CHAPTER FIVE

383 16 11
                                    

Chapter Five:

Pinanood ko sila habang nagpho-photoshoot. Napakaraming ilaw ang nakapaligid sa kanilang dalawa. Ang lakas din ng flash ng DSLR ng photographer, nakakasilaw. Mukhang sanay na sanay na talaga sila.

Nangingibaw ang kagwapuhan nila. Sila 'yung tipong kahit na madaanan mo lang ng tingin e mapapalingon ka talaga. Nangingibabaw sila sa lahat, there is something in them na wala sa ibang lalaki. Bagama't may mga ibang lalaki na gwapo at maporma, iba pa rin talaga sila.

They were like precious stones. Kumikinang kahit na nasa gitna sila ng libo-libong tao. They will always shine. Kahit na ilang feet pa ang layo nila sayo, the mere sight na makita mo sila ay mapapatibok nila ang puso mo.

They kept on posing infront of the camera. Ilang saglit lang ay umalis sa stage si Clyde. Agad siyang nilapitan ng mga staffs.

Alagang-alaga rin sila. I wonder how it feels like sa katayuan nila. Malamang nakakasakal iyon. I mean, kailangan mong sundin sila dahil sila ang mas may alam sa kung paano ka nila papasikatin at pagagandahin.

The way you dress, what beauty products you will use, skin care, how will you act infront of the camera and the fans, etc. Nakakasakal 'di ba? It's like being caged in a dream guy persona. Kailangan presentable lagi, kailangan pala-ngiti, kailangan mabait. Nakakasakal.

I was a bit surprised ng bigla akong batiin ni Clyde.

"Hi Abigail! Bored?" he asked, tumabi siya sa bench na inuupuan ko sa harap ng stage.

"Not really, nae-enjoy ko naman na panoorin kayo," I said while smiling at him, "Ngayon lang ako nakakita ng photoshoot."

Nakaka-proud isipin na hindi na ako nagst-stutter kapag kinakausap siya. I'm a bit friendly naman lalo na sa school. I have to because I'm the President of the Student Council.

"Talaga? You never been in a photoshoot?! That was surprising!" sabi niya.

He looked so surprised. Isa lang naman akong commoner so, no wonder talaga na hindi pa ako nakakapunta sa mga photoshoot.

"Yeah, hindi pa talaga."

Bigla niyang idinampi ang kanyang hintuturo sa ilalim ng baba ko at tiningnan ako. Oh my Gosh, ang hot n'ya! Ang pupungay ng mga mata niya!

"Pero, I think you could be a very good model," sabi niya sa akin in a husky tone.

I didn't know what to say. I can feel my face burning. Para akong na-freeze. His face is perfectly sculpted. Gosh! Why is he so perfect?

Ilang saglit lang ng pagkakatitig ko sa magandang mukha ni Clyde, ay may biglang humawak sa braso niya ng mahigpit at hinila.

"I said don't fucking touch her."

Tumingin ako sa taas at nakita ko si Raziel na topless. Hawak hawak niya ng mahigpit ang braso ni Clyde. Nag-panic naman ang mga staffs.

"Sir! Sir, 'di pa po tapos ang photoshoot," sabi ng isang staff na may face towel na nakasampay sa kanan niyang balikat.

"Hindi mo ba naintindihan ang sinabi ko kanina?" mahinahon na wika ni Raziel habang nagbabaga ang mga mata niya kay Clyde.

Binitawan niya ang braso ni Clyde. Sobrang nakakatakot ang sitwasyon. Parang bubugbugin na ni Raziel si Clyde. Ano bang masamang ginawa niya?

"Sir, medyo okay na po 'yung mga shots... Uum, pe-pero ano... Kailangan pa nating ku-kumuha ng iba pa-para maraming pagpipilian," nanginginig na paliwanag ng isang babaeng staff.

"We should go," sabi sa akin ni Raziel sabay hatak sa kamay ko.

Napatayo naman ako. Ang lamig ng kamay niya at nanginginig ng kaunti. Mukhang galit na galit s'ya.

Love in AuctionWhere stories live. Discover now