CHAPTER TEN

122 5 6
                                    

Chapter Ten:

"Ra-Raziel! Bitawan mo ako!" sigaw ko sa kanya.

Hawak-hawak ni Raziel ang kamay ko at hinihila niya ako sa isang madilim na pasilyo. Hindi ko alam kung saan niya ako dadalhin. Hindi ko alam bakit ako nandito.

"Ra-Raziel... Nasasaktan ako!" sabi ko sa kanya.

Lumingon siya sa akin at... Hindi siya si Raziel!

"Bakit ba Raziel ang tawag mo sa akin?" tiningnan niya ako sa aking mga mata, "It's Clyde, baby."

Siya nga si Clyde! Kinindatan niya ako at patuloy kaming naglakad sa pasilyo. Nakarating kami sa pinakadulo nito. Binuksan niya ang isang napakalaking pinto. Nasilaw ako sa matinding liwanag.

"Nandito na ang mapapangasawa mo," sabi ni Clyde.

Sinubukan kong tingnan ang nasa loob ng kwarto. At doon ko nakita si Raziel na nakaupo sa isang trono habang hinihimas ang isang rabbit. Tinulak ako ng bahagya ni Clyde papasok sa kwarto. Sinara niya ang pinto at naiwan ako sa loob ng kwarto kasama si Raziel.

Nagnining-ning ang paligid. Punong-puno ng mga diyamante at ginto sa paligid. Kahit saan ako tumingin may mga kayamanan. Doon sa gitna makikita si Raziel, ang asul niyang mata ay nakatitig sa akin. Tumakbo palayo ang kuneho at nagtago. Tumawa ng malakas si Raziel

"Anong tinatawa-tawa mo d'yan?!" tanong ko sa kanya.

Iniihit pa rin siya ng tawa, "E kasi naman, nakahubad ka!"

Nanlamig ako at napatingin sa aking katawan. Nakahubad nga ako! Tumili ako ng sobrang lakas. Hinagisan naman niya ako ng isang jacket.

Love in AuctionWhere stories live. Discover now