Chapter Twenty seven

147K 4.5K 931
                                    


27: Giving up
-

Hindi na kami magtatagal pa rito sa hospital kaya hinantay ko lang ang pagdating ni Ayesha bago bumalik sa academy. Okay naman na ako at sa braso lang naman ang tama ng bala kay Thunder kaya oa naman kung mag i-stay pa kami rito ng dalawang araw gaya ng gusto niya.

“Monday na tayo bumalik.” pagpupumilit ni Thunder habang nandito siya sa kwarto kung saan ako naka-admit. Mabuti na lang at hindi kami nagkasakit ng maulanan kami kahapon, nakapagpalit kasi kami agad ng damit dahil may dala palang extra si Tymee.

“Bakit monday pa kung pwede naman ngayon? Tsaka, inaayos na ni Jasper yung bill natin.”

“Tss. Oo nga pala. Bukas na yung kasal ni Jiro. ‘Di ba katapusan na ng buwan bukas?” Tanong niya at napaisip ako bigla.

Kamusta na kaya siya? Bigla na lang kasi siyang umuwi kahapon. Hindi ko tuloy maiwasang mapabuntong hininga.. Lumapit ako sa bintana at doon nagpahangin.

“Iniisip mo ba siya?” Naramdaman ko ang pagyakap sa akin ni Thunder mula sa likuran. Hinawakan ko naman ang mga kamay niya para alisin sa pagkakayap sa akin dahil gusto kong humarap sa kanya, ayokong mag-isip siya ng kung ano.

“Hindi ko maiwasan. Hindi naman siguro langad sa kaalaman mo na kahit papaano ay may nararamdaman siya para sa’kin ‘di ba?” Tanong ko at ngumiti lang si Thunder. Ngiting nagsasabi na magiging okay din ang lahat.. Na lilipas din ‘yon at mawawala.

“Kilala ko si Jiro. Hihinto ‘yon pag alam niyang talo na siya.” kinurot niya ang mga pisngi ko at nakipag nose to nose.

“Nakakaumay.” reklamo ni Jasper nang pumasok siya ng kwarto. Mukha naman siyang nagbibiro dahil nakakatawa ang itsura niya.

“Bakit ba ang bitter mo? Wala ka lang lovelife, eh.” pangaasar pa ni Thunder sa kanya. Naalala ko tuloy iyong nakita kong picture sa phone ni Jasper. Siguro kaya siya meron noon ay dahil gusto niya akong ipakulam. He really hates me, I guess.

“Beeeeeeb.” tawag ni Ayesha nang dumating siya. Natawa pa ako nang bigla niyang alisin si Thunder sa tabi ko para lang mayakap niya ako.

“Beb. Wait kalma.” natatawa kong sabi dahil halos hindi maipinta ang mukha ni Thunder sa mga oras na ‘to.

“Omg. Ang dami mong ik-kwento sa’kin. Doon ka magstay sa bahay namin ngayon, ah? Nakapagpaalam na ako kila dad.” masayang sabi ni Ayesha nang kumalas siya.

“Ano? Doon na lang kayo sa academy ngayong weekend.” pagsingit ni Thunder kaya naman narealize na ni Ayesha na may mga kasama akong gangster dito sa loob ng kwarto.

“Wait. Bakit kasama mo sila dito?”

“K-kwento ko na lang sa’yo lahat mamaya. Magpapalit lang ako tapos umuwi na tayo sa inyo.” sabi ko nang kunin ko ang paper bag na dala ni Ayesha.

“Ano?” Hindi makapaniwalang tanong ni Thunder pero hindi ko na iyon sinagot.

“Hello po tita.” bati ko nang makauwi kami kila Ayesha. Agad akong sinalubong ng yakap ng mommy niya kaya napangiti ako.

“Ikaw ba si Rain? Feel at home okay? Ihahanda ko lang yung lunch.” sabi ni tita at nagpasalamat naman ako bago siya umalis.

“Beb. Tabi tayo matulog mamayang gabi, ah? Sure akong marami kang dapat ikwento.” hinila niya ako paakyat sa kwarto at kahit hindi niya sabihin ay alam kong excited siya.

Alam na rin niya na boyfriend ko na si Thunder. Habang nagbibihis kasi ako sa hospital kanina ay pilit siyang kinukulit nung kulog na ‘yon na sa academy na lang kami magstay, pero matigas din si Ayesha kaya hindi siya pumayag.

Monstrous Academy 1: Gangster's love. [PUBLISHED UNDER PSICOM]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon