CHAPTER TWO

415 20 12
                                    

Chapter Two:

Ang lalaking humila sa akin ay dinala ako sa stage at tinanggal ang mask ko. Kitang-kita ko ang lahat ng audience sa harap ko. Mukhang mayayaman silang lahat at ang karamihan ay mga lalaki.

"No! Hey, what are you doing?!" sigaw ko sa lalaking nagtanggal ng mask ko.

"Ms. Abigail Maguire is currently wearing, earings made of gold and diamonds which partners her necklace and ring, her dress is made out of silk and sewed by the most precious and famous fashion company, her shoes is also made by a popular fashion company in France," wika ng MC na todo-todo ang ngiti, "Their total estimated value is 200 million pesos!"

Ang tahimik ng audience ay biglang nagbago. Mukhang nag uusap-usap sila at mukhang natutuliro na rin sila. Ano bang binebenta nila? Ang mga suot-suot ko ba? If that's the case then it's okay! 'Wag lang nila akong ibenta tulad ng babae kanina.

"More about this filipina girl is that she was born and bred in America and only came here later in life," sabi pa ng MC.

Yup, tama siya sa mga sinabi niya. I was born and bred in America. Pero, paano niya ito nalaman? I mean, bakit niya pa kailangang sabihin ang mga bagay na iyon kung ang tanging ibebenta lang naman ay itong mga mamahaling jewelry na nakakabit sa katawan ko.

"She's fluent in Japanese, Filipino, English, and also French. Not only that, she's also a great painter. She's the total package!" sigaw ng MC.

I don't know where this is going but, I can't believe na ang dami ng nalalaman ng lalaking MC na ito tungkol sa akin. Mukhang magaling ata ang mga researchers nila.

"She also knows how to use a gun because of her training back in America," dagdag pa ng MC, "This is your chance to purchase a great package for a whole year!"

What the?! Purchase? Ako? Ipu-purchase nila? Gusto ba nilang masapak?

"What are you talking about? Hindi ako for sale!" pagmamalaban ko, "Ugh! Ang sakit!"

Sinubukan kong kumawala sa pagkakahawak ng isang men in black sa elbow ko pero sobrang lakas niya talaga at ako pa ang nasaktan dahil sa ginawa ko. Anong gagawin ko? Anong gagawin ko?! Isip Abigail, mag isip ka!

"Fifty million pesos," wika ng isang lalaki mula sa audience.

"One hundred million pesos!" sigaw ng isa.

What the hell?!

"Any other bidders?" tanong ng MC.

"Three hundred million pesos!" sigaw naman ng isang lalaki sa bandang dulo.

"Four hundred million!" sigaw naman ng isa pa.

"Five hundred million," sabi ng lalaki sa bandang harapan.

Tumahimik ang paligid. Fuck, am I already sold?!

"Eight hundred million pesos!" sigaw ng isang lalaki sa dulo.

Napuno ng bulungan ang buong hall. Tumigil na ang pagtaas ng bid and a wooden mallet bangs down a table.

"Woah! Eight hundred million pesos! Sold for Eight hundred million pesos!" sigaw ng MC na may pagkalawak-lawak na ngiti.

Napalunon na lang ako ng laway ko sa mga nangyayari. Possible bang nananaginip lang ako? Pwede ba iyon? Hindi totoo ang mga nangyayari 'di ba?

"No! Wait!" sigaw ng isang lalaki mula sa audience. Mukhang isa siya sa mga nagbi-bid sa akin kanina.

Dumating na ang ibang men in black at oo, ginawa din nila sa akin ang ginawa nila sa babae kanina.

"Let me go! Let me freakin' go!" sigaw ko sa kanila ngunit parang wala silang naririnig.

Love in AuctionWhere stories live. Discover now