"basta,, sumunod ka nalnag sakin" sagot ko sa kanya at hinawakan ko na ang kamay nya saka kami nagpunta sa likod ng isang building sa dulo ng school namin

mababa lang kase ang dingding don...

hinila ko yungisang lumang upuan na nakatambak lang dito

"t-teka! hoy! anong ginagawa mo?" tanong ni Harold na takang taka..

"ano ba sa tingin mo? (tumuntong na ko) tara! lalabas na tayo!" sagot ko sa kanya tas sasampa na ko sa dingding at ayun! talon sa kabila at

"WAAAAAH~!!!" (Lydia napabangon sa higaan, tingin sa paligi)

nasan ako? OO___OO

*lingon sa kaliwa at nakita si Harold na plain face at gulat*

ha?!! anung ginagawa namin dito?! >.< nalaglag ba ko? O__O

"n-nasan na tayo?" tanong ko sa kanya >.<

"anong nasan na tayo? sira kanina ka pa tulog" sagot nya sakin

"weh?"

"anung weh? nananaginip ka ba? eh maghapon ka lang kayang tulog mula nung umuwi tayo.. alas kwatro na, bukas sabi ni mama pwede ka ng pumasok" sagot nya sakin >.<

ibig sabihin... panaginip lang yon?? O__O

bakit ba panaginip lang kaya ko ng snobin si Harold!! bwisit!!!!!!

~

"hooy! gising na! Lydia ano ba?! maghapon ka ng natulog kahapon tapos ngayon ang hirap mo paring gisingin?!!" 

weeeh!!! boses ni Harold TT____TT

"ano baa!! >.< bakit ba ang aga aga pa e!!!" pakiramdam ko 6am palang T__T

"sira! 6:30 na! pinagbigyan ka na nga ni mama e! bawal na maglagay ng kung ano anong pampaarte ha?! dalian mo! maligo na! iiwan kita! isa!" pananakot pa nya habang hila lang ng hila sa kumot ko >.<

"huwaaag ngaaa!!" pilit kong inaagaw ang kumot pero ang lakas ng pwersa nya >.< kaya binitawan ko na! hmp!

tulalang tulala lang ako habang naglalakad kami.. bwisit na panaginip yan TT___TT masosolo ko na e! anjan na e!!!!!

"huy!" bigla akong kinabig ni Harold kaya napatingin ako sa kanya]

"oh bakit?" agad kong tanong

"may masakit pa ba sayo?" tanong nya sakin

"wala na... Ok na ko" sagot ko sa kanya at ayun.. back to tulala..xD

pero nagulat ako ng biglang nanguna si Harold at naupo sa harapan ko na nakatalikod O__O

"sakay na" sabi nya sakin

"h-ha?!" >.<

"sumakay ka naaa... alam ko namang tinatamad ka e, dalian mo at nangangalay ako" sagot nya sakin na pilit akong nililingon.. napangiti naman ako..xD

akala ko hanggang panaginip lang ako makakascore ulit!

agad naman akong sumakay sa likod nya.xD at tumayo sya na hirap na hirap

"grabee... ang laki ng binigat mo talaga" sabi nya pagkatayo nya. ang higpit naman ng kapit ko sa leeg nya :))

"bakit nanaman?! kelalaki mong tao nagrereklamo ka sa bigat ng babae" natatawa kong sagot :))

"noon kaya para ka lang bulak sa sobrang bigat mo" biro pa nya

"ano ka! ikaw nga parang tingting na nagbubuhat eh" sagot ko

"nakooo.. kitang kita ko kung pano ka lumaki.. kahit yung napkin na naiwan mo sa CR"

"WEEEHH!!!!" >.< agad kong sinumalmal ang bibig nya sa sobrang hiya! anong klase ba naman to! wala manlang preno!

"hhmm!! (iniiwas ang bibig sa kamay niLydia) hwag ka ngang magulo! dami daming tao e" sagot nya sakin na naiirita..xD

"eh ang dami dami ngang tao tapos ang lakad pa ng loob mong sabihin yon!  >.<" sagot ko sa kanya

"uy ang sweet oh?"

"wow ang sweet naman ng couple na yun, talagang buhat buhat pa nya girlfriend nya"

"uso pa pala yun ganyan!"

"uy nakakainggit naman! swerte ng girl sa boyfriend nya"

hindi ko alam kung pinaparinig ba to o sadya? >.< nahiya tuloy ako kay Harold O__O pero naramdaman kong natigilan si Harold tapos huminto sya

"teka teka Lydia.. ang sakit na ng likod ko, lakad ka muna" bigla nyang sinabi at bumaba naman ako.. nakatingin lang ako sa kanya habang nag uunat sya, tas tumingin sya sakin.. halatang may halong hiya? fake? i dont know pero ngumiti nalang ako

"tara.. lakad ka muna" sagot nya sakin at naglakad ako saka nya ko sinabayan

"ang tagal na rin nating ganto no?" sabi ko nalang sa kanya para takpan yung naramdaman ko

alam kong nahiya sya sa narinig namin kaya nya ako binaba..

"kaya nga... ang bigat mo na" sagot nya sakin

~

"Lydia! bakit absent ka kahapon? tapos di ka pa nagtetext?" tanong ni Marie sakin pagkaupo ko sa upuan ko

"saka na natin pagkwentuhan.. anjan na si Ma'am oh" sagot ko sa kanya at napatingin sya sa bandang pintuan at ayun.! start na klase

Habang naglalakad lakad ako sa school, galing kase ako sa kabilkang building ay nakita ko si Reiven na nakaupo sa isang bench sa sulok..

nilapitan ko sya

"oy" tawag ko sa kanya pero hindi sya lumilingon.. nilapitan ko pa sya at napatingin sya sakin, nakaheadset pala e ><

naupo ako sa tabi nya

"bakit hindi ka nanaman pumasok?" tanong ko sa kanya pero hindi sya sumasagot. ni hindi nga lumingon e >.<

tinignan ko yung wire ng headset nya, at hinawakan ko ang adjustment ng volume at tinodo ko..xd

para syang pusang nangalisag dahil sa lakas =)) agad agad nyang tinanggal at tumignin sakin ng masama :))

"ano ba!" sita nya sakin

"eh kinakausap kaya kita!" sagot ko sa kanya >.<

"ano bang ginagawa mo dito? namiss mo nanaman ako e" sagot nya na parang nang-aasar na tono

"muka mo! tatanong ko lang kung bakit ang tamad tamad mo!" sagot ko sa kanya

"eh ano naman? aalis ako maya maya... bumalik ka na sa room" sagot nya sakin

"ha? san ka pupunta?" tanong ko pa

"magdodota.. sama ka?" tanong nya sakin...

"ikaw lang?"

"tanga ba ko para maglaro mag isa?" sagot nya >.<

"tara.. sumama ka nalang sakin, hwag ka na rin pumasok" dugtong pa nya tas tumayo sya at hinila ako

"teka! teka! ano bang sinasabi mo?! dadamay mo pa ko sa pag absent mo!" sigaw ko sa kanya >.<

"ayos yan! para may kasama akong babagsak" sagot nya sakin na natatawa >.<

Harold's POV

Kalagitnaan ng klase namin eh napakainit grabe -___- buti nalang tabi ng bintana tongpwesto ko, 

lumingon ako sa labas, sawa na ko sa view ng loob ng classroom na to -___-

teka?

si Lydia yon ah?

*Nakita nya si Lydia na may kasama, si Reiven at magkaholding hands sila*

----------------------

To Be Continue

UnconditionalWhere stories live. Discover now