Epilogue

371 8 0
                                    


EPILOGUE

Nung una tinatanong ko, sino ba talaga ako? Bakit ganun parang may kulang sa buhay ko? Ano ba talaga ang kahinaan ko? Ano ba talaga ang kinatatakutan ko? Ano ba talaga ang gusto ko? Ano ba ang ayaw ko?

May finding my fierce pa akong nalalaman eh. Wala naman akong napala, ay meron pala. Teka ano ba yung fierce? Hayst. Ma search ko nga yan kay Google!

Ayun lumabas nga..

Eh search niyo nalang hehe tinatamad ako magcopypaste eh.

Pero para sakin yung fierce na yan, ay kung paano makabangon sa nakaraan. Kung paano ko makikila ang sarili ko. Ano ba yung kulang sa pagkatao ko. Ano ba yung gusto kong mangyari sa buhay ko. Yung gusto kong e adventure yung sarili ko. Gusto kong maranasan ang hindi ko pa nagagawa. Yun ba yung ugali ng isang tao na lumalabas kapag sobra na siyang nasaktan? Opinion ko lang to. Don't judge me.

---

6 years later ~

"Mommy!" Lumingon ako sa tumawag sakin.

"Hi baby, kamusta ang school?" Agad kong tanong sa kanya.

"Okay naman po mommy, look oh. I have five stars dahil sabi ni teacher naperfect ko daw po yung test namin!"

Makikita mo talaga yung sigla sa mga mata niya.

"Wow. Very good naman ng baby ko. Hug mo nga si Mommy!"

Niyakap niya ako.

6 years na ang lumipas pero mahal ko parin siya. Walang nagbago dun.

Kamusta na kaya siya?

Simula nung umuwe ako dito sa probinsya, wala na akong balita sa kanya.

Dito ko narin pinagpatuloy yung pag-aaral ko hanggang sa nakapagtapos ako.

Maganda narin ang trabaho ko dito sa probinsya, isa akong editor ng mga dyaryo.

Simula nung break-up namin. Nagdesisyon akong umuwe ng probinsya, gusto kong mag move on. Sumang-ayon naman ang mga magulang ko sa plano ko. Dahil nakita nila king paano ako naging miserable sa pagiging broken hearted ko. Pero yun ang akala ko dahil hindi nagbago ang pagmamahal ko sa kanya.

"Mommy si Tito Araw na naman po ba ang iniisip mo?"

Ngumiti ako sa kanya.

"Yes anak!"

Hindi ko siya tunay na anak. Nakita ko si Flower Daisy sa isang flower shop dati. Sanggol palang siya nung matagpuan ko. Hindi na ako nagdalawang-isip na ampunin siya dahil wala naman naghanap sa kanya. Blessing sakin si Daisy dahil nung mawala sakin si Ivan siya ang pumalit sa buhay ko.

"I love you mommy. Pagpray ko po kay papa God na sana magkita na kayo ni tito Araw!"

"I love you too anak!" Niyakap ko ang anak ko.

"Ang drama naman nang mag-ina!" Agad kaming napalingon sa nagsalita.

"Tito Jay!" Agad tumakbo si Flower sa taong handang gawin ang lahat para samin ni Flower.

"Glow ang tagal mong dumating!" Sabi ko.

"Sorry, natraffic na naman eh!"

"Lame answer again bespren!"

Siya ang bestfriend ko si Glow Jay Havianes.

"Hahaha sorry na!"

"Ewan ko sayo!"

***

"Besty pupunta ako ng Manila!" Nagulat ako sa sinabi niya, kasalukuyan kaming nasa restaurant.

"Kelan ka aalis Tito Jay? Pasalubong ah!" Sabi naman nitong anak ko. Sa edad na anim na taon, napakabibo niyang bata.

"Gusto ko kayong isama na mag-ina bes." Dagdag niya pa.

"Sigurado ka bes?" Tanong ko.

Tumango siya. Sabagay gusto ko na rin makita yung pamilya ko.

"Okay besty!"

***

Nandito kami ngayon sa NAIA (Ninoy Aquino International Airport), it's been 6 years nung huling tapak ko dito.

"Sorry miss!" Nagulat nalang ako nang biglang may bumangga sa maleta ko. Pumunta si Flower sa restroom kasama si Glow.

"Okay lang po!" Sabi ko.

Nung makita ko kung sino ang bumangga ng maleta ko, siya nga. Hindi ako makakilos.

"I-ivan?" Tanong ko.

"Heart?" Hindi makapaniwalang tanong niya.

Shit. Siya nga! Ang taong pilit kong kinakalimutan pero minamahal ko parin.

"Mommy?"

_______________________________________

Kirarinskie note: Finally, tapos na. Hahaha kidding. Wait for the Author's note. Mwuaaaahh

Finding My Fierce (Season 1)Where stories live. Discover now