CHAPTER NINE

201 8 4
                                    

Chapter Nine:

"Prince..." mahinang tawag ko sa kanya.

Hinawakan niya ang balikat ko. Ang lamig ng kamay niya. Kinakabahan ba siya? Oh my God si Prince kinakabahan?

"Tumabi ka," sabi niya sa akin.

Tumabi naman ako syempre. Gera na ata ito. Tiningnan ko si Prince sa kanyang mga mata. Ilang saglit pa ay bumukas na ang pinto at isang napakalaking kulay white na oso ang tumalon papunta kay Prince.

"Waaaah! Kakagatin ka niya!" sigaw ko.

"Ano ka ba? Hindi ha," sabi ni Prince sabay ngiti sa akin.

Aso pala 'yun, isang puti at napakalaking aso. Grabe! Buhat ito ni Prince at hinihimas-himas niya ito. Ang cool! Ano kayang lahi nito?

"Sir, let's go home," sabi ng isang lalaki na nakapang-Amerikana.

Sir? Ha? Ibigsabihin amo nila si Prince?

"Good boy! Good boy," sabi ni Prince habang hinihimas ang tyan ng aso, "Snow you're so fluffy!"

"Sir," wika ulit ng lalaki.

Bumaba na si Snow. Grabe ang laki niya nga! Lagpas bewang ko ang tangkad niya at mukha talaga siyang oso! Prince nodded doon sa lalaki then he looked at me.

"Isabay na natin siya," sabi ni Prince sabay turo sa akin.

"Ha? Ako? 'Wag na! Nakakahiya naman!" sabi ko.

"Sige po Sir," sabi ng lalaki.

Woah! Pinapakinggan ba nila ako? Sabi ko 'wag na 'di ba? Pero kung talagang mapilit silaaa... Haha, gusto ko rin kasing makita kung anong itsura ng sasakyan nila.

Bumaba na kami ng building at dumiretso sa parking lot. Kakaunti na lamang ang estudyante sa labas ng school dahil class hours na. Geez, may mga nagcu-cutting oh? Nasaan na ang authorities ng student council?

"Here we are," wika ni Prince.

At ng tumingin ako sa sasakyan nila, "HOLY MOLY BARNACLES OF DRAGONS!" sigaw ko.

Natawa si Prince at si Snow naman agad agad na sumampa sa kotse. Ito na ang pinakamagandang kotse na nakita ko sa buong buhay ko! Napakaganda! Ang kintab! Ang sosyal tingnan!

"It's BMW M6 convertible, one of the most expensive cars in BMW. Want to try it out?" sabi ng lalaki na parang bodyguard ata ni Prince.

"Ha?! Try it out? Anong ibigsabihin non? I mean paano? Ano?!" taranta kong tanong.

"What I mean is do you want to drive it?" alok niya sa akin, "We would be happy."

Umiling ako agad! Baka masira ko pa 'yan at isa pa hindi ako marunong magdrive. Pero geez! Ang ganda talaga! Dream car ko na ito!

"Did you liked it?" tanong ni Prince.

"Oo, ang ganda. Bakit ka may ganito? Ang yaman niyo naman!" sabi ko.

He smirked, "Actually my parents are rich kaya naman nakakabili sila ng mga ganito. I really don't want to talk more about them. So, tara na?"

He opened the door para sa akin. Jusko, dahan-dahan akong umupo, ang sarap sa pakiramdam! Convertible ito it means pwedeng may roof at pwedeng tanggalin, ngayon kasi wala itong roof. Ang astig! I can't wait na ikwento ito kay Shizuka.

"Oh, I forgot Abigail sana walang ibang makaalam na ganito ako. I mean, na mayaman ako at may ganito akong kotse," sabi ni Prince.

Tumango naman ako at inenjoy nalang ang bawat segundo na nakasakay ako sa kotse niya. Ang saya talaga! Ibang klase! Gusto ko sanang magpicture habang nakasakay ako kaso nakakahiya. Tahimik lang si Prince, nakashades siya at sa gitna namin nakaupo si Snow. Ang fluffy niya, hinahawakan ko 'yung balahibo niya at mukhang wala naman siyang pake.

Love in AuctionWhere stories live. Discover now