Chapter 57: I'll ruin your Life

1.9K 60 0
                                    

Chapter 57: I'll ruin your Life

Nathan's Point of View

I miss her so much! Excited na akong makauwi siya. Konting tiis nalang Nathan!

"Nathan! Ikaw na ang mag bukas ng pinto. Kanina pa may nag dodoorbell!" Sinunod ko ang utos ni Mommy

Binuksan ko ang gate. Nagulat ako na makita siya. Anong ginagawa niya dito?

"Hi Nathan Park"

Tanya's Point of View

Handa na ang lahat para sa kasal nila Ate Jana at Kuya Yan bukas!

Imbis na Friday ay sa Wednesday na ang uwi namin. Para naman daw makapasok kami ng Thursday and Friday

I checked my phone kung may calls or texts. Pero wala...

Bakit hindi pa nagtetext sa akin si Nathan?

Sa Saturday na pala ang kasal nila Shawn. Sikreto lang ang kasal na yun. Hindi rin yun pwedeng malaman ng school.

Kami-kami lang ang nakakaalam nun.

"T-tanya" Nilingon ko si Kuya

"Bakit?" Mukhang may problema siya

"S-si Nathan... Nag text na ba siya sayo?" Si Nathan?!

"Ha?! H-hindi pa eh! Sayo ba?" I asked. Umiling lang siya "May problema ba Kuya?"

Umiling lang ulit siya "Sana maging okay ang lahat" ano bang sinasabi niya?

"Ano ba yun Kuya?" But again,umiling lang siya

Jude's Point of View

"Nate, seryoso ka na ba diyan?" Tanong ni Mark

"Oo" simple niyang sagot

"Bakit pumayag ka?! Alam na ba to' ni Kurt?" Tanong ko. Nakakainis naman kasi eh!

"Sinabi ko na sa kanya kanina. Wala na rin naman siyang magagawa eh. Nag desisyon na ako" aniya "I'll break up with her"

Damn!

Tanya's Point of View

Monday...

Lahat kami nag hahanda na para sa kasal nila Kuya Yan. I'm so happy for the both of them...

Isa isa na kami naglakad at pumunta sa pwesto

Lahat ng atensyon ay na kay Ate Jana nung magsimula siyang mag lakad. Habang si Kuya Yan at hinihintay siya. Garden wedding ang napili nilang dalawa. Ang ganda ng dekorasyon.

Ang ganda ni Ate Jana...

Paano kaya kung si Nathan naman ang naghihintay at ako ang naglalakad palapit sa kanya...

Nag umpisa na ang ceremony...

Dumiretso na kami sa Reception.

"Ate Jana! Mendoza ka na!" Natawa naman siya sa sinabi ko

"Ano ka ba Tan?! Wag ka mag alala, soon ikaw naman!"

"Haha matagal pa yun noh!''

Pag tapos, ay umuwi na kami. Sila Kuya Yan at Ate Jana ay hindi dito uuwi disiretso kasi sila sa HONEYMOON!

Matutulog na sana ako ng mag ring ang cellphone ko

Unggoy <3 calling...

Sa wakas at tumawag na siya

" Hello?" Bungad ko

["How are you Tanya?"] I asked

"Okay lang. Kakauwi lang namin. Sa Wednesday na pala ang uwi namin"

["Talaga? I missed you"] ang sweet talaga ng Bad Boy KO!

"Miss na din po kita!"

["Tanya alam mo namang mahal na mahal kita di ba?"] Tama na! Kanina mo pa ako pinapakilig!

"Opo. Mahal na Mahal din kita"

["I will love you forever Tanya. FOREVER! Always remember that, okay?"] Ayaw niya tumigil! Pulang pula na ako!

"Opo nga!" Natatawa kong sagot

["Sige na! Matulog ka na! Goodnight and I love you
FOREVER "]

" goodnight, I love you too " at binaba na namin ang tawag

Hayy! Makatulog na nga

Someone's Point of View

I'll ruin your Life! Pag tapos mong sirain ang buhay ko sa tingin mo papayag ako na maging masaya ka?!

Never! Mag dudusa ka TANYA! Akin si Nathan!




The Five Bad Boys and MeWhere stories live. Discover now