Kabanata 48

162K 3.6K 341
                                    

Not scared

"Tumatawag si Evander.."

Napalingon ako kay Uno habang nakaupo kami sa burial park. It's been a day, expected na tatawag siya..

Napayuko ako at napaiwas ng tingin. Ano kayang iniisip niya ngayon? Anong reaksyon niya nang malamang hindi kami pumasok ng mga pinsan ko? Is he mad?

Does he misses me?

I miss him..

"Do you want to talk to him?" Mahinahong tanong ni Adrian.

Nanikip ang dibdib ko sa pag-iisip. Buong gabi yata ay siya lang ang iniisip ko, ngayon ay isang cellphone nalang ang pagitan namin para makapag usap, hindi ko pa magawa.

Huminga ako ng malalim at umiling. Kita ko ang gulat sa mga mata nila. Mabilis na lumapit si Tulip sa akin at hinawakan ako sa kamay.

"Why? You're hungry for the truth tapos siya naman ang pinagkakaitan mo ng katotohanan. Why don't you tell him that we're told to stay here. That.. we're never going back." Ani Adrian.

Napaawang ang labi ko sa sinabi niya? Seriously? Masasabi ko ba 'yon kay Evander?

Hindi ko nga matanggap na dito na kami maninirahan ulit, paano ko pa sasabihin sakanya kung ako mismo ay hindi pa matanggap.

"Sasabihin ko din naman.. hindi lang ngayon. Tsaka alam naman niya kung nasaan tayo for sure, Manila is the only place that will pop in his mind." Saad ko.

Hindi ko alam kung bakit hindi ko siya magawang kausapin. Basta, nararamdaman ko lang na.. hindi ko kaya. I don't know how and I don't know why, basta ganon lang.

"Bakit hindi nalang kayo mag LDR? Uso na 'yon.." suhestyon ni Simon pero mabilis siyang binatukan ni Alice kaya natahimik siya.

"LDR? Sa Argao nga ay nahirapan sila, paano pa kung ganito." Ani Alice.

"Sorry naman! Sabagay.. tignan mo nga si Carl parang love sick puppy na nawalay kay Miss Student Nurse." Natatawang wika ni Dos pero tinaasan lang siya ni Carl ng bad finger.

Does LDR works? Maraming nasisirang relasyon dahil sa LDR.

Damn. I'm even considering this things.

"Ate, someone wants to talk to you." Napatayo ako sa pagpasok ni Agatha.

Kumunot ang noo ko dahil sa babaeng kasama niya. Rinig ko ang bulungan ng mga pinsan ko dahil doon. Kahit ako rin ay naguguluhan sa presensya niya.

Ano nanamang problema niya at bakit siya nandito?

"I want to talk to you." Ani Grace. Tumaas ang kilay ko dahil linibot niya ang tingin niya sa buong lugar.

"Privately." Aniya.

Tumalikod siya at naunang lumabas.

"Ri, I think it's not a good idea to talk to her.. I mean she's a psycho." Rinig kong wika ni Dos.

"Yes, I agree with Dos." Ani Clyde.

Umiling ako.

"Wag kayong susunod. Hayaan niyo kaming dalawa." Wika ko. Hindi ko na liningon ang mga pinsan ko dahil marami pa silang sasabihin.

Dumiretso na ako sa labas at sumunod sakanya. I'm not afraid. Kahit na karumaldumal ang ginawa niya sa akin ay hindi ako natatakot. Kahit katiting na kaba ay hindi ko nararamdaman.

"Kung gusto mo ng gulo, wag dito. We're mourning, Grace." Bungad ko sakanya pagkalabas ko.

It's better na malaman niya agad ang nasa isip ko. Hindi ako makakapayag na sirain niya ang pag luluksa namin. Ayokong sirain niya ang serenity ng lugar.

MONTGOMERY 1 : Caught (Published under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon