Chapter 21: J. Gonzales

3.9K 103 0
                                    

Chapter 21: J. Gonzales

Tanya's Point of View

"Tanya bakit ang aga mo yata ngayon?" Tanong ni Mama pag kababa ko ng sala

"Siyempre Ma! Excited yan! Makikita niya na kasi si Nathan!" Bwiset talaga to si Kuya! Panira ng araw eh!

"Rose! May boyfriend ka na?" Tanong ni Papa na kumakain

"Wala pa po!" depensa ko

"Eh sino yung Nathan na yun? Tsaka bakit parang pamilyar yung pangalan niya?" Tanong ulit ni Papa

"Manliligaw yun ni Tanya Papa! Tsaka naalala niyo ba yung kaibigan ko na laging nandito, yung magaling sumayaw" sagot ni Kuya. Bakit ba siya ang sumasagot?!

"Ah! Si Nathan Park! Yung anak ni Nathaniel!" Sabi ni Papa

Hindi na siguro gaanong matandaan ni papa si nate dhil matagal din syang nawala

"Opo pa! Siya yun!" Sabi ni Kuya. Sila nalang kaya ang mag usap!

Lumapit nalang ako kay Mama at humingi ng pagkain at kinain ito

"Tanya bakit natahimik ka?" Tanong ni Kuya. Nagtanong pa sya!

"Nakakahiya kasi sumingit sa usapan niyo! Kung mag usap kayo parang wala ako dito! Tsaka ikaw! Sabat ka ng sabat!" Sigaw ko

"Masama ba kausapin si Papa!" Sigaw nya. Sasagot pa sana ako pero bigla nalang tumawa si Mama at Papa

Nagkatinginan kami ni Kuya. Anong nangyari sa magulang namin? Nabaliw?!

"Why are you laughing?" Tanong ni Kuya

"Haha para kayong bata kung mag away! Haha" sagot ni Mama

"Ma naman! Bata pa talaga ako! Gwapo na! Baby face pa!" pati ako nakisabay na sa tawa nila Mama dahil sa sinabi ni Kuya

"Gwapo ka talaga anak! Eh kanino ka pa ba mag mamana? Edi sa gwapo mong tatay!" Sabi ni Papa na lalo namin ikinatawa

"Haha! Masyado talagang mataas ang confidence niyo!" Sabi ni Mama. Sabay namang napakamot sa ulo sila Papa at Kuya

"Totoo naman eh!" Sabay nilang dalawang sigaw.

"Haha! Osiya pumasok na kayo ni Tanya at baka ma late pa kayo" sabi ni Mama. Kaya nagpaalam na kami sa kanila at sumakay na kami ni Kuya sa kotse

"Tanya um...ano...ah..." May problema ba tong si Kuya?

"Ano ba yun? Bakit hindi mo masabi?" Tanong ko

"Tulungan mo naman ako" aniya. Tulungan? Saan?

"Tulungan saan?" Tanong ko

"Ah...ano... sa... pag... um.. ano" putaragis! Bakit ba ganito si kuya ngayon?

"Isa pa! Pag hindi mo sinabi agad hindi kita tutulungan--" naputol ang sasabihin ko ng sumagot siya

"Gretchel" aniya. Gretchel?! Anong meron sa kanya?

"Anong meron kay Ate Gretchel?" Tanong ko

"Help me to get her back" sagot niya. OMG!

"A- Are you serious?" Tanong ko

"I'm damn serious Tanya Rose" sagot niya

"Sige ba!" sagot ko

"Really? Are you serious?" Tanong niya

The Five Bad Boys and MeWhere stories live. Discover now