32

218 11 0
                                    


CHAPTER32

Nandito ako ngayon sa bench malapit sa trabaho, hinihintay siya. Ayokong lumapit sa store kase for sure bubulihin kami, at ayokong mangyari yun. I want to protect her.

Nang makalapit siya dito sakin ay agad kong napansin sa kanya na parang hindi siya mapakali.

"May sasabihin nga pala ako!"

Huh?
Shit. Kinakabahan ako.

"Ano yun?" I asked her.

"Sinasagot na kita!"

Ano daw?
Sinasagot niya ako? May tanong ba ako?

Teka, ibig sabihin kami na. Boyfriend na niya ako at girlfriend ko na siya.

Damn!

"Salamat!" Sabi ko at hinawakan ko ang kamay niya.

Gusto kong yakapin at halikan siya pero dahan-dahan moves muna.

Shit. Ang saya!

Finally, naging akin na din si Heart.

***

Lumipas ang mga araw simula nung maging kami ni Heart, ay nawawalan na ako ng oras sa kanya. Dahil sa lintik na thesis na to.

Malapit na ang birthday ni Kara, at alam niyang girlfriend ko na si Heart.

Susmaryosep!

Kinikilig ang shokoy, parang siya yung sinagot eh noh! Hayaan niyo na siraulo eh.

Nandito ako ngayon sa mall para bumili ng regalo para kay Kara, ano ba hilig nun?

Ang nabili ko ay yung bouquet of pastillas roses. Mahilig kase sa matamis yun kaya, ayun mukhang shokoy. Hehe mahal ko parin bespren ko.

Papunta akong store para ibigay sa debut celebrant ang regalo ko. Mid duty kase siya.

***

Today is Valentines day, kamusta na kaya siya? Damn. Nakalimutan kong magpakita sa kanya nung birthday ni Kara. Hindi narin ako nakaparamdam sa kanya dahil yung thesis ko hindi parin tapos at sumasakit na ulo ko.

Naiisip ko na eh challenge ko si Heart kung talagang mahal niya ako.

Miss na miss ko na ang love ko.

Papasok ako ng trabaho nang magkasabay kami ni Kara sa daan.

"Bhestyyyyyy thank you sa bulaklak. Hihi. Buti pa ikaw nagbigay sakin pero yung Marvin Ross Bonifacio hindi manlang, umaasa pa naman ako na bibigyan ako ng regalo nung birthday ko. Baka siguro ngayong araw niya ibigay."

Pambihira talaga tong babaeng to. Patay na patay kay Marvin.
Tsk!

"Asa kang shokoy ka. Eh may girlfriend na yun di ba? Uso mag move on day!"

"Aray ko naman bhesty. Realtalk ba yan? Palibhasa bitter ka no? Hayaan mo sabihin ko kay Heart na tuluyan ka na niyang hiwalayan whahahahaha tapos gagawin ko ang lahat para maghiwalay ang mahal ko at ang malanding tikbalang niyang gurprend."

Nasisiraan na po ng ulo ang kaibigan ko.

Pagkapasok namin ng crewroom ay tumahimik na sa wakas ang bunganga nitong shokoy. Ipatapon ko na nga yan sa mga kalahi niyang sea horse sa dagat eh.

"Hi!" Bati ni Kara sa likod ko.

Agad kong tinignan kung sino ang tiningnan niya.

Anak ng nanay ni shokoy.

Si Heart.

Damn! I miss you love. Ilang weeks kaming hindi nagkita dahil sa thesis ko. Miss na miss na kita pangga.

"Hello!" Pagkasabi niya nun ay ngumiti siya.

God! I miss her so much.

Finding My Fierce (Season 1)Where stories live. Discover now