CHAPTER ELEVEN

67 1 3
                                    

Chapter Eleven:

Hiyang-hiya talaga ako sa buong b'yahe namin ni Raziel papuntang airport. Sino ba naman kasi ang 'di mahihiya kung sila ang nasa kalagayan ko? Kaharap ko ang isa sa pinakasikat na model sa model industry, mayaman at gwapo tapos ay pagdating sa akin ganito ang itsura ko? Jusko, daig ko pa sigurado ang kasambahay nila. Hindi ako mapakali sa pag-upo ko, palingon-lingon ako sa labas, iniiwasan ko ang tingin niya dahil alam kong nakatingin lang siya sa akin.

"Ano? Okay ka lang?" tanong niya sa akin sa malumanay na tono.

Tiningnan ko siya ng masama, "Does it matter?"

Medyo nakita ko ang pagkainis sa kanyang mukha pero agad rin itong nawala, "No, but I couldn't get off the fact that you tried to get away."

Uh-oh, napalunon ako, "Eh ano naman? I want to get away from you!"

He crossed his legs and looked at me intently, "Really? If you really want to get away, you can go now."

He signaled his driver, biglang bumukas ang lock ng pinto. Kinabahan naman ako dahil ang bilis ng patakbo ni kuyang driver sa sasakyan. Raziel smirked. Ang lakas ng hangin na galing sa labas, halos makain ko na ang buhok ko! Tss, Raziel nakakainis ka talaga.

"You can go now," mahina niyang wika.

He's testing me, playing me again. I hate this man in front of me.

"How the hell can I go kung napakabilis ng takbo ng sasakyan?" tanong ko kay Raziel.

He shrugged, "I don't know, bahala kana doon."

Nagdabog ako ng kaunti. Hindi naman talaga ako makakababa e. Makababa man sigurado patay na ako.

"Hey, I'm giving you the chance to finally be free and live whatever life you wanted to have," nakangisi niyang sabi sa akin.

Napabuntong-hininga lamang ako at inirapan siya. Saksakan ng sama ng ugali talaga ang lalaking ito! Nakakagigil ang pagmumukha niya. Sa mga ganitong pagkakataon ko talaga nake-question ang pagkakaroon niya ng maraming fans. Kung nakikita lang ito ng mga fan girls sigurado matu-turn off sila! 'Yung mala-anghel niyang pagmumukha, napaka-demonyo naman pala ng ugali.

Napahinto s'ya sa ginagawa niya sa phone at tumingin sa akin, "What are you staring at?"

Agad akong napabaling ng tingin, "Wa...Wala!"

I felt his smirk. After a couple of minutes we arrived at the airport and boarded into some really high-class portion of the plane. Napa-wow ako under my breath. It's like the V.I.P section! Ang ganda! Pang-mayaman! Napahinto ako sa kung anu-anong iniisip ko ng hawakan ni Raziel ang braso ko.

"Mr. Wong, good afternoon."

Parang umakyat sa ulo ko ang lahat ng dugo ko ng makita ko ang isang matandang lalaki na mukhang karespe-respeto and to think na ganito ang itsura ko! Binati ni Raziel ang lalaki na si Mr. Wong, ako naman napa-bow. Nako, nakakahiya talaga ako at kasalanan itong lahat ni Raziel!

"Good afternoon, Raziel," nakangiting bati ni Mr. Wong sabay tingin sa akin, "and you too."

"Ah hehe, good afternoon po," mahina kong bati.

He smiled. He looks like a common Chinese man but his aura feels kind of intimidating. Lalo na at magkasama pa sila ni Raziel! Lalong nakakapang-liit. We went to our designated seats. Sa gilid ng bintana ako nakaupo at si Raziel naman sa tabi ko. What a surprise, tumabi s'ya sa akin! Tahimik lang ako na pinagmamasdan ang labas habang sila nagkekwentuhan na para bang matagal na nilang kilala ang isa't isa. From what I've heard kababata s'ya ng dad ni Raziel at business partners din. So, this is what it feels like to be born with a golden spoon! Golden talaga.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jan 17, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Love in AuctionWhere stories live. Discover now