17

270 11 0
                                    


CHAPTER17

Kakatapos lang klase ko last subject. Hinihintay na nga ako ni Araw sa labas ng gate eh. Kanina pa daw siya dun. Excited ba siyang makita ako? Err.

"Hi love!" Bati niya sakin nung makita niya akong kakalabas lang ng gate ng school.

"Hello!" I smiled at him. Inakbayan niya ako. Ang hilig din nitong mang-akbay eh.

"Happy monthsary!" Biglang sabi nya. Ehh! Bakit kinikilig ako?

"Happy monthsary din!"

Habang naglalakad kami. Hindi parin ako makapaniwala na sinundo niya ako ngayon.

"So san tayo first?" Tanong niya.

"Kung saan tayo dalhin ng mga paa natin!" Sagot ko.

I heard his giggled. Seriously?

Nandito kami ngayon sa mall. Kumain muna kami sa KFC. KKB kami which is Kanya-kanyang-bayad. Ayokong magpalibre sa kanya. May pera naman ako noh. Ayaw nga nyang tanggapin sana kaso sabi ko pag hindi niya tinanggap aalis ako dito at uuwe nalang kaya ayun pumayag na!

After that napagdesisyunan na rin namin na sa boarding house niya nalang kami tumambay. Wala narin naman kaming pupuntahan eh at tsaka okay na rin yun para bawas gastos na din. Buti nga eh magkaparehas pala kami na restday sa trabaho ngayon.

"Okay lang ba talaga sayo na sa bahay nalang tayo love? Pwede naman tayo pumunta kahit saan love eh!" He asked.

"Bakit ayaw mo bang pumupunta ako sa bahay mo love?"

"Hindi naman yun yung ibig kong sabihin love. I mean gusto kitang makasama noh!"

"Ahh ganun ba! Kaya ko lang naman gustong pumunta sa bahay mo para ipagluto kita! At makapagpahinga naman tayo kahit papano!"

"Okay okay love. Sige na. Tara na! Siguraduhin mo lang na hindi masusunog ang bahay ko ah!" Hinampas ko nga siya. Baliw eh. Marunong naman akong magluto noh.

"Tsk. Bahala ka nga, ang sama mo sakin!" Tinanggal ko yung kamay niya na naka akbay sakin at naunang maglakad sa kanya.

"May menstraksyon ka love? Bakit ang sungit mo sakin?" Hanudaw? Anong menstraksyon?

Hahahahaha!

"Anong menstraksyon?" Hindi ko mapigilang hindi matawa.

"Yung red tide sa mga babae. Ang bilis ng mood swing mo love at nakakabeast mode kaya, iniisip ko may menstraksyon ka tuloy!"

"HAHAHAHAHAHAHAHAHA" Hindi ko na talaga kaya at humahalaklak ako.

"May mali ba sa sinabi ko, bakit ka natatawa jan love?"

"Menstration yun, hindi menstraksyon hahahaha" Tengene. Hopia ako dun ah.

Napakamot tuloy siya ng ulo niya.

Spell menstraksyon nga guys? Hahaha.

Hindi ko namalayan nandito na pala kami sa harap ng boarding house na inuupahan niya. Sorry nadala lang sa menstraksyon hahahaha

Bago kami pumasok, pinabili ko muna siya ng napkin este ng lulutuin ko para sa dinner mamaya.

"Anong gusto mong bilhin ko love?" Tanong niya sakin dito kami sa harap ng tindihan na katabi lang netong boarding house niya.

"Napkin!" Sabi ko. Ang epic ng expression niya.

"Halikan kita jan pag di ka pa tumigil love. Swear!" Halata namang naiinis na siya eh. Hahaha! Sabi ko nga tatahimik na ako. Lintik na menstraksyon kase yan eh..

Finding My Fierce (Season 1)Where stories live. Discover now