3

529 16 0
                                    


CHAPTER3

"Sir, pahingi po ako ng registration form para dun po sa scholarship para sa may mga financial problem!?" Nandito ako ngayon sa admission.

After kong mag fill up. Pinasa ko agad para sila na daw magpasa ng biodata ko sa store na ipapasok nila.

Sana lord.

Makalipas ang dalawang araw may natanggap akong text galing sa store na mag conduct ng interview sakin. Pinapapunta ako para sa screening interview.

-Flashback-

After namin mag usap ni mama. Kinausap ko si papa, syempre nandyan si mama para suportahan ako.

"Pa mag working student po ako next semester, ayoko pong magstop sa pag-aaral. May scholarship po kaseng ino-offer ang school para sa mga may financial problem. Sabi po kase ni mama na hindi nya daw po makakaya na pag-aralin ako. Besides po may 20 percent discount rin po yun sa tuition fee ko" Sabi ko.

"Baka alibi mo lang yan, para magawa mo yung mga gusto mo. Naku Heart Anne! Bahala ka. Basta huwag ka lang magpapahuli sakin pag may tinatago ka!"

Ganyan na talaga si papa since nagbulakbol si ate sa pag-aaral eh dinadamay ako sa walang tiwala nya.

-Flashback end-

On the way na ako ngayon sa mall kung saan nandun yung store na sinasabi ng coordinator ng admission ng school.

Sa fast food chain!

***
Natapos ang screening interview at initial interview. And guess what? Nakapasa ako.

First job ko na 'ito.

Nakakatuwa!

May binigay sakin yung manager ng fast food na list ng requirements na kailangan kong ipasa within 1 week.

***
Mabilis lumipas ang mga araw at ngayong araw ay magsisimula na akong magtrabaho.

From 10 in the morning to 5 in the afternoon ay nasa school ako. Then pang gabi ang duty ko since yun ang schedule na binigay sakin ng manager ko.

So bali regular closing ako.

Kapag weekdays, 6 in the evening until 12 midnight. Yan yung schedule ko. Tapos kapag weekends naman, from 3 in the afternoon to 12 midnight ang duty ko. Since fast food ang pinasukan ko, nangangapa pa ako sa simula.

Naniwala ba kayo kung sabihin ko sa inyo na na-short ako ng 700+ sa unang araw ko bilang crew. Tapos na ako sa PHA (Pre-hiring). Cashier ang station ko.

Sabi nga nang mga kapwa ko cashier sakin, hindi daw ako cashier kung hindi ako na-soshort sa pera.

Umiyak ako. Syempre 700 pesos din yun. Ilang araw kong allowance yun kung tutuusin.

Minsan mainit ang ulo sakin ng manager kong lalaki. Palibhasa mapapel, nagpapasikat sa restaurant manager ng store.

Tsk.

I pity him.

Ang hirap maging working student. Yung tipong hindi ko na nagagawa yung ibang homeworks ko dahil sa trabaho ko.

Time management nga daw!
Pero di ko kaya, kaya naiisip ko pagsubok lang ito.

Masaya sa pakiramdam. Alam mo ba na bukod sa nakakatulong ako sa sarili ko eh ako pa yung nagpapaaral sa bunsong kapatid ko. Hindi sa pagmamayabang pero ang sarap sa feeling.

Nabibili ko na rin ang gusto kong bilhin dahil sa sahod ko.

Ganito pala yung feeling?

Masaya, kase kahit mahirap pagsabayin ang pag-aaral at trabaho. Eh nagagawa ko.

---

Finding My Fierce (Season 1)Where stories live. Discover now