Kabanata 21

192K 4K 201
                                    

Instinct

Sinara ko ang bintana dahil tumatama na ang sinag ng araw sa akin. Lumingon ako sa mga pinsan kong tulog pa. Napalingon ako muli sa bintana at napangiti ako nang makitang nasa area na kami ng Tagaytay.

Whoa, it took a day?

Pinagsisisihan ko atang pumayag ako na mag land travel kami. I slept the whole time we're in the ferry, ayoko talaga ng pakiramdam ng nasa ferry. I feel so sick.

My back hurts too. Nangawit na 'to sa pag upo.

"Rian"

Napalingon ako kay Alice na kakagising lang. Ang isa niyang mata ay nakamulat habang ang isa ay nakapikit pa.

"What?" Binigay niya ang phone niya bilang sagot.

Tinignan ko ito at kita ko ang text ni Carl na mag stop by muna sa isang restaurant para kumain.

"Al-"

Natigilan ako nang makitang tulog na siya ulit. Napailing nalang ako.

"Adrian, stop by muna daw sa pinakamalapit na restaurant. Let's eat first."

"Okay."

Medyo naaawa pa nga ako sakanya dahil hindi pa siya nakikipagpalit. Bumagal na rin ang takbo niya.. marahil dahil sa pagod. Mahaba haba din ang byahe mula Cebu patungong Tagaytay.

"Alice.." pag gising ko sa katabi ko.

Kita ko ang pagsimangot niya kaya bahagya akong natawa.

"Jacob.." mahina kong tawag.

Napahalakhak ako nang bumalikwas siya ng upo at biglang nag-ayos pero nang marealize niya na linoloko ko lang siya ay masama niya akong tinignan at kinuha ang cellphone niya.

Hindi ko alam bakit siya nahulog sa patibong ko. Paano naman mapupunta sila Jacob dito? She likes him that much?

"I was just joking. You like him?" I asked the question with the most obvious answer.

"Crush lang." Saad niya at bahagyang napangiti.

"I didn't know you like mysterious types." Wika ko.

Tuwing nakikita ko si Jacob na kasama si Caden ay yun ang napapansin ko. Sometimes poker face, sometimes nakikipag-biruan.. parang hindi mo talaga alam kung anong iniisip niya.

"That's why crush nga diba.. siguro pag nalaman ko na yung totoong siya. Pag hindi na siya mysterious sa akin ay mawawala rin ito." Sabi niya at nagkibit-balikat.

Tama. Sabi nila ay kapag daw may hinahangaan ka, pag nawala na ang bagay na kinahahangaan mo sa taong 'yon ay mawawala din ang pagkagusto mo doon.

"Gisingin niyo na sila Gelo." Saad ni Adrian.

Ginising namin ni Alice si Gelo at Dos. Si Agatha ay nagising na rin. Pinili ni Adrian ang pinaka malapit daw sa tutuluyan namin. Pagka-park niya ay agad na rin kaming lumabas.

Tumingin ako sa cellphone ko pero walang messages. Saan kaya sila papunta? He's busy? So hindi rin siya pumasok sa third day ng event kung ganon?

Kumapit ako kay Gelo at tumabi muna kami para hintayin ang iba.

"Is it cold?" Tanong sa akin ni Gelo. Ngumiti ako dahil sa ka-sweetan ng kapatid ko.

Siya ang bunso sa amin at sa akin siya pinaka sumusunod. Mas pinapakinggan pa niya ako ke'sa kay Adrian.

Umiling ako. "It's fine.. the weather is so good."

"Just tell me.. may mga dala pa akong scarf." Natawa ako sa sinabi ni Gelo.

MONTGOMERY 1 : Caught (Published under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon