Kabanata 7

221K 4.6K 685
                                    

Protected

I was staring at my ceiling. Iniisip ko pa rin ang nangyari nung isang araw. What the heck is happening to me? Pumikit ako pero ang nakikita ko parin ay ang paghalik niya sa akin.

Damn that Claveria!

"Eh kung.. mag out of town nalang tayo?" Napabalikwas ako dahil sa narinig ko. Pumasok si Agatha, Alice at Tulip sa kwarto ko.

Bumuntong hininga ako at umayos ng upo. "Hindi ba kayo marunong kumatok?"

Umupo sila sa kama ko at napahiga naman ako ulit.

"Ate naman.. para namang kailangan pa kumatok." Wika ng kapatid ko. Ngumiti ako at tinakpan ang mata ko gamit ang braso ko.

"Ano bang problema niyo? Wala na ba kayong mapuntahan at dito sa kwarto ko kayo nanggugulo?" Tanong ko sakanila.

Hinawakan nila ang kamay ko at pilit akong pinapaupo pero ayaw talaga ng katawan ko.

Gusto ko nalang magpakasal sa kama ko at forever nalang kaming magkasama.

"Rian, pinoproblema ni Tulip ang birthday niya." Ani Alice. Inalis ko ang pagkakatakip ng mata ko at tinignan sila habang nakahiga pa din.

"Akala ko ba ayaw mo mag party?"

Humiga si Tulip sa tabi ko at nakitingin na rin sa kisame.

"Mapilit si daddy. You know them.. tsaka feeling ko gagamitin nila tong party to invite important people." Paliwanag ni Tulip. Hindi ko tuloy alam kong nakakabuti ba sa amin tong politika. Pakiramdam ko mas okay kung sa negosyo kami mag-invest. But of course.. I can't decide for the family.

"Tell him na mag dinner nalang. Atleast they can invite people over.." saad ko.

"Parang hindi ko naman party non, wala akong bisita.. siguradong puro mga taga-politika ang dadating." Ani Tul.

"Tul's right. Wala pa tayong mga kilala rito. Who will she invite?" Pagdadagdag ni Agatha. Napakagat ako sa ilalim ng labi ko. If this is just a normal situation.. mas gugustuhin kong mag out of town nalang kami.

"Ganito.. let's make plan A and plan B." Saad ko at umupo na ng maayos.

Mukhang nagustuhan nila ang sinabi ko kaya napaupo na rin si Tul.

"What's the plan?" Excited na tanong ni Alice. Natawa ako at tumango.

"Plan A, tell Tito Ivor to let us have an out of town. Like Tagaytay.. pero if hindi pwede, no choice.. Plan B." Kumunot ang noo ni Tulip.

"What's plan B?"

Ngumisi ako at bumagsak ulit sa pagkakahiga.

"Celebrate your birthday with the politicians.." humalakhak ako dahil pinagpapalo nila ako. Wala naman akong magagawa. That's the truth and that is more what likely will happen.

"Rian naman! Wala bang plan C?"

Natigilan ako sa sinabi ni Alice. Actually.. I think there is.

"Meron naman.." mahina kong saad. Tinignan ko sila at kita ko ang kuryosidad sakanila.

"What?"

"Let's escape" matipid kong sagot at nanlaki ang mata nila. Nagkibit balikat ako at tumawa. Damn! Ang bad influence ko talaga pero namimiss ko na ang mga get aways namin.

Besides I need to have a break with the whole Argao thing. Pakiramdam ko ay wala pa man akong isang linggo dito ay nabago na ang buong buhay ko.

MONTGOMERY 1 : Caught (Published under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon