10

257 10 2
                                    


CHAPTER10

Lumipas ang mga araw at nagiging cold na sakin si Sun, hindi niya nerereplayan yung mga text ko sa kanya. Kung hindi pa ako ang unang magtext sa kanya hindi siya nagrereply. Kung hindi ko siya tinatawagan hindi niya sasagutin. Minsan hindi nya talagang sinasagot.

Ganito ba talaga ang isang relasyon? Masakit pala noh, yung parang baliwala ka lang sa kanya! Alam niyo ba yun? Minsan tinatamad na rin siyang sunduin ako. Keso daw gabi na daw masyado at opening pa siya kinabukasan. Eh dati nga kahit madaling araw na sinusundo niya parin ako eh.

Naninibago ako sa kanya. Minsan nga naiisip ko na pagsubok lang sakin to kung gaano ako katatag sa relasyong ito.

I trust him. I trust him very much. Sana h'wag niyang hayaang mawala yun.

Ilang days siyang hindi nagparamdam sakin, hindi ko sya matitiis at tinawagan ko siya!

Nandito ako ngayon sa bahay. Ako lang mag-isa. Si ate nasa trabaho niya, si bunso nasa school pa, si papa hindi ko alam kung saan pumunta, at si tatay gumala.

Ang tagal niya bago sagutin ang tawag ko!

"Love bakit?" Bungad niya ng masagot niya yung tawag ko.

"I miss you love." Sabi ko. I miss him so much.

"Namimiss na din kita! Saan ka ngayon?"

"Dito sa bahay, ikaw ba?"

"Wala kang klase? Dito ako sa school eh."

Oo nga pala nag-aaral din siya pero magkaiba kami ng school.

"Nope. Sportfest namin kaya tinamad na ako pumasok, gusto ko ding magpahinga eh! Kamusta kana love?" Tanong ko.

"Okay lang ako love, medyo busy lang. Kaya pasensya kana ah kung minsan nawawalan na ako ng oras sayo. Babawi nalang ako pag nakaluwag-luwag na ako."

"It's okay love. Namimiss na talaga kita eh at gustong-gusto na kitang makita! Love okay lang ba na magkita tayo mamaya? May sasabihin kase ako sayo eh!"

"Bakit di mo nalang sabihin dito sa tawag love, ano ba yun?" Bakit ba parang ayaw niya akong makita?

"Masyadong personal love! Okay lang ba?"

"Okay. Kita nalang tayo mamaya love. Text mo nalang ako. Sige na love dito na professor namin."

"Okay love! I love you!" Sabi ko.

"Loveyou too." Sagot niya sa kabilang linya.

Bakit walang "i" sa I love you nya? Bakit ba bigdeal sayo yan Heart?

I hang up my phone. What to do? I text him na mamaya sa mall nalang kami magkita. At kung anong oras. Pero hindi na siya nagreply.

***

Pumunta muna ako ng store para alamin kung anong oras ang duty ko bukas. Pero alam ko naman kung anong oras na!

"Hoy heart, may bulaklak si Kara at birthday niya ngayon. And guess who kung sino ang nagbigay? Debut niya kaya ngayon, at invited lahat ng ka crew natin! Kinikilig nga ako nung binigyan siya ni Sun Ivan ng bouquet of pastillas na rose! Siguro nililigawan niya yun. Sabagay sino ba namang hindi magagandahan sa kanya eh parang prinsesa na yun! Pero ang swerte ni Sun. Binigyan niya talaga ng pastillas si Kara ah!"

"Si Sun Ivan?" Tanong ko.

"Oo. Si Sun Ivan Feedingwheel. May problema ba dun Heart?"

Bullshit. All this time? Ano ba talaga ako sa kanya?

Kasi kung totoo yun. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko sa kanya.

Finding My Fierce (Season 1)Where stories live. Discover now