8

348 12 2
                                    


CHAPTER8

Sa mga nakalipas na araw, hindi ko na inintindi ang sinabi ni Araw na manligaw daw siya. Duh!? Pero umasa ako. Lintik na yan. Akala ko kase totoo eh, pero false alarm lang pala. Nagkakatext kami minsan and I'm greatly enjoying his company. Medyo naiinis lang ako kase wala siyang isang salita. Alam nyo yun? Nakakabadtrip kaya!

Wala nang thrill ang buhay ko. Sabi niya liligawan niya ako pero binawi niya rin naman, hindi daw sya sigurado. Bwisit na lalaking yun, medyo nadismaya ako at umasa ako. Isa talaga akong tanga dahil naniwala ako kanya.

Tapos kaninang madaling araw sinundo ako ng hayop, manliligaw daw ulit siya. Kung pwede ko lang tadyakan, tinadyakan ko na. Syempre dahil mabait ako at may konsensya ako, hindi ko nalang ginawa. Eh binigyan ako ng ponkan na orange, ayun parang di ko natiis ang tao at biglang naglaho ang inis ko sa kanya. Pero pag eto binawi na naman niya ang panliligaw thingy na yan, ipapatapon ko na talaga to sa outerspace kasama mga kalahi niyang alien.

At pursigido nga ang kumag dahil sinusundo ako kapag out ko na sa trabaho. Kinakabahan nga ako eh baka makita to ni papa. Pero dapat positive tayo noh!

Minsan kapag restday ko sa work, humahabol ako sa practice ng teatro sa school. Ganun na rin gumagabi na rin ako ng uwe.

Sige nga, may tanong ako?

Paano kung yung yung manliligaw mo naghintay sayo sa labas ng gate ng 5 hours straight? Anong iisipin mo?

Kase ganito yun, nung isang araw may practice kami ng teatro dahil may magaganap na event sa school at magpeperform kami. Kailangan namin ng extrang oras dahil kinulang kami. Dapat 5 lang ng hapon ang uwian ng teatro, pero naging 10 ng gabi ang nangyari. Saka ko lang naalala na susunduin pala ako ni Ivan, dahil pahinga niya sa trabaho at ganun din ako napagkasunduan namin na sunduin nya ako. At ayun hindi nga ako nagkamali kase paglabas ko ng gate ng school nandun parin siya naghihintay. Medyo naawa ako syempre!

Medyo pasado na sakin yung panliligaw thingy niya. Mababaw kaligayahan ko eh!

Damn! Hindi ko siya mahal at hindi ko rin sya gusto. Pero masaya ako kapag kasama ko siya! Basta, ang gulo. Hehehe!

Alam mo rin ba yung feeling na ikaw nga yung kasama pero wala naman yung atensyon sayo? Sakit dre. Ganyan nararamdaman ko kapag magkasama kami. Eh kase ako putak ako ng putak siya nagcecellphone lang. Sarap ibalibag. Nakakainis!

Minsan nagdadalawang isip ako kung ano yung totoo, kung nanliligaw ba talaga siya o laruan lang ako sa kanya.

Nandun na eh, nandun na sa part na kaya kong maging kapatid, nanay at girlfriend niya. Pero nanlamig siya sakin. Nalaman ko na nag-iisa nalang pala sya sa buhay niya. I mean independent person na siya. Kaya ayun humanga na naman ko sa kanya.

Pambihirang life naman to oh.

Finding My Fierce (Season 1)Where stories live. Discover now