Kabanata 10

213K 4.8K 192
                                    

Can't breath

"Tara na" naramdaman ko nalang ang paghigit sa akin ni Adrian. I was still shocked. Sumunod nalang ako at pilit binalik sa normal ang kundisyon ko.

Ayaw bumagal ng takbo ng puso ko. I can still feel it.

I can still feel his touch.

"Ayos ka lang ba?" Tanong sa akin ni Tulip. Tumango ako kahit ang totoo ay hindi.

Hindi ako ayos.

"Wag ka ng lalapit sa lalaking 'yon!" Don lamang nakuha ni Adrian ang atensyon ko. Hawak hawak niya pa rin ang braso ko habang palapit kami sa mga pinsan ko.

Ang ilan sakanila ay natigilan.

"Hey! Bakit ang tagal niyo?" Bati ni Clyde habang sinasara ang likod ng kotse ni Uno. Hinarap ako ni Adrian at sa wakas, binitawan niya na ako.

"Naiintindihan mo ba? Hindi ka na makikipagusap o kahit lumapit lang sa lalaking 'yon. Kakausapin ko din si dad tungkol sa rinereto sayo." Napaawang ang labi ko. Hindi ako sanay na nakikita siyang ganito. Kita ko ang pagka-galit niya.

My twin is so mad right now.

Hindi naman ako ang lumalapit.. o nakikipagusap. Gusto kong sabihin yan pero baka lumaki lang ang usapan. I don't wang to push him right now.

Kita ko ang pagkalito sa mga mata ng mga pinsan ko.

"Kuya, I think that's too much. That Evander is protecting her.. we should be atleast thankful." Sabat ni Agatha. Lumapit siya sa amin at kumunot ang kanyang noo habang pinagmamasdan si Adrian.

"No. That guy is dangerous. Ako ang Kuya, kaya ako ang masusunod." Natigilan ako sa sinabi niya. Narinig ko ang pekeng halakhak ni Uno.

"Chill, Ad. He can't do anything.. andito naman tayo to protect them. Chill ka lang. I-Alchology natin yan." Tumawa si Uno at hinila si Adrian. Kumindat siya kaya na-gets ko na 'yon.

Siya na ang bahala.

"What's with Kuya? Siya nga diyan ang dangerous. Katakot siya 'a!" nagtatakang wika ni Agatha. Dumiretso nalang ako sa sasakyan ni Uno at pinasok ang gamit ko don.

Kahit natatakot ako sumabay sa kotse ni Uno ay mas gugustuhin ko na dito nalang kaysa sa kotse ni Adrian. Siguradong hindi ako tatantanan ni Adrian.

"Kainis. Napano ba siya?" Hindi pa rin makaget-over si Agatha. Padabog niyang pinasok ang gamit niya sa sasakyan ni Uno.

"I'll tell you later." Ani Tulip at sumakay na sa front-seat. Sa tabi siya ni Uno na magda-drive.

"Hihintayin na namin sila Carl. Mauna na kayo." Ani Simon. Tumango ako at sumakay na rin sa back seat. Sa tabi ko ay si Agatha.

Binuksan ko ang bintana. "Si Gelo?"

Lumingon lingon ako para hanapin ang kapatid ko.

"Sasabay daw kay Adrian." Sagot ni Clyde. Atleast may kasabay pa rin si Adrian.

"Paunahin niyo si Adrian. Wild beast siya ngayon. Baka magwala sa daan 'yon!" Natatawang saad ni Simon. Nag roll-eyes ako dahil pinagkakatuwaan nila si Adrian.

Pero I'm thankful kasi.. sila ang nag papagaan ng lahat. They make everything so light.

"Kaw naman kasi eh" natatawang dagdag ni Clyde. Mabilis kong sinara ang bintana at lalong lumakas ang tawa nila. What the heck!

Can I take back the fact that I said, I'm thankful?

"Let's go" ani Uno nang makapasok na siya sa sasakyan. Ngumiti ako at tumango. I don't know what to say. Parang fresh pa ang nangyari sa akin. I can still feel his presence near me.

MONTGOMERY 1 : Caught (Published under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon