39

216 8 0
                                    

CHAPTER39

Heart Anne Wishingford point of view

Lahat naman tayo may kanya-kanyang opinion di ba?

Siguro tama sila, dumarating talaga ang pagkakataon para subukin ang katatagan ng relasyon namin ni Ivan.

10 months na kami pero hindi parin ako makapaniwala na naging kami.

Mahal ko ang boyfriend ko higit pa sa buhay ko. Na handa kong gawin ang lahat para sa kanya.

"Hi love!"

"Yo love!"

Nandito ako ngayon sa trabaho niya. Gusto ko lang siyang makita. Matagal narin kaming hindi nagkita eh. Since wala naman akong pasok sa school dahil busy ang mga prof para sa computing of grades.

Malapit na ang birthday nya pero wala akong maisip na iregalo sa kanya. Bahala na nga!

"Let's go?"

I nodded.

"San ba tayo pupunta?" I ask him.

"It's for you to find out!"

"Pinagloloko mo ba ako Sun Ivan?"

"Tsk."

Ano ba naman yan!

***

Akala ko kung saan kami pupunta dito lang pala sa mall. Tsk. Paasa! So, basically kumain at gumala lang. Pero okay lang yun atleast kasama ko ang taong mahal ko.

"Salamat sa paghatid love!" Nandito kami ngayon sa terminal ng jeep, hinatid niya ako.

"Wala yun love! Ingat ka. Text me when you already got home!" He kissed at my forehead.

***

Fuckshit. Bakit ganun hindi na bago sakin ang panlalamig niya pero bakit?

Lagi nalang ba ganito?

Pagod na pagod na kase ako eh.

Paulit-ulit nalang.

Tinignan ko ng maigi yung picture na profile niya sa facebook.

Ang sakit. Kaya pala parang these past few days mas lalo siyang nailang sakin.

-Flashback-

Birthday ni Sun ngayon. Gusto ko siyang isurprise mamaya sa trabaho niya.

But first, I call him as I wake up. Gusto ko kase ako ang unang bumati sa kanya!

Nakailang tawag na rin ako bago niya sinagot ang tawag ko.

"Love happy birthday!" Masiglang bati ko.

"Salamat!"

"I miss you!"

"Miss you too."

"Ivan sino na naman yang kausap mo? Dami mo talagang chicks tol." Narinig kong sabi sa kabilang linya.

"Ahhh love, mag-in na ako sa trabaho ko ah! Bye!"

"Lov-" But he already hang up the phone.

-End of flashbacks-

Yung hindi ko maiwasang manghinala. Alam kong minsan nalang kami mag-usap pero parang tinitake advantage niya yun eh. Masyado lang kase akong busy sa baby thesis ko dahil 1 week lang yung palugit nito samin. Tapos individual pa. Tapos major subject ko pa na Broadcasting of principles and practices.

Almost one month na kaming hindi nagkita, dahil gustong gusto ko na talaga siyang makausap. Dahil nag aaway na naman sila mama at papa tungkol kay ate. Hindi kase matanggap ni papa na mag-aasawa na yung kapatid ko.

-Flashbacks-

Nakailang tawag na ako sa cellphone niya pero hindi niya sinasagot, minsan network busy at kadalasan pinapatayan pa ako.

"Love mamaya kana tumawag, nagpapractice kami ng sayaw para sa christmas party."

"Ahh ganun ba? Sorry sa pa-iistorbo ko. Namimiss na kase kita eh. I love y-" Pinatayan ako ng phone.

-End of flashbacks-

Gusto ko siyang puntahan sa trabaho niya pero hindi ako pinapayagan lumabas ng bahay dahil sembreak na.

Pero ito? Profile picture niya ang katrabaho niya at siya na halos mahalikan na ni Sun yung pisngi ng babae.

Ang sakit na.

Hindi yan si Kara or si Kaye. Dahil nakita ko na in person si Kaye.

Sino siya?

Binasa ko yung mga comment sa picture, mga katrabaho niya ang karamihan sa nagcomment. Pero yung isang babae ang nagcomment.

Damn!

Shit.

Ang sakit na talaga.

Finding My Fierce (Season 1)Where stories live. Discover now