1

1.1K 20 0
                                    

Kirarinskie note: Dahil si Heart ang bida dito, I decided using only one point of view. Ang sasalita dito lagi ay si Heart.

CHAPTER1

"Di ba pinagsabihan na kita Carlyn, na huwag kang mag boboyfriend hangga't hindi ka pa tapos sa pag-aaral mo. Graduate ka na nga ngayon pero di mo tinupad ang pangako mo samin, nagboyfriend ka ng hindi ka pa graduate. Ano ba talagang gusto mong bata ka? Mag-aasawa kana ba ngayon? Sige bahala kana sa buhay mo, total nasa tamang edad kana. Nararamdaman na na namin na baliwala lang kami sayong bata ka!"

As usual, pagkarating ko ng bahay sermon na naman.

Ganyan nalang yung sistema dito tuwing pagdating ko galing school.

Naawa ako sa ate ko.

Gusto kong pigilan si papa sa kakasermon nya. Pero useless lang din.

Lagi nalang ganito.

Nakakasawa na.

Minsan naiisip ko ng magrebelde, pero di ko kaya kahit anong gawin ko.

Speaking of papa, gusto niya perpekto kaming mga anak nya. Yung hindi dapat magkamali. Pinaparamdam niyang hawak nya ang buhay naming magkakapatid.

Alam niyo ba yun?

Nakakasakal kaya.

Wala kaming freedom.

Naiingit nga ako sa ibang mga teenegers kase sila nagagawa nila ang gusto nila. Bukod pa don sinusuportahan pa sila ng parents nila.

Di ko naman sya masisi kung ganyan talaga sya from the start.

Oo mahal nya kami pero iba ang way nya ng pagpapakita samin ng pagmamahal.

Alangan namang mamunga nang santol ang mangga.

Syempre kung ano ang puno, yun din ang bunga.

Paano ko nasabi?

Nakwento sakin ng lolo ko yung nangyari sa kanila ni mama.

Yung mga parents ko daw maagang nag-asawa. Si mama, 15 years old palang daw siya nung nabuntis siya ni papa. And that is my eldest sister, si ate Carlyn Alea Wishingford. Hindi din alam ni lolo kung saang puno ng saging nila ginawa si ate. Then si papa naman is 17 years old at that time. Ayon kay lolo, syempre mataas ang pangarap niya sa mama ko pero nawala nalang daw na parang bula. Gusto ngang mag-aral ni mama nun pero di sya pinayagan ni papa baka daw kase maiwanan siya. Pride nga naman oh.

Eh si ate nga duh 22 years old na sya ngayon. Nasa tamang edad na siya kumbaga. Alam nya na yung tama sa mali.

Hay makaakyat na nga lang ng kwarto.

***

"Papa pahingi po ng allowance?" Sabi ko kay papa nung makababa na ako. Nakita ko siyang naninigarilyo.

Wala si mama dito sa bahay kase stay-in sya sa trabaho niya.

Lumaki ako sa lolo ko. Sa tatay ng mama ko.

Actually kaming magkakapatid. Si lolo at lola na yung nagpalaki samin.

Lolo's girl ako.

Namatay na yung lola ko, I was grade 5 student back then.

Mahal ko ang lolo ko higit pa sa buhay ko. Mawala na lahat ng lalaki sa mundo pero huwag lang lolo ko.

Bukod kela mama at papa pati mga kapatid ko.

Si lolo ang pinakamahalagang tao sa buhay ko.

Sya yung nakakita kung paano kami lumaki sa puder niya.

Life cycle. Mula pagkabata hanggang ngayon kasama namin sya dito sa Manila.

Pero 13 years of my life eh sa province ako lumaki.

Nandyan si lolo pag down ako, sya yung nagcocomfort sakin.

Kaya hindi niyo ako masisisi kung ganun nalang yung pagmamahal na nararamdaman ko sa kanya.

"Ito 100 pesos, magtipid ka namang bata ka. Hindi tayo mayaman para magfeeling mayaman ka jan. Mag baon ka ng kanin at ulam para tipid." Mahabang ebanghelyo niya.

Kung tutuusin ayoko ng humingi ng pera sa kanya para maiwasan ko yung pagbububunganga nya. Kaso wala naman akong pera kaya eto napipilitan nalang ako.

"Opo papa! Salamat po." Sagot ko.

"Umuwi ka ng maaga mamaya pagkatapos ng klase niyo, subukan mo lang magbulakbol. Alam mo na ang mangyayari kapag ako nagagalit."

I nodded as an answer.

Hay Heart Anne Wishingford. Tiis ganda muna.

Half-malaysian si papa kaya siguro ganyan ugali niyan.

---

Finding My Fierce (Season 1)Where stories live. Discover now