Suga 54 - Thunder

Magsimula sa umpisa
                                    

Natahimik naman ako sa sinabi niya. Na-touch ako, mga bhe.


"Thank you, Jace ha? Pero utang na loob umalis ka sa paningin ko dahil sumasagi sa utak ko yung pangaasar mo sakin kanina-nina lang." sabi ko sakanya.

Napatawa lang siya sakin, umalis na silang dalawa ni Seth at naiwan nalang kaming dalawa ni Shawn, ang Halo-halo ng buhay ko.


"Ikaw, Carmille ha, sunod ka ng sunod sakin." asar sakin ni Shawn sabay akbay sakin.

Napatawa naman ako sakanya, "Loko! Coincidence 'to noh! Kung alam ko lang na nandito kayo, edi sa Bermuda Triangle nalang sana kami nagswimming."

"Grabe ka ha!" tatawa-tawang sabi ni Shawn.

Umupo kami sa picnic mat na pagmamay-ari yata nila tapos tumingin lang sa may dagat. Medyo mainit ang panahon ngayon, tirik ang araw pero ang daming taong nagsswimming. Buti nalang nakasilong kami sa ilalim ng isang beach umbrella at may mga puno din ng niyog na nagbibigay sa amin ng shade. Medyo presko kahit papano.

"It's good to see you here." Shawn stated, may kinuha siyang sandwich sa may basket at inalok akong kumain pero inayawan ko dahil kakain ko lang. Pero siya, lamon agad. Amazing.

"Hindi naman sana ko sasama kaso nagpumilit si Aikee." sabi ko.

"Buti napilit ka ni Ailee."

Natawa naman ako sakanya, "Ailee ka na naman. AiKee." inemphasize ko talaga yung 'K'.

"Oo na, Aikee na. HAHAHA! Naalala ko nung bagong lipat ka sa Stanville Academy, una kitang kinulit na sumabay saming kumain. Tapos inagaw kita sakanila Aikee. Cute cute mo nun. Hahaha." pagtthrowback niya naman.

Hinarap ko siya, "Ah so ngayon di na ko cute? Noon lang ako cute?"

"Hindi ka na cute. Perfect ka na. Perpekto ka na para sakin." banat sakin ni Shawn habang nakatingin ng diretso sa mga mata ko.

Ilang segundo pa kaming nagkatinginan, umiwas naman ako kalaunan para itago ang pamumula ng mukha ko. Fuchsiangina na naman po ni Shawn, babanat kapag di ko ini-expect. Di ako prepared.

"'Nga pala, buong Stanville ba ang nandito?" tanong ko, change topic bhe para kunyare di ako kinilig. Hahaha

"Yup. And we're with Vanessa." sabi niya.

Putangina ano po. Kasama na naman talaga nila ang Hito. Ah alam ko na kung bakit! Papakawalan na nila si VAnessa sa natural habitat niya, dito sa dagat. Comeback na niya sa bahay nila. Lumangoy na sana siya paalis dahil nangangati na akong ihawin siya. Maawa kayo ayoko maging murderer ng hito.

"Nakita ko si Keith kagabi." pagkikwento ko kay Shawn.

Mukha naming naging interesado si Shawn sa sinabi ko kaya napaupo siya ng maayos at humarap sakin.

"Ano nangyari?"

Napabuntong-hininga nalang ako. Hindi ko man masabi o makwento kanila Elize at Aikee, pero kay Shawn kaya kong sabihin. Ganun ako ka-open sa alien na 'to, ganun ko siya pinagkakatiwalaan. "Wala. Nakipagbreak na siya. Di na niya daw ako girlfriend eh. Oh diba, nakakatangina lang. Tapos may hinihingi siyang bagay sakin, hindi ko na nabigay sakanya kasi leshe ang sakit sa feels, nagwalk-out ako ng wala sa oras."

"Nakakagageu talaga si Keith, ano?"

"Huh! Sinabi mo pa! Uleul na gago yun, sabihin ba naman na hindi daw siya yung nagpadala nung gumamela eh alam ko naman--"

Tinakpan ni Shawn ang bunganga ko gamit ang kamay niya, nanlaki ang mata niya sa narinig tapos nilapit ang mukha niya sa mukha niya. "G-gumamela?"

Mr. Popular, You Are So Going Down! [BOOK 1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon