Chapter 70: Once a Liar always a Liar, Nathan is Back, One Last Problem

2.6K 67 0
                                    

Chapter 70: Once a Liar always a Liar, Nathan is Back, One Last Problem

Chapter 70.1: Once a Liar always a Liar

Kurt's Point of View

Monday

"Yannie, bakit wala pa si Nate?" Tanong ko. Nandito na kami sa classroom.

"I don't know. Hindi siya sumabay sa pag pasok. Ang sabi lang ng Yaya namin ay, maaga daw umalis si Kuya at naka uniform" paliwanag ni Yannie

"Damn! Late na siya!" Sabi ni Mark nang dumating si Sir Michael.

"Good Morning class!--Ooh Is Mr. Nathan Park absent? Yannie what happened to your brother?" Tanong ni Sir Michael

"Ahh! Hindi ko po alam sir" hindi nalang sumagot si Sir Michael. After 30 mins ay may dumating. Wow! Ang aga ni G*go!

"Mr. Park why are you late? At bakit ang dami mong sugat?" Tanong ni Sir Michael. Dumireto si Nate sa upuan niya

"You Don't care! Just continue what you're doing" malamig na sabi ni Nathan.

Naalala ko ang nangyari kagabi. Hinanap namin siya magdamag

Flashback

"Baka nasa hideout si Nathan" sabi ni Mark. We went to our hideout. We heard some of our members talking.

"Boss tama na po yan! Bakit hindi kumpleto ang Goshawks?"

"Mukhang tama tayo" sabi ni Mark. Pumasok na kami sa hideout. Naabutan namin si Nathan na umiinom at pinipigal siya ng ibang miyembro

"Top" tinawag ko si Top. Lumapit siya sa amin. Pero hindi pa rin kami napapansin ni Nathan.

"Goshawks! Kanina pa nandito si Nate. Ayaw niyang mag papigil. Ito pa ang matindi, nag yayaya makipag sparring!" Napailing kami

"G*go talaga!" Sabi ni Jude. Nilapitan namin si Nathan. Halata na ang pagkahilo sa kanyang mukha.

Binatukan ni Jude si Nathan "Hoy G*go!" Sigaw ni Jude. Napaangat ng tingin sa amin si Nathan

"What now? Susuntukin mo ulit ako?! Game!" Napailing kami

"Stop it Nathan!" Sigaw ni Jude. Hinawakan niya ang kwelyo ni Nathan at tinayo niya ito. "Look at you! You're a mess! Suko ka na agad?! P*t*angina, di ba magtutulungan tayo?!"

"Kahit anong gawin natin wala na tayong magagawa! Yung una ba nating problema may solusyon na?! Wala pa diba?! Paano pa yung bago?!"

"Nathan stop! Kaya nga tayo magtutulungan di ba?!" Sigaw ko

"Pabayaan niyo na ako! It's not worth it!"

"You left me with no choice Nate!" Sigaw ni Jude at sinuntok si Nathan "Tumayo ka diyan!" Tumayo si Nathan. Nag umpisa silang mag suntukan. Ayaw nilang mag papigil kaya hinayaan nalang namin sila. Jude knows what he is doing.

Dahil sa kalasingan ni Nathan ay natalo siya ni Jude

"Bago ka mag yaya sa suntukan, ayusin mo muna ang buhay mo G*go!" Sigaw ni Jude at umalis

Flashback ends

Hanggang ngayon ay hindi pa rin nag uusap si Nate at Jude.

Kailangan na itong maayos. Alam kong malalagpasan namin tong mag kakaibigan.

Tanya's Point of View

Bakit ganun? Amoy yosi at alak si Nathan. Tss bumalik na siya sa dati. Bad Boy.

The Five Bad Boys and MeWhere stories live. Discover now