Chapter 49: Forgive?

2.1K 66 0
                                    

Chapter 49: Forgive?

Tanya's Point of View

Ang bilis talaga ng panahon!

March na ngayon. Malapit na ang kasal ni Shawn at Alyssa pati ang kasal nila Kuya Yan.

And! Malapit na kaming gumraduate!

Sa South Eastern University pa rin kami mag aaral.

Ang building ng college at Highschool ay mag kahiwalay

This week na pala ang flight namin papunta sa Korea. Hapon ang flight sa friday

Nakakalungkot lang dahil March 4 sa friday. First Monthsary namin ni Nate. Huhuhu

Wednesday na pala ngayon.

Sumakay na ako sa kotse ni Kuya. Papunta na kaming school.

"Tan handa na ba ang gamit mo?" Tanong ni Kuya

"Ahm oo" simpleng sagot ko

"Eh bakit parang malungkot ka?" Tanong niya

"Eh kasi naman kuya eh! First Monthsary namin ni Nate tapos aalis tayo" sabi ko at nag pout

"Naiintindihan naman yun ni Nathan eh" sabi ni Kuya

"Alam ko naman yun eh! Nakakalungkot lang!" Sabi ko

"Hayaan mo na! Bumawi ka nalang sa kanya pag balik natin. 1 week lang naman tayo dun eh" sabi ni Kuya habang nag ddrive

Nag kibit balikat nalang ako

"We're here" kuya announced

Bumaba na kami ng kotse at umakyat na papunta sa room

"Kuya may kukunin lang ako sa locker ko" sabi ko kay Kuya

"Ha? Sige una na ako sa room" aniya at pumunta na sa room

Pumunta na ako sa locker. Kinuha ko yung iba kong libro. May isang letter na nakalagay sa locker ko

Kanino naman to galing?

To: Tanya...
       I'm sorry Tanya if I hurt you... I never meant to do that...

Wala naman nakalagay kung kanino galing

Hindi ko na pinansin ang letter at pumunta nalang sa room

Umupo na ako sa upuan ko

"Tss! Bakit ba kasi sila nakalaya?!" inis na sabi ni Jude. Problema nito?

"Wala pa daw sila sa legal age" sagot ni Mark. Ano bang pinag uusapan nila?

"Baka ano na naman ang gawin nila" sabi ni Chris

"We can't let that happen" sabi ni Kuya

Tatanungin ko sana kung anong problema nila nang dumating na si Sir Michael.

"Good Morning class!" Bati ni Sir

"Good Morning Sir!" Bati namin

"Alam niyo naman na in 2 weeks ay final exam niyo na. So, starting today ay mag rereview na tayo. Kung may kulang pa kayo, kumpletuhin niyo na" paliwanag ni Sir

"Yes sir" sagot namin

"By the way, Tanya and Kurt, you are already excused about sa pag absent niyo ng 5 days next week. Tanya, wala ka nang kulang na requirement" paliwanag ni sir Michael

"Yes!" bulong ko

"But you! Mr. Kurt Mendoza! Kailangan mong ipasa bukas na bukas ang project mo! Understood?!" Sabi ni sir kay Kuya

Napakamot si Kuya sa ulo

"Yes po sir" sagot ni Kuya. Inasar naman siya nila Nathan

Hindi na kasi kami papasok sa friday dahil hindi kami pwedeng ma late sa flight

Nag review nalang kami ng lessons. Habang si Kuya ay namomroblema tungkol sa project niya

"Psst Tanya" tawag ni Kuya sa akin

"What?" Tanong ko

"Tulungan mo ko sa project ko" aniya

"Tss Oo na" sabi ko

"Gusto mo ikaw na ang gumawa?" Tanong niya

"Lul! Ano ka sinuwerte?! Mangarap ka!" Sabi ko

"Joke lang basta tulungan mo ko ha?!" Sabi niya

"Oo na! Baka mahuli pa tayo ni Sir na nag uusap!" Sabi ko

Tumunog na ang bell. Lunch na!

"Tara kain na tayo!" Sigaw ni Chris

Lumabas na kami ng room at naglakad papuntang canteen

Hinawakan ni Nate ang kamay ko

"Nate punta lang akong c.r" sabi ko pero hindi niya binitawan ang kamay ko "Huy Nate! Bitaw muna"sabi ko

"Eh! Ilang araw ko tong hindi mahahawakan no! Kaya gusto ko munang hawakan ang kamay mo" sabi niya

"Tss sige na nga" sabi ko

Umupo na kami sa tambayan nila. Si Chris at Pia nalang daw ang bibili ng pag kain namin

"Nate kailangan ko na talaga mag c.r" sabi ko kay Nate. Tumango nalang siya

Pumunta na ako sa c.r

Pag labas ko ng c.r ay nakita ko ang isang tao na dati kong pinagkatiwalaan at tinuring na kaibigan

"Zachary" tawag ko

"T-Tanya" aniya

"Anong ginagawa mo dito? Akala ko ba nakulong kayo?" Tanong ko

"Hindi kami pwedeng makulong. Under age pa kami" aniya

Yun siguro ang pinag uusapan nila Mark kanina bago dumating si Sir.

"Ganun ba? Okay" sabi ko at paalis na sana ng pigilan niya ako

"Tanya I'm sorry" aniya

"I'm sorry?! Wala naman magagawa yang sorry mo eh! Wala na Zach! Sira na ang tiwala ko sayo!" Sigaw ko

"Tanya I'm sorry. I just don't want to lose you" aniya

"You just did Zach" sabi ko at umalis na

Bumalik na ako sa canteen at umupo sa tambayan

"Bakit ang tagal mo Tanskie?" Tanong ni Yannie

"Pati ba si GianCarlo nakalaya na?" Tanong ko

Nagulat naman sila sa tanong ko

"How did you know?" Tanong ni Nathan

"Kausap ko si Zach kanina" sagot ko

"What?! May ginawa ba siya sayo?!" Sigaw ni Kuya

"Wala" sagot ko

"Yes, pati si GianCarlo. Kanina lang din namin nalaman" sagot ni Nathan

"Anong sabi ng G*gong Zachary na yun?" Tanong ni Chris

"Nag sorry siya" sagot ko

"Sorry?! His sorry can't bring back or even changed what happened!" Sigaw ni Jude

"Will you forgive him?" Tanong ni Nathan

Forgive him? I don't know

Nasira na ang tiwala ko sa kanya.

Hindi ko alam kung mapapatawad ko pa siya...

The Five Bad Boys and MeWhere stories live. Discover now