13

244 11 0
                                    


CHAPTER13

Natapos yung Valentines pero still nalalamig parin siya sakin. Ganun din ako sa kanya! Ayoko ng kulitin siya.

Nagfacebook muna ako dito sa phone ko, gamit ang data connection. Tengene. Ang galing, status niya agad ang bumungad sa newsfeed ko.

Mahal kita pero?
Like • Comment • Share

Edi wow. I press the button of like. Likers nya ako eh. Huhu!

Gusto kong magcomment ng *babaero ka, dami pong alam. Edi wow.* kaso wag na may bait pa naman ako kahit papano.

May 1 unread message ako kaya binuksan ko. Tama ba to?

Siya talaga ang nagchat sakin? Aba himala ah.

Sun Ivan Feedingwheel: hi.

Tongono. Parang di nya girlfriend kausap niya ah..

Heart Anne Wishingford: hello.

Sun Ivan Feedingwheel: pwede ba tayo magkita mamaya? Hintayin kita. Punta ka dito sa boarding house ko. Please. Sana dumating ka love. I love you. Namimiss na din kita sobra.

Heary Anne Wishingford: k.

Bakit biglang naglaho ang lahat ng inis at galit ko sa kanya. First time kong makitang nag I love you siya sakin ng buo. Sus. Di ka mahal niyan Heart, magpapauto na naman ba ako? Damn.

Sun Ivan Feedingwheel: talaga? Sige hintayin kita.

Heart Anne Wishingford: may tikoy dito sa bahay. Gusto mo ba?

Sun Ivan Feedingwheel: oo naman love. Salamat!

***

Papunta na ako sa boarding house nya. Naku pag ito nalaman ni papa na pumupunta ako sa bahay nya. Siguradong kakalbuhin ako nun. Hindi nya kase alam na may boyfriend ako. Lahat sila walang alam na may boyfriend ako. Ayoko din ipapakilala sa kanila si Araw dahil hindi pa ako sigurado sa kanya.

Nang makarating ako sa boarding house niya. Ay nakita ko siyang nakaupo malapit sa gate. Siya lang naman mag-isa dito.

"Hi!" Bati ko sa kanya.

"Buti nakarating ka, pasok ka!" Pumasok na kami sa loob mismo ng bahay na inuupahan niya. First time kong pumasok dito.

"Oh para sayo!" Inabot ko sa kanya yung dala kong tupperware na may lamang tikoy.

"Salamat!" Tumango ako.

"Bakit mo nga pala ako pinapunta dito?" I asked him. Yun naman talaga ang purpose ng pagpunta ko dito eh.

"Gusto lang kita makita love!" Ahhh pakyu ka parin. Akala ko magsosorry kana.

"Ganun ba? Nga pala, kamusta ka?" Tanong ko sa kanya!

"Eto okay lang."

"Kayo ni Kara kamusta?" Ayoko nang magpaligoy-ligoy pa. Curious ako eh!

Hindi niya talaga ako sinagot. Damn you.

"Ahh okay naman!" Bullshitpacking tape.

"Nga pala, naalala mo nung Valentines day, nakita ko kayo ni Kara na magkasabay pumasok ng store." Sabi ko. I saw his expression, wala akong mabasa.

"Binigyan mo rin pala siya ng pastillas na bulaklak nung debut niya. Ang sweet mo naman."

Gotcha! Nagulat siya sa sinabi ko.

"Pa-paa-no mo nalaman yun?" Nauutal niyang tanong. Pakyu ka! Kung gagawa ka ng kagaguhan siguraduhin mo lang na hindi kita mahuli.

"I have my source!" Diretsong sagot ko.

"Ang sakit alam mo ba yun? Ginawa mo akong tanga Ivan. Pinagmukha mo akong tanga!" Gusto kong ilabas lahat galit ko sa kanya. Gusto ko siyang sampalin.

Hindi siya sumagot sa sinabi ko.

"Ano ba talaga ako sayo ha? Kaya pala ayaw mong may malaman ang mga katrabaho natin dahil kinakahiya mo ako? Bakit ako? Nananahimik ang buhay ko pero dumating ka lahat nagbago na. Mahal mo ba talaga ako o laruan lang? Sagutin mo akong gago ka! Ang sakit. Mahal kita pero hindi pala sapat lang ang pagmamahal sa isang relasyon. Binigay ko lahat ng tiwala ko sayo pero sinira mo. Yung totoo girlfriend mo ba talaga ako o girlfriend mo lang ako pag malungkot ka. Naalala mo lang ako kapag walang Kara! Ang saya noh? Bakit ako pa kase ang pinili mo? Tandaan mo babae ako hindi laruan Ivan."

"Sorry!"

"SORRY? OKAY YOU WON! TANDAAN MO KARMAHIN KA DIN. PERO ETO ANG SABIHIN KO SAYO! YUNG GINAWA MO SAKIN AY BABALIK DIN SAYO!"

Ang sakit. Bakit sorry lang? Hindi ko na kaya, umalis na ako sa boarding house niya.

Finding My Fierce (Season 1)Where stories live. Discover now