Kabanata 20

188K 4.3K 281
                                    

CC

"Damn! Naiwan ko ata brief ko!"

Hindi ko pinansin ang pinagsasabi ni Uno at mabilis na pinasok ang mga bag ko sa likod ng sasakyan ni Adrian. Shit! Ang sakit pa ng ulo ko. It's freaking four am in the morning at pakiramdam ko hinihila pa ako ng kama ko.

"Shut up, Uno!" Pagbabawal sakanya ni Alice. Napahagikgik ako at mabilis na pumasok sa loob ng sasakyan ni Adrian.

Binuksan ko ang bintana at pinagmasdan sila.

Napatingin ako sa cellphone ko. Ngayon ko lang napansin na hindi ko pala nareplyan si Caden. Buong gabi kaming magkatext kagabi. Halos hindi ako makatulog dahil para akong highschool na nag-aabang ng reply sakanya.

Plus.. hindi rin ako makatulog dahil paulit ulit ko atang pinatugtog ang Stolen by Dashboard Confessional kagabi. Kasabay non ang pag replay din paulit ulit sa utak ko ng usapan at pagsaway namin.

Uminom na ako ng gatas pero hindi pa rin ako dinadalaw ng antok!

What the heck?

To: CC

Goodmorning. Sorry ngayon ko lang nakita message mo. Nakatulog na kasi ako.

I'm sure he's still asleep. Masyado pang maaga.

"Wow! Hindi mo man lang ba sasabihin sa akin na pumasok ako sa loob at kunin ang brief ko?"

Ako mismo ay napahalakhak sa sinabi ni Uno pero mabilis ko rin tinakpan ang bibig ko dahil baka marinig kami.

Malayo man mangyari ay nakakatakot pa rin. We're escaping! Patay talaga kami nito. Pero dahil kasama ko sila.. hindi ako masyado natatakot.

"Nakalabas na tayo, papasok ka pa? Gusto mo bang mahuli?" Rinig kong saad ni Alice.

"Chill Al. Highblood ka nanaman!" Sabat ni Simon. Inirapan lang ni Alice si Simon kaya napa-apir si Uno kay Simon.

"Use your brains!" Naiinis na saad ni Alice at binawi ang bag niya mula kay Dos.

Napakunot ang noo ko dahil pumasok si Dos sa sasakyan ni Adrian. Umupo siya sa likod ko kaya nilingon ko siya.

Sa amin siya sasabay? Hindi kay Uno?

"What?" Tanong niya sa akin. Sumimangot naman ako.

"Just sleep, Dos" saad ko at yun nga ang ginawa niya.

Kinuha niya ang headphones niya at sumandal na sa upuan. Nakaka-inggit ang komportable niyang upo.

"Your jacket" inabot ni Adrian sa akin ang jacket.

Kinuha ko naman iyon at sinuot. Inamoy ko pa ito.. hiniram niya kasi last time ito. Mukhang bagong laba naman.

"Thanks" saad ko at yinakap ang sarili ko.

Sinuot ko na rin ang seatbelt dahil sa katotohanang si Adrian ang magmananeho.

Sana pala ay kay Carl nalang ako sumabay. Simon, Clyde and Tulip are really lucky to ride his car.

It's the safest!

"Fine! Fine! I'm just gonna buy there."

Sinara ko na ang bintana at sumandal na din sa upuan. Napa-angat din ako ng tingin sa mansyon. Tahimik dahil umaga pa. I can only imagine their faces pag nalaman nilang nawawala kami.

"Kuya ayaw dalhin ni Gelo ang sasakyan niya. Dito nalang daw kami." Rinig kong saad ni Agatha.

It's not a problem. Kasya naman kami dito. For me mas convenient pa ang mas konting sasakyan ang dadalhin. Plus we're bringing Uno and Carl's car so it's good.

MONTGOMERY 1 : Caught (Published under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon