala iyan sana ininsist kong si Kisig ang magdeliver para hindi mo ako makita. Huwag mo nalang bayaran nabitawan ko iyan kanina malamang lamog-lamog na rin iyan."

Tinanggap nito ang paperbag. "Did you baked these?"

Umiling siya. "Hindi siguro malamang alam din ng nanay na hindi mo talaga paborito ang mga gawa ko siya ang nag-ayos niya kaya malamang sa kanya lahat iyan. O sige, aalis na muna ako."

Tumalikod na siya ng biglang magring ang phone niya, si Earl. "Hello Earl? Nasa bakeshop ka, hindi ka man lang nagpasabi sige babalik na ako—ay manok!" nagulat siya ng biglang may umagaw ng cellphone niya mula sa kanya at iyong kaninang pormal na mukha ni Howard ay napalitan ng pagkakakunot. "Howard ano ba?"

Kinuha nito ang cellphone niya mula sa kanya. "She's busy I am the customer and I have complaints."

"Hala, free na nga iyan may reklamo ka pa kay nanay ka magreklamo." Muli itong napatingin sa cellphone niyang nasa kamay nito ng muling magring iyon.

"Sino si Nicolo?"

"First ex-boyfriend ko." He answered the call.

"She's busy with me stop pestering her." Iyon lang at mabilis na pinatay nito ang cellphone niya.

"Hoy, baliw ka ba Howard bakit mo ginawa iyon? Bakit mo sinabi iyon?" pilit niyang inagaw ang cellphone niya mula dito pero ang hudyo binuksan lang nito ang cellphone niya. "Ibalik mo iyan."

"Bakit ang daming lalaking umaaligid sa iyo?" inis na tanong nito.

"Maganda ako eh at habulin ako ng cats and besides hindi lang ikaw ang pwedeng magkagirlfriend ano magkakaboyfriend din ako at may dalawa akong pinagpipilian." Linapitan niya ito para agawin ang phone niya pero itinaas lang nito iyon kaya mas lalong hindi niya iyon abot. "Howard naman eh, give it back." Kulang nalang ay akyatin niya ang katawan nito para maabot niya ang Mt. Everest, ay Mt. Howard pala. At dahil napagod siya kaya napasimangot na lang siya. "Kapag ako ininis mo lahat ng ipapadeliver sa iyo ni nanay na gawa niya papalitan ko ng gawa ko."

"You want it, get it." At pumasok na nga ito ng bahay nito kaya agad niya itong sinundan para kuhanin ang phone niya.

"Howard." Pumanhik ito sa taas kaya pumanhik na rin siya pero ng pumasok ito ng silid ay hindi na siya pumasok, baka ano pa ang kababalaghan ang makita niya kaya hanggang sa labas lang siya. "Hoy, Howard. Ibigay mo sa akin iyan please." Pakiusap na niya. "Uuwi na ako promise." Muling bumukas ang pintuan ng silid na iyon at lumabas uli ito, may suot na itong mas maayos na damit. "Please." She used all her charms to get her phone back.

"Ibabalik ko ito sa isang kondisyon."

"Ano?"

"Date me."

Tama ba ang narinig niya? Did she heard it right? Is he really asking her to date him?



tbc

Black Magic: Sweet (COMPLETED)Where stories live. Discover now