9

282 13 0
                                    


CHAPTER9

Mamayang gabi, pag-uwe ko. May surprise ako sa kanya. Susunduin nya daw ako mamaya pag out ko.

I am curious.

I want to feel being love by someone special.

What will happen after this?

Is he really love me?

Ang alam ko lang eh gusto kong ipagpatuloy ito. Masaya ako. At feeling ko ganun din yata siya. Feeling ko lang ah..

***

Namamadali akong mag-out sa trabaho. Kasi excited na ako. Kung pwede ko lang hawakan ang oras para mabilis ay kanina ko pa ginawa.

Nakita ko siyang nakaupo dun sa bench malapit sa store. Ehhh kinikilig ako. First time kase na may nagsusundo sakin.

"Let's go?" Pagyaya ko sa kanya nang makalapit na ako sa kinaroroonan niya.

He nodded.

"May sasabihin nga pala ako!" Kinakabahan ako. Siguro dahil gusto ko ng i burst out ito.

"Ano yun?" He asked me with his confusing look. Agh. I sigh deeply.

"Sinasagot na kita!" Sabi ko.

Ni hindi manlang siya nagulat nung sabihin ko yun.

"Salamat." Yun lang? Salamat? Putangina naman oh. Masyado ko bang ini-expect na magiging masaya siya. Siguro iniisip nito na easy to get lang ako. Damn. Ni hindi nya manlang ako niyakap. Yung totoo, ano ba talaga ako sa kanya?

"Salamat talaga." At hinawakan niya lang ang kamay ko. Nako Heart hindi pang teleserye ang buhay mo.

Tumango nalang ako. Kumain muna kame sa Mcdo kase 24 hours naman silang open eh.

"Hmmm. Araw may problema ka ba?" Tanong ko. Parang tulala eh, kanina pa malalim ang iniisip. Yan yung ayaw ko sa kanya, yung wala sakin ang atensyon nya. Pilit ko nalang inintindi sya. Siguro ganito lang talaga kapag sa una palang yung relasyon niyo.

"Wala naman!" He said it with cold expression.

Tama ba ang desisyon ko? Tama ba na sinagot ko siya. Kase alam kong gusto nya ng taong handang makinig sa kanya. At handa ako dun! At handa pa akong kilalanin sya ng mabuti.

Alam niyo ba kung bakit ko siya sinagot? Dahil ayokong mawala siya, naaawa kase ako sa kanya eh. Kailangan niya ng isang tao na handang suportahan at gumabay sa kanya. Hindi ko rin naman pinatagal yung panliligaw niya kase dun din naman papunta yun. Sasagutin ko din siya, atleast ngayon may karapatan na ako kase girlfriend na nya ako.

"Ahh oo nga pala, closing din ako bukas!" Nagulat ako sa sinabi nya. For the first time ko lang sya makakaduty bukas kase regular opening siya eh.

"Talaga?"

Tumango siya.

"Nice, makakaduty din kita sa wakas!" Sabi ko.

"Oo nga eh, nga pala okay lang ba wag tayong magpahalata sa trabaho na tayo na? Ayoko kase ng may nakakaalam sa store! Baka ibubully ka nila o ako." Direstong sabi niya. Sabagay may point siya.

"No problem!" Sabi ko.

Finding My Fierce (Season 1)Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ