Suga 54 - Thunder

Start from the beginning
                                    

"Yieee kunyare ayaw pero araw-araw sa Sogo." asar ko sakanya habang tinutusok-tusok tagiliran niya. Pabebe 'tong International Playboy na 'to eh.

"Kalma mo yang JEth feels mo! Teka nga, ano ginagawa mo dito sa resort? Sino kasama mo? Nagkita na ba kayo ni Keith?" sunod-sunod niyang tanong sakin. Nasa interrogation ba ako?

"Una, syempre nagliliwaliw ako dito sa resort. Nagswimming, humihinga, kumukurap. Alangan naman beach resort tapos nag-sskiing di ba? Tanga lang o tanga? Pangalawa, sila Aikee at Elize kasama ko. And lastly, putangina wala kang pake kung nagkita kami. Pasabi sa barkada mong gilagid pakyu siya." trashtalk'an na ito pero wala talaga akong pakialam.

Napatawa lang sakin si Seth, "Ewan ko sayo, Carmille. Syanga pala, sama ka muna samin. Libutin natin 'tong resort." yaya niya sakin.

Yung tipong di pa ako umo-oo pero bigla nalang niya akong hinigit at kinaladkad palabas ng souvenir shop. Ni hindi na nga ako nakapagpaalam kay Elize at Aikee. Ititext ko nalang sila mamaya. Imposible kasing makawala ako sa mahigpit na hawak sakin ni Seth.


Lakad lang kami ng lakad hanggang sa makarating kami sa isang lugar malapit sa dalampasigan, may nakalapag na picnic mat at natagpuan namin dun si Jace na may kasamang tatlong babae lang naman at nakikipagtawanan pa ito kasama nila.


Agad namang lumapit si Seth na mukhang handang makigyera, tinampal niya ang ulo ni Jace na dalian namang napalingon.

"Holy sh*t ka, bro. Huwag kang uuwi ng bahay!" sigaw ni Seth kay Jace.

Selos na ba dis? Huehue

"Luh inaano kita?" napatayo naman si Jace tapos nagsukatan pa silang dalawa ng tingin.


Nafeel naman yata ni Jace ang presensya ko kaya napatingin siya sakin. Pero kingina lang, hindi siya nakatingin sa mukha kundi sa parteng katawan ko. Napasipol pa ang loko sakin tapos napakagat pa ng labi.

Susuntukin ko na sana ang pandak na yun, lakas makamanyak! Kaso nakaramdam ako ng nagbackhug sakin tapos narealize ko nalang may malong na na nakatakip sa harapan ko. Kaya ganun nalang ang dismaya sa pagmumukha ni Jace.

Paglingon ko, nakita ko ang nakangiting imahe ni Shawn.

"Hi, Carmilita ko." bati niya sakin tapos hinalikan niya ang leeg ko.

ASFDGIANHAKBDLAANDGIXCALZ opo kalmado ako. Huehue


"Hoy, Jace! Bespren kita pero kung ganyan ka din lang naman makatingin kay Carmilita ko, babangasan talaga kita, bro." banta ni Shawn kay Jace.

"Haha! Sensya naman, bro. Di ko inakala na may hinaharap pala 'tong si Carmille." asar sakin ni Jace, rason para mamula ang pisngi ko dahil sa kahihiyan at inis. Inaano ko 'to? Bakit trip ako?

Isa pa 'tong Seth. "Apir tayo diyan, pre! Di ko talaga nakilala si Carmy kanina, natawag ko pang chikababes dun sa may souvenir shop! Dadamoves'an ko sana eh. HAHAHAHA!"

Utang na loob. Jace, Seth, fight me. Inaniyong dalawa!

"PUTANGINA NIYONG DALAWA HA! UMAYOS KAYO DIYAN KAPAG AKO DI NAKAPAGTIMPI IPAPAINOM KO SAINYO LAHAT NG TUBIG NA NAKIKITA NIYO DIYAN SA DAGAT! GANYAN KAYO NOH? NAKAGAWA LANG AKO NG MASAMA, MINAMANYAK NIYO NA KO!" sigaw ko sakanila.

Agad namang napatigil sa kakatawa sina Jace at Seth, pero halatang nagpipigil naman sa pagtawa. Mga gunggong talaga.

Lumapit sakin si Jace tapos hinawakan ang kamay ko. "Carmille babes, namiss ka lang naming asarin. Saka, huwag mo na ding isipin yung mga nangyari. Even good friends fight. Naiintindihan ka namin, chill ka lang. Tangina ka, namiss kita ng sobra." naka-eyesmile na sabi ni Jace tapos pinisil-pisil pa yung pisngi ko.


Mr. Popular, You Are So Going Down! [BOOK 1]Where stories live. Discover now