CHAPTER EIGHT

256 8 3
                                    

Chapter Eight:

"All packed!" sabi ko sa aking sarili after kong ilagay ang huling t-shirt ko sa bagahe ko.

I need to get out of this town before matapos ang tatlong araw. I am still thinking na kung pwede ko siyang i-report sa mga pulis but I'm afraid na ako pa ang mahuli nila. He's prominent, he's rich and famous siguradong kaunting suhol niya lang sa mga pulis ay matutumba na agad ako.

"Makikita mo Raziel, mawawala sa kamay mo ang eight-hundred million," pangiti-ngiti kong wika sa harap ng salamin.

Nagunat-unat ako at ngumiti-ngiti sa harap ng salamin. Walang sign ng pimples o dark spots, yey!

Naisip ko bigla na tama lang na sinabi ko na kay Shizuka ang sitwasyon ko. Para alam niya rin at kung sakaling ipa-hostage ako at ipapatay ng pangit na... I mean gwapong Raziel na iyon ay alam naman niya ang sitwasyon ko.

Ilang saglit lang ay pumasok sa kwarto ko si Ginger at nahiga na sa kama ko. Humiga ako sa tabi niya at kinuha ko ang cellphone ko.

Abigail!!! Nag-aalala na ako sayo! Nasaan kana? Ang aga kong nagising ha, pwede bang lumabas muna tayo. Huhu, mamimiss kita. Isumbong na lang kaya natin siya sa pulis?

- Shizuka-chan

Ugh, naisip ko na 'yan Shizuka, isip-isip ko. Pinindot ko ang reply at nagsimula na akong mag-type ng isasagot ko sa kanya.

Naisip ko na kaya 'yun, kaso alam mo naman... Mayaman siya dukha lang ako. E baka ako pa ang mapahamak nun. Sige kita tayo. Mamayang gabi kasi ako babyahe.

SENT.

Agad akong tumayo at dumiretso na sa banyo upang maligo at mag-ayos. Mag lu-lunch na pala. Binuksan ko ang sliding door papunta sa bath tub ko ng biglang tumunog ang cellphone ko.

"Shizuka! Maliligo na ako e," pagdadabog ko.

Mukha tuloy akong tanga. But, anyway kinuha ko naman ang cellphone ko at tiningnan.

"Hindi si Shizuka... At hindi rin si Mama," bulong ko sa aking sarili.

May tumatawag sa akin. Number lang ito. Ugh! Sasagutin ko ba? Baka wrong number naman ito. Hayaan ko na nga lang. Ibabato ko sana ang phone ko sa kama ng biglang huminto ang pagtunog nito. Ngunit ilang saglit pa bago ko ito ibato ay bigla itong tumunog ulit.

"Oo na! Ito na! Sasagutin na," sabi ko sabay pindot ng accept.

"Hello?" bati ko sa isang tamad na tono.

Paghinga lamang ang naririnig ko sa kabilang linya. Baka naman hinihika ito. Shocks! Baka naman nag-aagaw buhay siya! Tapos may ipapahanap siya sa akin na kayamanan na inaangkin ngayon ng masasamang loob tapos kailangan ko 'yun kunin dahil 'yun lang ang makapagliligtas sa mundo!

"Abi..." sabi nito. Hingal na hingal siya. Lalaki siya at medyo matipuno ang boses. Parang medyo kasing edad ko lang siguro siya.

"Uhh, oo... Ako nga ito, sino po ito?" tanong ko. Kinakabahan ako. Ano ba ito? Death threat?

He cleared his throat then he spoke, "Abigail nasaan ka?"

"Sino ka ba?" tanong ko ulit. He's pissing me off! Male-late ako nito kay Shizuka e.

Huminga siya ng malalim, "Si... Roy 'to!"

S...Si Roy! Kaklase ko siya! Aba, bakit naman kaya siya napatawag.

"Bakit? 'Kaw pala 'yan Roy! 'Di kita nakilala ha!" sabi ko pa ng masaya.

"Basta hinihingal ako 'yon! Nasaan ka? 'Wag mong sabihing 'di ka papasok ngayon?!" sabi niya sa akin.

Love in AuctionWhere stories live. Discover now