22

220 10 0
                                    


CHAPTER22

Nitong mga nakaraang araw, nawawalan na talaga kami ni Sun ng oras sa isa't-isa. Isa na sa reason ay magkaiba kami ng school at work na pinapasukan.

Minsan naiisip ko nalang na sumuko na pero wala namang dahilan kung hintayin ko ang tamang panahon para saming dalawa. Mahal ko eh. Lahat magagawa ko para lang tumagal ang relasyon namin.

Kung dati regular closing ako sa dati kong trabaho ngayon naman ay regular opening ako. Mabait din ang manager na naghahandle sakin. Afternoon class na kasi ako ngayon kaya opening lang yung fit sa schedule ko.

Sobrang namimiss ko na si Sun. Oo nga pala nagtext siya sakin na susunduin niya ako mamaya pagkatapos ng klase ko.

5 months na kami ni Sun pero hindi parin alam ng pamilya ko ang tungkol sa kanya.

Ayokong umamin. Ayokong maghiwalay kami ni Sun hindi ko kaya. Kase alam ko na ang magiging kahihinatnan kapag sinabi ko sa kanila.

***

"Love!" Kumaway siya nung makita niya ako na kakalabas lang ng campus.

"I miss you. Tagal din nating di nagkita ah!" I want to hug him but we're at the public place for pete sake, I don't want to do it because I know he would get mad if I do that.

"Kaya nga eh. Namiss kita puso!"

I smiled at him. God how I miss him so much.

Naglalakad kami ng magkahawak kamay.

"Kamusta bagong trabaho love?" I open a topic.

"Okay naman love, mababait naman mga bagong ka-trabaho ko. Eh ikaw ba?"

"Honestly love, hindi ko alam. Medyo okay naman ang ibang crew sakin. Mababait sila pero yung regular crew namin, lagi ako yung pinag-iinitan ng ulo. Nakakainis nga eh, gusto ko na mag closing ng sched para maiwasan ko siya!"

"Dapat kase love, pakisamahan mo lang sila ng maayos. Hayaan mo makaka adjust ka rin jan! Trust me!" He cheer me up.

"Madali lang sabihin love pero mahirap gawin lalo na kung napipilitan ka lang. Gusto kong magkusang loob. Kilala mo ako love. If I don't then I can't." Sabi ko, pakiramdam ko tuloy pinapagalitan niya ako.

"If you say so!"

He're we go again. Minsan nga lang kami nagkikita eh mag-aaway pa ba kami.

"Don't pout love!" Sabi niya.

"Huh?"

"Don't pout if I don't want to kiss you right here!"

Waaaaaaaa. Kissing monster po yung boyfriend ko.

"Tse!" Binitawan ko yung kamay niya at inunahan ko siyang maglakad.

---
Kirarinskie note: Thank you guys for reading this story. I greatly appreciated that. Feedbacks please! Hehe xoxo ~

Finding My Fierce (Season 1)Where stories live. Discover now